I LOVE YOU, GOODBYE!

3.8K 81 13
                                    

Author's Note:

Happy New Year Lovies!

Super sad ako kasi nag new year ako sa office. May shift ako hanggang 1 am. How sad!

======================

Nash's POV

Matapos mapakalma ni tita My si Shar...

Kinausap na ulit niya kami.

"Sorry kung hindi ko kayo natatandaan..." sabi niya samin.

"Shar, ito ang mga kaibigan mo...Si Mika, si Paul, Kobi, Sophia at ang boyfriend mong si Nash!" sabi ni tita My. Lahat kami tahimik at napa-nganga ko sa huling sinabi nya.

Pinakilala nya ko as boyfriend ni Shar???

"Ano po ma? May boyfriend ako??" nagtatakang tanong ni Sharlene.

"Oo anak! Si Nash." Sabi ulit niya.

Sunod sunod ang paglunok ko dahil wala akong masabi. Parang may bumarang kung ano sa lalamunan ko.

Nakatitig lang si Shar sakin.

"Alam ba to ni papa? Nagalit ba sya?" tanong ni Shar.

"Oo Shar, nagalit si papa kaya nagbreak kayo!" Biglang sagot ni ate Miles.

Pinandilatan naman ni tita My si ate Miles.

"Pero nagkabalikan na ulit kayo..." sabi ulit ni tita My. Huhuhuhu. Ano bang dapat kong sabihin?

Naka-kunot pa rin ang noo ng lahat dahil sa mga pangyayari.

"Anak, sa tingin ko dapat magpahinga ka muna. Tatawagin ko yung doctor mo para tingnan ka tapos kakausapin ko na rin tong mga friends mo!"

Lumabas nga kami ng room ni Shar at pumasok si doc Jane para tignan ang kalagayan niya.

"Guys, I'm warning you, hayaan na lang natin na kusang gumaling si Shar at akalain niyang si Nash ang mahal niya. Ok lang naman diba Nash?"

Sabi niya samin.

"Pero tita, kasusuklaman po kami ni Shar pag nalaman na niya ang totoo na niloloko namin sya. Ayoko pong magalit sya sakin. Isa pa po eh may girlfriend ako." Nagproprotestang sabi ko.

"Ma naman! That's a perfect example of selfishness and deception. Di ko kayang saktan at lokohin ang kapatid ko. Di ko kayang gawin yun! Si Jairus ang mahal niya at kapag nalaman niyang pinaglalaruan natin sya, magagalit satin yun!" sagot ni ate Miles.

"This is just temporary. Hanggang di pa bumabalik ang alala niya.At inuulit ko, bawal nang lumapit si Jairus kay Sharlene. Wag na wag nyo ulit ako susuwayin dahil kung hindi, itatakas ko si Shar at hinding hindi nyo kami mahahagilap! Call me selfish but I am a mom who's willing to die and kill for her chilren. Mark my word!"

Tahimik lang kaming lahat.

And finally one of us broke the silence...

"Tita... uuwi na po kami... Babalik na lang po kami bukas.." sabi ni Paul.

Alam kong kanina pa sila naguguluhan.

"Anong gagawin ko guys? Pano ko sasabihin kay Alexa to?"

"Nash, ayusin mo agad to! Ipagtapat mo kay Shar ang totoo kapag may chance ka." Sabi ni Mika.

"Pero narinig mo naman yung sinabi ni tita My diba?"

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon