JAIRUS’ POV
Kadarating lang namin sa bago naming bahay sa isang exclusive subdivision malapit sa bahay nila Shar. Masayang masaya ko dahil kuhang kuha ni Nash yung mga detalye ng bahay na naiimagine ko lang noon pero ngayon nakikita ko na. Isa talaga syang magaling na Engineer.
Busyng busy si Shar na ini-instruct yung mga staff ng hinire naming interior designer para sa finishing touch ng bahay.
“Kuya, parang mas maganda po kung ilipat natin sa kabilang side yung piano. Paki lipat naman po dito please.” Pakiusap ni Shar sa mga nagbubuhat ng gamit.
“Mommy, pwede po ba kong pumunta dun sa store na nadaanan natin kanina?” nangungulit na sabi ni Sheree.
Nakita ni Shar na gulo na ang pagkakatali ng buhok nito kaya inayos nya muna ito at tinignan kung basa ng pawis ang likod ng anak namin.
“O sige! Pero bilisan mo lang ha! After naming mag-ayos dito kakain na tayo ng dinner. Wag puro candy ang bilhin ha!”
“Opo mommy! Sandali lang po talaga ko. Nakita ko po kasi parang ang daming tinda dun sa store na mga nakakatuwang laruan. Babalik po ako agad.”
Masayang tumakbo palabas ng bahay si Sheree.
Kinuha ni Shar ang vacuum cleaner at sinimulang linisin ang mga specks na nagkalat sa sahig.
“Baby, hayaan mo nang sila manang ang gumawa nyan!” Naglalambing na sabi ko at binigyan ko sya ng back hug.
“Oh ikaw ang magpatuloy nitong pag va-vacuum at magluluto na ko dinner natin.” Napakamot naman ako ng ulo at sinunod na lang ang utos ng asawa ko. Ano ba yan, hindi ako pinansin. Napag-utusan pa kong mag vacuum.
SHEREE’S POV
Ang daming tinda nitong sari-sari store.
“Hi! Anong bibilin mo?” sabi sakin ng isang batang babae na mukhang ka-edad ko lang din.
“Ano tong laruan na to?” tanong ko sa kanya sabay turo sa isang bagay na di ko alam.
“Hindi mo alam?” Gulat na gulat na tanong nya.
“First time kong makakita nyan eh.”
Tiningnan nya ko ng matagal and it seems she is checking if I am telling her the truth.
“Plastic balloon ang tawag dito!” sabi nya sakin.
“Plastic balloon?” nagtatakang tanong ko.
“Oo... Ganito lang yan...” Pinitas nya ang plastic balloon na nakasabit sa isang cardboard at inikot ikot nya yung stick sa laman nung maliit na packet at hinipan nya yung stick tapos lumobo na ito.
“Wow!!! Ang galing naman nyan plastic balloon!!” natutuwang sabi ko.
“Seryoso ka ba na ngayon ka lang nakakita nito?” natatawang tanong nya. Nilukot nya ito at pinutok sa noo ko.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You **Under Editing**
Fanfiction"Sharlene, aaminin ko na sayo. I've been in love a million times. First was when I saw you, and the rest was everytime I look at you." - Jairus