Planning The Proposal

3.3K 72 36
                                    

author's note: 

Hi loves! Ganito ba pag excited mag-March kasi may Wansa ang JaiLene..

This chap is dedicated to my fave author here in wattpad.. Grabe yung kilig ko sa mga stories nya!! Ayiiiee.. To my readers, I strongly recommend every works of miss Erika! Sorry at dinamay kita dito sa guestings sa LMLY Ikai! Thanks for inspiring me..

====

SHEREE’S POV

Bukas na ang alis ni Daddy papuntang Canada. Gumawa ako ng maliit na painting para dalhin nya sa puntod ni Mama, pero nung pinuntahan ko sya sa kwarto nya, narinig ko may kausap sya sa phone.

“Hello Mika? Can I have the number of Ms. Charm please!”

Napakunot naman ang noo ko. Who is Ms. Charm? Sinulat ni daddy yung number sa address book nya.

“Thank you talaga Miks! I’ll see you soon. Probably I’ll meet Charm today.”sabi ulit ni daddy.

Hindi muna ko pumasok at nakinig muna ko ng usapan nila. Natapos na yung conversation nila daddy at tita Mika pero may tinawagan na naman sya, ang dami niyang kinakausap sa phone.

“Hello Aica, have you scheduled my meeting with the owner of Thunderbird Poro Point Resort?”

Hmmmnnnn! Something Fishy!

“Oh... That’s perfect! Buti na lang napapayag mo si Ms. Erika na makipag-meet mamayang lunch, I’d really love to see her today dahil flight ko na bukas... Thank you talaga Aica!”

Aha! May Lunch meeting si Daddy. Two girls ang imi-meet nya ngayon ha! I decided na magpakita na at kunwari ay wala akong narinig.

“Daddy, pwede po bang pag bumisita ka kay Mama Ella iwan nyo itong painting ko sa puntod nya.”

Tiningnan naman niya ang painting at niyakap ako.

“Wow! Galing naman ng anak ko! Ikaw ba talaga ang gumawa nito?”

“Ay hindi daddy! Painting ‘ko’ nga diba?” nakangiting sagot ko.

“Manang mana ka sa mommy attorney mo!” nakangiting sabi niya.

Nagprepare na sya at ipinaligo ang pabango niya. Naka 30 spray yata sya habang nasa harap ng salamin.

“Daddy, hindi man lang po ba tayo magba-bonding nila mommy ngayon? Aalis ka na po bukas, 3 weeks din po kayo dun...”

“Sorry nak! May importanteng court hearing ang mommy mo ngayon eh, ayoko namang abalahin sya sa work nya kasi papagalitan sya ng boss nya, at maraming marami akong gagawin ngayon anak, sobrang importante ng mga meetings ko ngayon.”

“Talaga dad? Saan ka po pupunta at sino sino pa ang mga imi-meet mo?” Nakangiting tanong ko. I heard two name of some girls, I just wonder who they are.

Ginulo lang nya ang buhok ko at di ako sinagot.

“Daddy, magpapa-alam po ako pupunta po ako sa bahay nila ninang Alex!”

Wheels are spinning in my head now. Bakit kasi ang talino ko! Hehehe!

“Ok nak! O sige ha! I have to go now.” Nagmamadaling bumaba si daddy.

“Mang Ariel, susundan natin si Daddy Sims ngayon sa lahat ng pupuntahan nya....”

EVIL SMILE :)))))

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon