CLINTON

5.8K 99 1
                                    

CHAPTER 1

DALAWANG taon na rin ang makalipas buhat ng maikasal ang bunsong kapatid ni Clinton na si Brent Olivar sa babaeng nilalaman ng puso nito. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti ng kinabukasan matapos ang honeymoon nito ay hindi siya pinalampas ng kapatid. Dangan naman kasi'y pinuntahan siya nito sa resort na mina-manage niya at agad na binigwasan.

Matapos pa siya nitong sinuntok ay pasalampak itong naupo sa kama habang siya naman ay panay punas sa pumutok na labi niya.

"Ayos ka lang ba bro?"agad namang tanong nito sa kanya ng makita siya nitong nagpupunas ng dugong nanggagaling sa kanyang labi.

"Ayos naman bro, eh ikaw? Ayos na ba ang durog mong puso?"tanong naman niya sa kapatid matapos. Ganyan silang dalawa, lalo na kung may atraso ang isa sa kanila bigwas ang kapalit pero kapag nakatama na ng isang beses pareho na silang balik sa normal na parang wala lang nangyari.

Nasa ganoon siyang pag-iisip ng mahulog mula sa kanyang wallet ang isang larawang nangupas na lang sa kakatago.

It was him and Rowena's photo together along the bench. Bigla niyang nagunita sa isipan ang huling nangyari ng mga araw na hindi na niya muli pang nakita ang dalaga.

Hindi niya maiwasan ang hindi malugmok at magmukmok. Titig na titig siya sa larawan at kahit pa siguro inabot na siya ng ilang taon sa paghahanap kay rowena ay hindi na niya inalintana pa. Basta't ang alam niya lang, mahal niya ito at nakahanda siyang maghanap para dito kung kinakailangan. Sa hindi katagalan, biglang nag-ring ang kanyang telepono. He suddenly smiled and forget thinking of Rowena.

"Hello,"sagot niya sa telepono.

"Hey tito Clinton, nood ka TV dalian mo ?"simula ng nasa kabilang linya.

"Anong meron?"

"Ang pupunan mo tito, nasa tv..."tili ni Arfa Marie ang anak nina Arfan at Mariane 4 years old na ito at four years na rin ang nakaraan buhat ng magtungo ng Canada si Clinton panandalian.

"Akala ko naman kung may gyera na, ang lakas mong tumili, where is your dad?"

"Tulog pa po and I am with tita Ila and her son,"

"Oh, I see."

"Tito, can you buy me a pasalubong? I want dress tito,"masayang turan ng pamangkin sa kanya.

"Sure sweety. Kahit isang dosena pa kung gusto mo. Work muna si tito sweety ok? Take care of your mommy and tita,"bilin niya sa pamangkin.

"Yes! Tito. I will po,"sagot ng masiglang bata sa tito niya.

□ □ □ □

NASA ampunan naman ng mga sandaling iyon si Rowena na nagpapatago sa pangalang Geraldine. Hangga't maaari ay ayaw niyang malaman ng kahit na sino kung nasaan siya at kung sino talaga siya. Wala naman siyang balak na maglihim o itago ang katotohanan sa pagkatao niya, nangangamba lang kasi siya na baka isang araw mamulat nalang siya na wala na ang pinakamamahal na anak niya. Lalo pa at pinaghahanap na ito ng kanyang mga magulang.

"Anak, alam kong masamang itinago kita dito sa ampunan, alam kong masamang hindi ka kilalaning anak sa mata ng iba, pero ito lang ang tanging nalalaman kong paraan upang mailayo ka sa lolo mong nagbabalak ng masama sa iyo. Ayaw kong mapahamak ka nang dahil lamang sa hindi nila pagtanggap sa iyo," naluluhang wika ng isipan ni Rowena.

Nakatanaw ito sa kanyang anak sa loob ng ampunan kung saan busy ito sa paglalaro sa ibang mga batang laking ampunan.

Kung siguro, pwede niya lang ibalik ang nakaraan ay ginawa na niya. Matapos nitong ibigay sa lalaking pinakamamahal niya ang kanyang sarili'y kapalit naman iyon ng paglayo niya. Hindi niya kakayanin kung mawala ang binata sa tabi niya, pero hindi din naman niya makakayanang makitang nagdurusa ito dahil sa panghihimasok ng kanyang mga magulang sa relasyon nila lalo pa at mortal na magkatunggali sa business ang kanilang mga pamilya.

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon