CHAPTER 22
PAGKAPASOK na pagkapasok pa lang ni Clinton sa loob ng surgery room ay agad na nitong pinabalutan ng manipis na foam ang katawan ng maniquin na kanyang binitbit papunta sa hospital.
Pinalibutan na rin niya ito ng plastic blood na siyang nagpamukhang tao sa mismong maniquin. Nilagyan ng face mask na hulma sa mukha niya.
"Ayos dok, parang ako lang."nakangiti niyang wika.
"Mr. Olivar, ako po ang kinikilabutan sa ginagawa niyo eh."ang hindi mapigilang anas ng doktor sa binata.
"Ok lang yan dok. Masasanay ka rin, marami pa ang henerasyon."anitong hindi man lang nagawang ialis sa maniquin ang paningin.
"Pakiayos muna ng higaan nito nurse, CR lang ako."bilin nito sa isang nurse saka agad na pumasok ng comfort room upang umihi.
Siya namang pagpasok ni Adeline na agad dumeretso sa isang higaan kung saan nandoon ang inaakala nitong binata.
"Kuya Clint. Paparating na daw sila in a minute."bungad nito sa inaakala nitong kuya Clinton niya. Bigla naman siyang namutla ng makita ang itsura nitong napupuno na ng dugo ang mukha at medyo may hiwa pa ang ulo sa bandang giliran nito.
"Aaaaahhhhhh!"
Sigaw ni Adeline habang naluluha ang mga mata.
"Bakit hindi na gumagalaw si kuya? Anong ginawa niyo sa kanya?"hysterical na si Adeline. Ang alam lang niya ay dadalhin nila si Rowena dito sa hospital at papaniwalaing critical ang kondiyon ng kuya Clint niya pero laking gulat niya ng hindi na ito gumagalaw.
"Mrs. Olivar hindi po, nagkakam..."
"What did you do to him? Ipapademanda ko kayo kapag hindi kayo sumagot!"sigaw ni Adeline at sinimulang tapik-tapikin ang inaakalang katawan ng binata.
Habang si Clinton naman ay nagmamadaling lumabas ng CR at nakalimutan pang isara ang zipper ng kanyang pantalon sa pagmamadali.
"What's happening?"naguguluhan niyang wika ng marinig ang boses ni Adeline na sobrang galit na galit at pinapagalitan ang mga nurses na nasa harapan nito.
"Bakit sumisigaw ang sister-in-law ko?"
Imbes na sagutin siya ng mga nasa kanyang harapan ay gulat ang sumalubong sa kanya ng biglang yakapin siya ni Adeline habang umiiyak.
"Kuya naman eh. Bakit ba lagi ka nalang nananakot ha? Akala ko ikaw yang nasa higaan. Kinabahan ako ng mapansin kobg hindi yan humihinga at gumagalaw."hagulgol ni Adeline sabay kumawala sa pagkakayakap nito sa kanyang kuya Clinton.
Isang malakas na batok ang agad na iginawad ng dalaga sa binata dahilan upang mapaigik ito.
"Aray ko naman Adeline." angil niya ng huli sa babae.
"Pasalamat ka at hindi na ako nabuntis ng mahilig mong kapatid dahil kung hindi baka kanina pa ako nahulugan."wika ni Adeline.
"Tingnan mo kung walang ganyan eh di hindi na effective, know what princess? Dinaig mo si Nora Aunor."
"Kuya!?"
"Oh siya sige na. Malapit na daw silang makarating na dalawa."wika pa nitong muli.
Agad namang lumapit si Curt Norelle sa kanyang tito at agad na nakita ang bukas na zipperan ng tito Clint nito.
"Tito?"Norelle started.
"Oh Yes Curt?"
"Why is that open?"he asked while pointing his little fingertips to the zipper of his uncle.