Sugar Spice & Everything Nice

4.8K 83 17
                                    

Sharlene’s POV

Nandito ako sa bahay nila Nash ngayon at nagrereview ng Trigo. Hirap na hirap sya sa subject na to, di ko alam kung bakit. May formula na nga akong ibingay eh, hindi pa rin nya gets.

“Nakakainis! Nauubos na pasensya ko dito!” sabi niya habang pilit na sinosolve yung binigay kong 10 item quiz niya.

Ako eto nakangiti lang at nakikipag text kay Jai.

To: My Future

Message: Wag mo na kong sunduin, alam kong pagod ka na sa practice nyo.

Yes! Bago na ang name niya sa contacts ko. Sya ang nagpalit niyan kagabi nung hinatid nya ko pauwi. Nalaman ko na ‘Prinses Ko <3’ pala ang name ko sa contacts niya! Sabi na nga matagal nang may pagnanasa yung mokong na yun sakin eh! Hahahaha.

“Shar, nakikinig ka ba?” tanong ni Nash.

“Hala! Ano nga ulit ang sinasabi mo?” natawa ko dahil hindi na maipinta yung mukha niya.

“Sabi ko pano na nga ulit to?”

 

“Ahhhh..”

Napangiti na rin siya.

 

“Sino ba yang katext mo? Si Jairus na naman?”

 

“Wala kang pakialam!”

                                                                                                           

“Lakas ng tama nyo sa isa’t isa! Hindi ka naman ganiyan dati sakin ha?” nanunuksong sabi nya.

“Ang kapal mo! Halos sayo na nga umikot ang buong buhay ko nun tapos di mo man lang na-appreciate! Puro si Angeli kasi binibigyan mo ng atensyon.”

Napangiti na lang kami as we recall those learning experiences.

“I’m really sorry for hurting you those days Shar.” Malungkot na sabi niya.

“Past is past Nash! Tapos na at di na dapat pang alalahanin. Masaya ko kasi naging ok pa rin tayo kahit na sobrang painful ng pinagdaanan natin pareho!’

“Eh kung tayo na lang kaya ulit?” biglang tanong niya. Binatukan ko nga!

“Hindi na noh! Tapos na yun. May iba na kong mahal ngayon!” Bigla naman syang tumawa ng malakas.

“Hahahahahhahaha! Oo na. Alam ko namang na-late ako sa pagrealize eh. Pero maswerte pa rin ako dahil hindi ka tuluyang nawala. Na hanggang ngayon ikaw pa rin yung nandito, kasama ko, tinutulungan ako sa isa na naman problema. Shar salamat ha! Pareho kayo ni Alexa na nagttyaga sakin.”

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon