SHARLENE’S POV
Good news!
I received the memorandum from Judge Benitez, about Gabby and her ex-husband’s annulment. Sigurado kong matutuwa si Francis nito.
Napatakbo ako sa office nya at wala ng katok katok pa! Binuksan ko to at napasigaw.
“Bossssss!!!!!” masayang bati ko sa kanya. Tinignan naman nya ko ng masama dahil busyng busy sya sa pag rereview ng mga files na hawak niya.
“Uso kumatok partner!” masungit na sabi nito.
Tinaasan ko lang sya ng kilay at inilapag sa harap nya ang memorandum.
Binasa nya ang nakasulat at bigla itong napatayo at niyakap ako.
“Good job Shar!” masaya at excited na sabi niya.
“Oh ano ka ngayon! Ang sungit mo pa ha! Ayan boss, mission accomplished na. Pano ba yan? E di ibig sabihin tapos na ang deal natin.”
Hindi makapagsalita si Francis at para syang naiiyak sa hawak nyang papeles.
Maari na nyang pakasalan ang babaeng tunay na itinitibok ng kanyang puso. Finally! Alam kong masaya na si Francis.
“Where’s Gabs? Alam na ba nya ang tungkol dito?” tanong nya sakin.
“Hindi pa. I’ll give you the honor to tell her that she is legally single now, para mapakasalan ka na nya!” nanunuksong sagot ko.
“I think this call for a celebration! Dinner tayo nila Gabby mamaya!”
“Di pwede eh, May event kasi kaming pupuntahan mamaya ni Jai, merging ng telecom company niya sa Canada at company ni Kobi sa Australia. Mamayang gabi ang grand launch kaya susunduin nya ko dito sa office.” Masayang kwento ko kay Francis.
“So mukhang ok na nga at tapos na ang deal natin partner! Paano mo na-convince ang ex ni Gabs na pumayag sa pag-pirma ng separation certificate?”
“Matagal ko nang trinabaho para sa inyo yun! Sobra kasi yung tulong mo sakin noon kaya para makabawi naman ako sayo, eto nakiusap ako sa ex-husband niya. Thank God at natauhan na sya sa mga pinaggagawa nyang pagpapahirap noon kay Gabby. She doesn’t deserve to be mistreated, napakabait ni Gabs! Kaya ayan Francis ah! You have your chance now. Wag mo nang susungitan ang serkratarya ko!”
Inakbayan naman ako ni Francis.
“Thank you Shar! Super galing mo! Basta kapag kailangan mo rin ng tulong ko, wag na wag kang mahihiyang magsabi. I’ll be forever grateful to you for winning this case for Gabs.”
“You’re welcome boss! Para sa inyo ni Gabby... Oh sige na, magpre-prepare na ko at maya maya eh susunduin na ko ng Baby ko. Magpapalit pa ko ng evening gown kasi formal attire ang dress code sa event eh.”
“Thanks ulit, attorney! Pakisabi kay Gabs punta sya dito sa office ko ha!”
Sumaludo ako sa kanya bago lumabas ng office nya at alam ko masayang masaya rin si Francis katulad ko.
[a/n: Si Gabby ay ang 2nd character ni Ella sa story hehehe... Uploaded na rin pala ang SharCis One Shot “Cant Make You Love Me” po ang title! Ayan tayo eh! Para-paraan lang sa pag plug ng story..hehehe :) Gabby Cruz derived from Gabriela Cruz. Ayos ba?? Francella parin tayo kahit kay Michelle na raw ipapartner si Kiko my loves :))]
Isang gwapong lalaki ang nakangiting papalapit sa akin at may dalang bouquet of red roses. Ayyy! Boyfriend ko pala to! Napangiti tuloy ako ang hot nya kasi, naka-tux sya. Respetadong respetado ang dating, parang sya pa tuloy ang mukhang abogado saming dalawa.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You **Under Editing**
Fanfiction"Sharlene, aaminin ko na sayo. I've been in love a million times. First was when I saw you, and the rest was everytime I look at you." - Jairus