Do The First Day High

4.4K 75 6
                                    

Jairus’ POV

Excited na ko sa pumasok sa school. Nararamdaman kong magiging masaya at exciting ang school year na to. Last year na namin ni Shar sa high school, nakakalungkot lang na ngayon pa lang kami magiging close. Pero may isang taon pa ko para iparamdam sa kaniya na mahal ko sya.

Speaking of Sharlene, natatanaw ko na sya. Papalapit sya sakin, nakangiti at naka one side ang hair niya.

“Hey! Let’s go..” bati nya sakin at umakyat na kami papuntang classroom.

I offered to carry her bag pero ayaw niyang ibigay. Naka backpack din kasi sya katulad ko kaya awkward daw kung dalawang backpack ang bibitbitin ko.

Hindi ko napapansin ang ibang tao sa paligid dahil nakatingin lang ako sa magandang babaeng kasama ko. Simple lang ang ayos niya pero para syang goddess of beauty.

“Hi kuya Jai...” biglang may lumapit samin na dalawang babae na biglang yumakap sakin at biglang nagwawala. Hindi ko alam ang pangalan nila pero alam kong 2nd year sila dahil sa color ng id lace.

Nabigla din si Shar.

Mga fans sila ng basketball at syempre gusto lang nila kong makita. Tapos nagpa- picture sila sakin.

After magpa-picture ay nagpaalam na sila. Sanay ako sa ganitong scenario, pero itong si Shar ewan ko lang!

“Para kang si Nash!” sabi niya.

Kailangan pa ba kaming ipagcompare.

“Ganyang ganyan ding set-up ang laging nangyayari noon. Sa dami ng fans niyo, I have to step out of the light.” Nakangiting sabi niya.

“Shar... You don’t have to! Magkaiba naman kami ni Nash.” Isang makabuluhang sabi ko. Gusto kong sabihin sa kanya na magkaiba kami dahil ako, mamahalin ko sya at aalagaan.

Nagpatuloy kaming umakyat sa classroom pero bago kami makarating, may mga freshmen naman na sumalubong na naman sakin at yumakap at nagpapa-picture.

I pulled her closer to me.

“Kuya Jai, ang gwapo mo pala sa personal! Nung elem kasi laging sa picture ka lang namin nakikita sa school news paper namin.” Komento ng isang cute na 1st year student.

Tumingin sila nung inakbayan ko si Shar.

“Kuya Jai. Sino po sya? Girlfriend nyo po?” sabi naman ng isa sa kanila.

Nagtinginan kami ni Shar at parehas na tumawa.

“Sya si ate Sharlene San Pedro. She’s running for valedictorian for our batch. Alam nyo ba na hindi bumababa sa 93 ang grade ni ate Sharlene mula nung 1st year kami, sa kahit anong subject!”

“Ayiiieeee bagay po kayong dalawa.!!!” Sabay sabay na sabi nila.

“Ate Sharlene pasensya na po kung crush na crush namin ang boyfriend nyo! Fans lang po talaga kami.” Sabi ng isang cute na bata na kulot kulot ang buhok.

“Nakooo! Ok lang yan girls! Pero wag puro basketball at crushes ang aatupagin ha? Sali kayo sa Book Lovers Club... Tsaka hindi ko naman boyfriend si kuya Jairus nyo eh. Magkaibigan lang kami nyan!”

OUCH Sharlene! Akalain mong na friendzone mo ako on the spot!

Nash’s POV

Papunta na ko ng classroom and I’m hoping to talk to Sharlene today. At least wala na syang kawala dahil magkakasama na ulit kami araw araw.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon