WHAT?

1.7K 39 1
                                    

CHAPTER 30

Gulat man ng una ang mukha ni Brent ng makita ang lalaking nasa kanilang likuran. Ngunit bago pa man ito nakapagsumbong sa boss nila'y mabilis ang naging kilos ni Brent upang masunggaban ito at mapatulog. Bagsak ang lalaki sa kanyang harapan at agad kinuha ang baril na hawak.

"Anong nangyayari dito?"siya namang sulpot ni Vince.

"Pakialamero eh, pinatulog ko na boss. Sabi ko naman kasi na huwag akong pakikialaman kapag tulog ako eh,"maang ng binata.

"Ganon ba, sige ayusin niyo na yan at may lakad kayo ni Skyler."

"Masusunod po, boss,"sagot ni Brendon. Tulad ng naunang plano ay nagpadala ng mensahe si Brent kay Clinton na babalik na ito. Bitbit ang isa sa tauhan ni Vince ay nilisan ng dalawang binata ang naturang hideout ng mga sindikatong nagbibenta ng mga body organs.

□ □ □ □

"Diyos ko, huwag niyo po sanang pababayaan ang anak ko, kung nasaan man ngayon si Joseph, ikaw na po ang bahala sa anak ko."taimtim na panalangin ni Rowena ng umagang magising ito.

Isang buwan na ang nakararaan pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin silang balita tungkol sa kanilang anak. Ni hindi din nila alam kung may John Joseph pa ba silang sasalubungin o wala na. Sa mga oras na yaon ay samot saring alalahanin ang siyang gumugulo sa isipan ng dalaga. Gustuhin man niyang matapos na agad ang pagsubok na ito, ngunit nagigising na lamang siya sa katotohanang hindi siya nananaginip sa lahat ng mga nangyayari.

"Hon,"mula sa hindi kalayuan sa kanya ay siyang tinig na nagmumula sa lalaking ama ng kanyang mga anak.

"Hindi ka ba nakatulog? Maaga pa."salitang namutawi sa bibig ng binata. Kahit maging siya man ay wala pa ding tulog sa kahihintay ng balitang manggagaling mula kay Brent.

"Honey. Nasa maayos na kalagayan lang kaya si Joseph? May kinakain pa kaya siya? Hindi ba siya sinasaktan sa kalinga ng mga taong umampon sa kanya? Natatakot ako sa maaaring mangyari."may pag-aalala sa tinig ng dalaga habang nagsasalita ito.

"Ssshhh... huwag ka na munang mag-isip ng ganyan Rowena. Alam ko, matatag si Joseph. Kilala ko ang anak ko, matatag siya at kayang-kaya niyang lumaban."

Sa narinig ay napaangat ang mukha ni Rowena sa mukha ng binata kung saan gadangkal na lamang ang layo. Ngunit sa loob loob din ng isipan ni Clinton, ay ang katotohanang nangangamba rin ito sa tunay na kalagayan ng kanilang anak sa kamay ng mga sindikato.

"Clinton, mangako ka sa akin. Ipangako mo sa harapan ko ora mismo na maibabalik ang anak ko. Na magkakasama-sama tayong lahat kasama ng mga anak mo."

"Pangako honey, maibabalik sa atin si Joseph."sagot ni Clinton sa dalaga saka niyakap ng mahigpit ang ina ng kanyang anak.

"Nandito lang pala kayo Clinton, Rowena. Halina muna kayo at pumanaog sa ibaba para sabay-sabay nang kumain."pukaw naman ni Don Gustavo sa atensiyon ng dalawa. Hindi man naging mabuting tao si Don Gustavo noon sa kanyang anak at maging kay Clinton, hindi naman niya hinangad ang mapahamak at magdusa ang mga ito ng ganito. Aminado man siyang pinabugbog niya noon ang binata pero lahat ng iyon ay pinagsisisihan na rin naman niya.

"Dad,"tawag ni Rowena sa ama at mabilis namang lumapit si Don Gustavo sa nag-iisang anak at siyang naiiwang kayamanan ng buhay niya.

Dama niya ang pighating nararamdaman ng kanyang anak sa pagkakataong ito. Iyong sa tuwing nakikita niya ang sitwasyon ng anak kung papaano itong masaktan at umiyak, tila'y ibinabalik naman sa kanya ng makailang ulit ang lahat ng kanyang pagkakamali noon.

"Patawarin mo ako anak ko. Hindi sana nangyayari ang ganito sa iyo ngayon kung hindi ko lang kayo pinanghihimasukan noon."wika ni Don Gustavo na siyang nagpalingon kay Clinton.

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon