FINALE

3.3K 87 11
                                    

"FINALE"

KASALUKUYANG nakaupo sa isang mahabang upuan si Brent ng lumapit si Don Gustavo sa kanya. Imbes na ito ay tanungin at magsalita, tinapik siya ng ama sa balikat upang iparamdam ang kanyang presensiya.

"Wala ka bang balak na magbahagi ng saloobin mo Brent? I was once a part of FBI and I know what you've been through all this time."anitong parang wala lang habang nakatanaw sa imaheng nasa loob ng kapilya.

"I was pre-occupied Dad. I shoot him to gain trust. I was out of my mind, dapat hindi ako nakinig kay kuya."sisi niya sa sarili.

"Nangyari na ang dapat ay hindi nangyari Brent. Kasama sa trabaho nang mga FBI ang magbuwis ng kanilang buhay para sa ikaliligtas ng iba. Ikaw, naisip mo ba kung bakit iyon ang pinagawa ng kuya mo sa 'yo? Para ipaalam sa 'yo na mahalaga ka sa kanya hindi lang bilang kuya o kapatid, kundi upang mailigtas ang bawat isa sa inyo at magampanan niya ang tungkulin niya bilang alagad ng batas."anang kanyang ama sa kanya.

"I know it dad, and that's the reason why I feel guilty about it. He warned me not to do something for our own sake. Nag-under cover nga ako pero nandamay naman ako. Laging nakabantay si Kuya sa likuran ko just to protect me kahit noon pa lang na lagi akong nasasangkot sa gulo."wika ni Brent.

"Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay dapat na ginagawa ng isang kuya para sa kanyang nakababatang kapatid."

Mula sa likuran ng mag-ama ay boses ng isang lalaki ang kanilang narinig. Nang ito ay lingunin nilang pareho, isa nakangiting Clinton Olivar ang sa kanila ay nakalapit na pala. May benda ang kanyang tagiliran habang nakaupo sa wheelchair ng hospital. Hindi pa man nakalapit si Clinton sa mag-ama ay agad na siyang tinakbo ni Brent at walang anu-ano'y binatukan ang kapatid.

"Aray! Ganyan mo ba talaga ako kamahal para lang batukan?"angil nito habang nakatanaw sa mukha ng nakababatang kapatid na sobra nang seryoso.

"What do you think you are? A bullet proof? So that we can be able to shoot you no matter what the situations are? You made me feel guilty kuya!"Brent shouted. Ngunit, imbes na makarinig ng kung anong salita mula sa kanyang kapatid, kinaringgan niya lamang ito ng pagtawa.

"What if you died? What if I shoot you in your head? How can I be so sure to keep you alive? What if---"

"Brent, kampanti akong hindi mo ako papatayin dahil kapatid kita, kilala kita at higit sa lahat nananalaytay sa mga ugat mo ang dugong siya ring nananalaytay sa mga ugat ko. If the water's too shallow, be expectant of not a dying candidate."anito sabay tinapik sa balikat ang kapatid. Ngunit bago ito tuluyang tumalikod sa kanya ay muli itong nagsalita.

"Walang kapatid ang hahayaang mapahamak ang kanyang nag-iisang kapatid sa kamay ng mga kaaway. Kahit ilang bala pa ang sasaluhin ko ng paulit-ulit basta't kakayanin ng katawan ko ay gagawin ko para sa kaligtasan mo. Your my brother Brent, there's nothing that I can depend and do but to protect you."anito at tuluyan na ngang lumabas ng kapilya si Clinton kasama ang kaniyang kasintahang si Rowena.

Makaraan ang ilang buwan at balik na ulit sa normal ang buhay ng pamilyang Olivar. Habang ginugunita at binabalikbalikan nila ang mga pangyayaring hindi maganda'y iniisip na lamang nila na mula sa pagkakatulog nila ng mahaba ay kalakip ng bangungot na minsan ay sinusubukan nilang takasan. Nasa kalagitnaan ng kasiyahan ang pamilyang Olivar ng makarinig ito ng malakas na hiyawan at hagikgikan mula sa labas. Nang tunguhin ng mga ito ang pinanggagalingan ng ingay, doon pa lamang nila nakita ang mga anak nilang naglalaro't naghahabulan kung saan ang katulong ang napapagtripan.

"Kirk Norelle, stop chasing me!"tumatakbong sigaw ni Yaya Puring.

"Come on Yaya, its just a worm."patakbong wika ni Norelle na halatang natutuwa sa kakahabol sa yaya niyang takot na takot dahil sa hawak niya. Saka pa lamang ito natigil ng malaglag na sa pool ang kanyang Yaya.

"Yaya Puring!"sigaw ni Arfa Marie.

