HE'S MY GRANDSON

1.7K 42 1
                                        

CHAPTER 23

Tatlong araw makalipas ang ginawanag proposal ni Clinton kay Rowena ay saka pa lang nakaramdam ng bigat sa dibdib nito ang dalaga.

May bigla siyang naalala ng mga sandaling iyon. Iyon bang kahit alam niyang andiyan na ang lalaking ninanais ng kanyang puso at isipan, naroroon pa rin bigat sa kanyang kalooban. Pakiramdam niya ay mayroon pa ring kulang.

Nasa ganoon siyang kaisipan ng bigla niyang maalala ang kanyang ama. Alam niyang nasaktan niya ito noong mga araw na nasa hospital ito. Pinagbintangan pa niya ito ng kung anu-ano at napagsalitaan niya ng hindi magagandang salita.

Nang mga oras na iyon ay agad siyang napabuga ng hangin. Ewan ba niya at hindi niya maipagkakaila na sobra na siyang nahihirapan. Na pakiramdam niya ay mayroong bumabara sa kanyang isipan. Nandoon ang guilt at ang pagsisisi dahil sa kanyang nasabing hindi maganda para sa ama.

Naisip niyang bigla, dapat bang panatilihin niya sa puso niya ang kung ano man ang galit na siyang nabuo sa kanyang puso at isipan sa loob ng mahabang panahon? na kung tutuusin ay mahabang panahon na ang lumipas at dapat na ring kalimutan ang nakaraan.

Aminin man niya sa hindi, peace of mind. Iyon ang wala siya.

Nasa ganoon itong alalahanin ng bigla siyang lapitan ng kanyang fiancee.

"Anong balak mo ngayon?"he suddenly asked the maiden without any second thought.

Rowena just bow down her head and face him. She found herself crying and wounded from the past.

Kahit matagal na panahon na rin naman ang nakararaan, hindi naging madali para sa kanya ang kalimutan ang lahat.

"Missed him?"he once again asked her.

At that moment on, Rowena was just... nodded her head as if she's getting strength from it, by just shaking her head without thinking.

"Come on honey, still, he is your father. Alam ko naman na mahirap kalimutan ang lahat but believe me. Released everything that you have inside, mawawala din yan kalaunan."

"Paano kung hindi na? Paano kung may iba pala siyang binabalak? Paano kung..."

"Sssshhh. Walang masama ang muling magtiwala. Walang masama sa pagbibigay ng ikalawa na namang pagkakataon. Walang masama kung pakikinggan mo siya sa mga paliwanag niya."usal ng binata sa dalaga.

"Hindi ko alam. Wala akong maisip na ibang paraan. Sarado na ang utak ko."

"Huwag mong madaliin. Isipin mo ang alam mong tama para sa iyo, sa inyo ng iyong ama. Marahil ang isang tao ay may malaking pagkakamali, pero huwag mong siraduhan ang puso mo para muling tanggapin ang kapatawaran ng mga mahal mo."

Matapos sabihin ni Clinton ang nais sabihin sa dalaga ay mabilisan niya itong ginawaran ng halik sa noo saka humakbang papasok sa loob ng bahay nila.

Habang nakatanaw sa malawak na harden ng mga Olivar, isang disisyon ang agad na pinanghawakan ng dalaga.

Hapon na kinabukasan ay nasa loob pa rin ng kanyang kuwarto si Don Gustavo. Nakatingin ito sa mga larawan na nasa isang album.

Kung tutuusin, taon bago niya ito muling binuksan at pinaglaanan ng oras upang tingnan.

Habang pinagmamasdan ang larawan ng isang batang nasa apat na taong gulang habang nakangiti ay ibayong saya ang naidulot niyon sa kanya. Napapangiti siya habang nakatingin sa mga larawang nasa kanyang harapan.

Parang kailan lang na kasa-kasama niya ang anak habang namamasyal sila sa isang park.

Naghahabulan sa harden na napupuno ng iba't-ibang kulay ng mga bulaklak. Mga rosas na siyang nakikita agad ng anak at hindi tatagal ng ilang minuto'y napitas na agad at nakalutang na sa swimming pool nila.

Habang nakatanaw sa mga larawan, hindi nito namalayan ang mga luhang nag-uunahan sa paglandas sa kanyang mukha. Iyong luha ng pangungulila sa isang anak. Luha ng pangamba na baka isang araw ay hindi na siya magawang patawarin ng kanyang anak.

"Sa haba ng panahon Rowena, hindi ko man lang nagawang ipadama sa iyo kung gaano kitang minahal. Puro pasakit at luha ang inabot mo sa akin anak."anito habang kinakausap ang mga larawan ng anak.

"Sana..bago man lang ako mawala sa mundong ito ay makilala ko na ang apo ko. Mapatawad mo ako lalo na ng magiging asawa mo. Wala ka man sa harapan ko ngayon, hindi mo man ako naririnig ngayon. Ang gusto ko lang ay masabi ko sa iyo kung gaano kita kamahal and how sorry I am for hurting your feelings since then." Aniya habang tutok na tutok saga larawan.

Kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha sa larawang hawak ay siya ring pagyakap ng isang taong hindi niya nakikilala kong sino sapagkat hindi nito nakikita ang mukha nito.

Pero dahil hindi naman siya bulag at alam niya kung ito ay lalaki o babae, nakita niya ang kamay ng isang babaeng mahigpit nang nakayakap sa kanya.

"I'm sorry dad."wika ng babae sa kanya.

Sa pagkakataong iyon ay mas lalong naiyak ang matanda. Tama ba ang narinig niya? Guni-guni lang ba iyon na may tumawag sa kanya ng dad?

Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagflash sa kanyang isipan ang huling katagang kanyang narinig. "DAD" a word that he is longing for so long. A word that he even wandered if he could hear it again ngayong galit ang anak sa kanya.

"I'm sorry dad."ulit ng babae sa kanyang sinabi.

"Rowena... Rowena ika nga anak."

Anito sabay yakap sa kanyang anak.

Kasunod ng paghiwalay ng kanilang mga katawan ay siyang pagpasok ni Kirk John sa loob ng kuwarto nito.

"Lolo!"Kirk John shouted. Papalapit na ito sa lolo ng biglapa itong madapa.

Siyanamang sinundan ni Curt Norelle sabay sigaw ng..."Ay lilat."anitong bumungisngis pa.

"Lolo!"kirk said once again.

"Dad, have someone to meet you. He's name is Kirk John. My son and your only one grandson."ang pakilala ni Rowena sa kanyang ama habang nakatanaw sa nakangiting anak.

"Kirk is my grandson?!"hindi mapaniwalaang wika ng matanda.

Kailan lang ay hiniling niya na sana ay isa sa dalawang bata ang kanyang apo. At ngayon heto na, dininig na ang kanyang panalangin.

Naisip niya tuloy bigla. Ang panginoon na ang may gustong magkaayos at mabuo ang pamilyang siya rin mismo ang dahilan kung bakit nawasak at nagkabuhol-buhol.

Itutuloy...

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon