Oh No!

3.8K 65 5
                                    

I get in the car and Alexa sit on the passenger’s seat.

Umiiyak ako mabilis na pinatakbo ang new cooper ko. Wala pa kong lisensya pero marunong naman ako magdrive.

“Shaaaarr!!! Ayoko pang mamatay!!!” takot na takot si Alexa kaya naman prumeno na ko.

At patuloy na umiyak.

“Shar naman, tahan na please!”

“Alex, we promised to save our first kiss for our wedding day pero isang araw, may isang supermodel type of girl ang darating out of nowhere at walang kaabog abog na hahalikan sya sa harap ko. Nakakagaga!”

Gusto kong magalit pero mas nasasaktan ako.

“Sorry to hear that Shar. Tumahan ka na please!”

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Alex please tell me, who is she?”

Umiwas sya ng tingin sa kin.

“I don’t think na sakin dapat manggaling to eh, pero just to give you a heads up, her name is Gabriella. Ella is my cousin.... and Jai’s first love!” naiilang na sabi niya.

“Bakit honey ang tawag niya kay Jai?”

 

“Dahil bago mag high school naging sila. Wala silang closure dahil umalis ang family nila Ella because of a business problem, walang nakakaalam kung san sila pumunta. Not even us Shar. Gumuho ang mundo ni Jairus nung mawala si Ella dahil naduwag syang ipaglaban ito. Nakamove on na lang sya nung youth camp at sinuko niya ang buhay niya kay Lord.”

Kaya pala mukhang maraming alam si Alexa tungkol sa feelings sakin ni Jai noon dahil na rin siguro nakita niyang ako na muli ang nagpatibok ng puso niya.

Ewan ko! Naguguluhan pa rin ako.

“Bakit never niyang nabanggit si Ella? Minahal ba niya talaga ko Alexa?”

 

“Shar, wag mo namang pagdudahan yung pagmamahal niya sayo. Clear up your mind. Mag-usap kayo. Sa ngayon iuwi mo na ko dahil ginaw na ginaw na ko sa basang suot natin.”

Nagwalk out kasi ako kaya fresh from the pool pa ang mga suot namin.

Oo walk out queen na ko. Ikaw kaya! Makita mong may humalik sa mahal mo!

Hinatid ko na si Alexa sa kanila and bago sya bumaba she just hugged me and told me to calm down.

“Mag-usap hindi mag-away ok?”

Tumango lang ako sa kanya.

Pagkauwi ko, diretso na ko sa kwarto ko. I changed my clothes and lay down on my bed.

Tumagilid ako at hinawakan ang suot kong necklace.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon