NASH'S POV
Magandang balita dahil stabilized na ang observation ng mga doctor kay Sharlene kaya nilipat na sya sa private room. Magandang tiyempo rin ang araw na to para makadalaw si Jairus kay Sharlene.
"Nash uuwi muna kami ng tito mo ha! Kayo na ang bahala ni ate Miles mo dito!" paalam sakin ni tita.
Si ate Miles naman kabadong kabado. Nakatago lang kasi si Jai sa labas eh.
"Opo tita My! Ako na po ang bahala wag po kayong mag-alala! Ahhhm hahatid ko na po kayo..."
Lumabas na kami ni tita Myleen at may isang lalaking naka disguise ng nurse uniform ang pumasok sa room ni Shar. Nandoon si ate Miles...at tama kayo si Jai ang naka nurse uniform...
JAIRUS' POV
Pagkalabas nila Nash at tita Myleen ay pinapasok na ko ni ate Miles sa private room ni Shar. Thank God dahil out of danger na sya.
"Jai. Bilisan mo lang ha! Iba talaga ang kaba ko eh.."
"Opo ate Miles! Salamat!"
"Sige lalabas muna ko para makasama mo kahit sandali si sis!" pagkasabi ni ate Miles ay lumabas na sya at naupo ako sa tabi ni Shar.
Naawa ako sa kalagayan niya. Maraming aparato ang nakakabit sa kaniya ngayon at may malaking pasa sya sa mukha.
Napaluha ko at sobrang na-guilty, kasalanan ko lahat ng ito!
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.
"Prinsesa ko, gumising ka na please. Gagawin ko lahat para makabawi sayo ano bang gusto mong gawin ko? Anong sayaw ang gusto mong sayawin ko? Hindi ako magrereklamo basta gumising ka lang please!" Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.
Miss na miss ko na yung Sharlene na madalas topakin tsaka malakas mantrip!
Nash's POV
Nandito na kami sa parking lot. Okay na sana ang lahat eh!
"Nash, nakalimutan ko pala yung mga iuuwi kong mga labahing damit ni Miles, sandali at kukunin ko.." sabi ni tita My.
Patay!
"Ah tita ako na lang po ang kukuha ng mga damit ni ate Miles!" pagvovolunteer ko.
"Kukunin ko rin kasi yung mga reseta ng doctor para makabili na ko ng gamot! Halika samahan mo kong bumalik sa loob."
Nauna si titang pumasok sa loob.
Lagot na talaga! Kakatayin ako ni tita My nito!
"Ah tita, teka samahan nyo po muna kong puntahan yung doctor ni Shar, kanina kasi parang may pinapapabili syang gamot na kailangan daw ni Shar eh..." naku patay..sana wag mahalat ni tita My na nagdadahilan lang ako.
"Nashie, ano bang nangyayari sayo? Para kang pusang hindi mapa-ire dyan! Kukunin ko muna yung mga damit ni Miles at tsaka natin puntahan si doc ok?" sabi niya sakin.
Palapit kami ng palapit sa room at palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
Bubuksan na ni tita My ang pinto pero humirit pa ko ng isa pa...
"Ahhh tita...." umakting akong nagsasakit sakitan ng tiyan.
"Titaaaa ang sakit po ng tyan ko!" sabi ko.
"Ano? Anong nangyari sayo? Ano ba kasing kinain mo! Tara na nga dadalin kita sa doctor... Puntahan natin sa front office si doctor Oineza."
BINABASA MO ANG
Let Me Love You **Under Editing**
Fanfiction"Sharlene, aaminin ko na sayo. I've been in love a million times. First was when I saw you, and the rest was everytime I look at you." - Jairus