"Oh no, my yaya."wika naman ni Norelle at nilapitan ang Yaya niyang nahulog sa pool. Tinawag niya ang yaya niya para abutin ang kamay nito ngunit nakalimutan nitong bitawan ang uod na kanina ay hawak hawak niya.

"Yaya come, hold my hands!"wika ng cute na cute at bibong si Norelle. Nang abutin ito ng babae ay mas lalo lang ito napahiyaw.

"Ahhh! Sir, Ma'am si Norelle po, papatayin na ata ako sa takot. Pakiramdam ko tuloy magkakasakit na ako sa puso."anitong kinakapos na ng paghinga.

"Yaya, run!"sigaw pang muli ni Norelle. Kung noon na makulit at pilyo ito, ngayon naman ay mas dumoble pa ito.

Lumipas ang mga buwan at naghahanda ng mag-propose sa muling pagkakataon si Clinton, dangan naman kasi at naudlot ang proposal niya para kay Rowena ng mga oras na mawala ang kakambal ni Kirk John si John Joseph. Gabi noon at nasa mall sina Rowena kasama si Adeline ng biglang mawalan ng ilaw sa kabuoan. Kinabahan man ang dalaga ngunit hindi ito nagpahalata. Napansin niyang tila nawawala si Adeline sa kanyang tabi at kahit anong banggit niya sa pangalan nito ay walang sumasagot sa kanya. Hindi naglaon at pumailanlang ang isang malamyos na tugtugin, at may isang lalaking sa kung saan ay biglang kumakanta. Nakakatuwa man isipin na kahit sintonado ang boses nito ay kilig na kilig na siya lalo pa at ang boses na nririnig niya ay mula sa lalaking pinakamamahal niya.

Kasabay ng kanta ay ang pinailawang mga letra na siyang dahan-dahan at magkasunod na humilira sa madilim na kapaligiran. "ROWENA" Unang pangalan na siyang lumabas sa madilim na kapalihiran. "WILL YOU BE MY BRIDE?" Mga salitang sunod-sunod na lumabas. Magkahalong kilig at hiwayan ang maririnig sa naturang mall bagamat sobrang dilim ng paligid at tanging pinailawang letra lang ang matutunghayan. Hindi mapigilang hindi mapaluha ni Rowena ng gabing iyon. Sino ba naman ang mag-aakalang muli silang pagtatagpuin ni Clinton Olivar na sa mahabang panahon niyang pinagtaguan para lang ilayo sa kapahamakan. At ngayong ang lalaking ito ay siya pang magiging dahilan ng tuluyan ng kasiyahan. Matapos lumabas ang mga letra ay siya namang pagbalik ng mga ilaw at ang tanging nasa gitna lang ay silang dalawa ni Clinton Olivar.

"I want to ask you one more time Rowena. Will you be my bride?"nakaluhod na ito ngayon sa kanyang harapan.

"Who am I to abandon the love you have for me. Yes, I want you to be my husband. I will marry you Clint,"sagot ni Rowena. Hiyawan at palakpakan ang mga taong nakasaksi sa kanilang dalawa ng gabing iyon. Sino ba naman ang magdadalawang isip na pakasalan ang isang Clinton Olivar. Nagtiis ng mahabang panahon sa paghahanap sa kanya at loob ng mahabang panahon ay hindi parin nagbago ang nararamdaman nito sa kanya kahit na ilang ulit pa itong nasaktan ay patuloy pa rin siyang ipinaglaban.

Dumating ang araw ng kasal nina Clinton at Rowena at naging maayos ang takbo ng lahat.Simple lang ang kasalang Clinton at Rowena, pero dahil na rin kagustuhan ni Don Gustavo na maging secure parin ang mga ito sa oras ng pag-iisang dibdib nila, ipinatawag ni Brent ang mga FBI na siyang magmamasid sa paligid upang matiyak na maayos at walang gulo na magaganap sa kanilang kasiyan.

-Marami man ang pinagdaanan nilang pagsubok sa buhay pero hindi parin iyon naging hadlang upang sila ay hindi na lumaban. Dahil sa tiwala at lakas ng loob, lahat ng pagsubok ay kanilang pinagtagumpayan. Si Clinton na naghintay ng matagal at nagawang magpatawad para mabuo lang ang pamilyang inaakala ay hindi na mabubuo pang muli. Naghanap sa babaeng ayaw magpahanap. Si Rowena na nagtiis sa mahabang panahon para mabigyang proteksiyon ang lalaking minahal at mailayo sa kapahamakan ang anak mula sa sakim at mapagmalupit ng ama. Sino ang mag-aakala na ang kanya-kanya nilang paghihirap ay mauuwi sa pagkakaisa, pagpapatawad at higit sa lahat pagmamahalan. Ang kuwentong ito ay hinango ko lamang sa malikot kong kaisipan at naway nagbigay ng aral sa aking mga mambabasa.

.......T H E E N D......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon