The Moment of Truth

3.7K 79 8
                                    

SHARLENE

Sheree and I parted ways in good mood.

I never thought that I will fall in love with the very gifted daughter of Ella. Nakaka-in love sya. She is very sensible, matalino and I want to see the world through her eyes. Para kay Sheree, everything is plain and simple. We used to have that perspective when Jai & I were younger. Pero nagbago ang lahat mula nang dumating si Ella.

Noon palagi ko syang sinisisi sa sugatan kong puso, pero kinilabutan ako ng ma-realize ko na ako pala tong nagmamatigas at nagpapa-kumplikado ng sitwasyon.

Pag-uwi ko sa bahay, sinalang ko sa dvd yung video na bi-nurn ni Ella.

On the video, she looks so pale and mukhang malala na ang sakit niya nung mga time na yun at mukhang malapit na syang manganak.

“Hello prinsesa ni Jairus! Nagulat ka ba? Oo, nandito pa ko at buhay na buhay. I am very sorry Sharlene sa lahat ng nangyari. By the time na pinapanood mo tong video na to, sana naaalala mo na ko. Balita ko kasi kay Jai may amnesia ka daw. Alam mo ba, kanina, ka-chat ka niya sa facebook. Iyak sya ng iyak dahil di mo daw sya maalala. Alam kong hindi na tayo magkikita ng personal Shar. Nararamdaman ko malapit na kong umuwi kay Lord. Sana Shar mapatawad mo ko sa lahat ng sakit na dinulot ko sayo. Pasensya ka na ha! Si Jairus lang kasi ang pwede kong lapitan sa mga panahong to...”

Patuloy ako sa pag-iyak at naalala ko kung paano rin ako naghirap na araw araw iniisip ko na masaya si Ella dahil kahit may sakit sya, nasa tabi niya si Jai.

Biglang dumating si ate Miles at naabutan niya kong umiiyak sa sala habang pinapanood ang video ni Ella. Umupo sya sa tabi ko, inalo ako at sabay naming pinanood ang video.

“Alam mo Shar, napaka-swerte mo kasi may mama ka na willing masaktan basta wag ka lang mahirapan. May pamilya ka na nag-aalaga sayo at pumu-protect sayo.” Sabi niya sa video at bigla na syang napaluha pero pinipilit pa rin ni Ella na ngumiti. “Ako kasi Shar wala na eh, my dad disowned me after finding out na anak ako ni mommy sa iba... Pinaalam nga ni Jai kahapon kay daddy na may sakit ako eh pero ang sabi niya samin, kung pera lang daw ang kailangan ko pampagamot, idi-deposit na lang daw sa bank account ko. Kaya sana Shar patawarin mo na si Jai kung nandito sya ngayon kasama ako sa Canada imbes na nandyan sya at ipinaglalaban ka niya.”

Napahagulgol na ko kay ate at pareho kaming umiiyak.

 My god! How could I be so selfish? Bakit kasi hindi ko na lang sila hinayaang magpaliwanag? Bakit ba kasi walk out ako ng walk out palagi?

“Shar, alam mo ba may pangalan na ang baby girl ko... Her name is SHEREE LYNNE CRUZ. Gusto kong isunod sa name mo para kahit na wala na ko, maaalala mo pa rin ako. Pasensya ka na rin kung si Jairus na ang magpapalaki sa bata ha! Sana kahit magkaroon na kayo ng sariling pamilya ni Jai ituring mo rin na anak si Sheree.... Alam ko kayo ang magkakatuluyan sa bandang huli dahil ikaw lang ang minahal niya Shar. Ikaw lang. Salamat sa lahat Shar...Paalam.”

Parang unti unting tinutunaw ang puso ko sa mga nalaman ko about Ella.

“Ate....” hindi ko alam ang sasabihin basta umiiyak lang ako ngayon.

“Shar tama na... Ngayon na alam mo na ang totoo, sana palayain mo na ang sarili mo sa lahat ng sakit at bitterness ng nakaraan. Magsimula kayong muli ni Jai... I think Francis is a good person pero alam ko naman na through the years, iisa lang ang laman ng puso mo eh.”

Sabi niya habang hinahagod ang likod ko just to comfort me.

“Ate, bakit ba kasi ang tanga tanga ko at di ko sila hinayaang ipaliwanag sakin ang lahat ng to? Bakit kailangan ko pang magka-amnesia, magkaroon ng grudge kay Jai sa pag-iwan sakin?”

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon