Roses are Red, Violets are Blue...

3.9K 92 28
                                    

author's note:

Hindi ako makatiis na di mag-update.. Hello yvanhannah! 

Thank you so much sa mga nakaka-touch na comment guys.. I feel so loved and appreciated parang yung mga characters sa story :) <3

To Angeli, who requested to guest on the story... Ayan ha! Clarification na din po na hindi si Angeli na ex ni Nash na kaaway ni Shar ang guest sa story ngayon.

At sa bawat isa po na bumabasa nito. Pati yung mga silent reader po. Thank you po! 

God bless!

==================

Nagulat ako sa pagpasok ko ng opisina ko. Puno ng bulaklak ang buong office at may isang malaking malaking spongebob stuff toy ang nakaupo sa couch ko.

“Gabby!!” tawag ko sa secretarya ko.

Pumasok naman sya agad.

“Anong nangyari dito? Puro halaman ang opisina ko!”

“Attorney, may nagpadeliver po eh... Eto po yung card... Meron pa nga pong pinapabigay na pagkain sa inyo...Sandali lang po kukunin ko.” Nagmamadaling lumabas si Gabs na mukhang kilig na kilig.

Habang kinukuha niya yung pagkain, binuksan ko naman yung card...

Hi Prinsesa ko!

Nagustuhan mo ba yung transformation ng office mo?
Oh ayan, may life size spongebob ka na magbabantay sayo, Dyan lang sya,
Di sya magpapasaway! Kumain ka ng mabuti ha!
See you!

-Jai

 

 

Napangiti naman ako.

“Attorney, eto na po yung pinadeliver na pagkain para sa inyo...”

Inilapag ni Gabby sa table ko ang isang box ng hopiang ube at may avocado shake pa.

Grabe! Na-overwhelm ako.

Mga paborito kong meryenda nung high school! Ang saya naman!

Tinawagan ko agad si Jairus.

“You’re welcome!” sabi niya imbes na hello...

“Ginawa mong flower shop yung office ko. Tsaka sakop na sakop ni spongebob yung couch ko, pano kapag may client ako na gusto makipag meeting?”

 

“Hindi mo ba nagustuhan?” malungkot na tanong niya.

“Syempre nagustuhan ko.”

 

Maya maya pa ay kumatok na ulit si Gabby kasama ang isang client.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon