LAGOT KA!!

2.3K 59 1
                                    

CHAPTER 6

HINDI na maikakaila pa ni Rowena. Nasasaktan siya sa tuwing tinititigan nito ang batang si Norelle. Naisip niya, paano kung hindi siya umalis o di kaya'y hindi siya nagtago sa ama ng kanyang anak? Maghahanap pa kaya ito ng iba o magkakaroon pa rin kaya ito ng anak sa iba?

Pabiling-biling sa kanyang higaan ang dalaga habang patuloy na iniisip ang batang kanyang nakita na siya namang ipinakilala ni Brent bilang anak ng kuya nito.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit, bakit ganu'n? Kahit ano'ng pilit niyang paglimot at pambabaliwala sa tunay niyang nararamdaman ay tila hindi niya magawa? Napabalikwas mula sa kanyang pagkakahiga ang dalaga sabay hila ng kanyang pitaka at kinuha ang isang larawang nakaipit pa rin sa nakahilira nitong mga credit cards.

Iyong tingin na ipinupukol nito sa larawan na kalakip ang pagsisisi at panghihinayang. Ang akala niya ay kaya siyang hintayin ng binata hanggang sa dumating ang araw na handa na siyang magpakita na muli. Tinititigan nito ang larawan ng kasintahan habang pilit binabalik-balikan sa kanyang balintataw ang alaala nilang dalawa na magkasama. Iyong alaala na kailan man ay hindi niya nagawang mabura sa isipan. Napapikit siyang muli habang ang mga kamay ay naiiwang nakahawak sa lumang larawan...

Sa hindi katagalan ay inilapit nito sa kanyang mukha ang hawak sabay isinatinig ang nararamdaman nitong pagkabigo.

"You are so stupid Rowena! Stupid!"anas niya sa sarili saka tuluyan nang naluha.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang hindi mapahagulhol ng iyak.

Masakit?

Malamang... iyon ang dahilan kung bakit siya ngayin ay nasasaktan.

"Ano ba ang inaakala mo ha? Na matapos ang mahabang taon na pakikipagtaguan ay mahihintay ka parin niya ng ganoon ka tagal without any relationship? Niloloko mo lang ang sarili mo Rowena, tanga mo talaga para paniwalaan ang fairy tales mong 'yan!"dugtong pa niya sa kanyang mga sinasabi.

Ang totoo, hindi niya kayang tanggapin ang kanyang napag-alaman. Hindi niya kayang itago ang sakit na dulot ng kanyang nalaman.

Sa tuwing naiisip niya ang anak nitong si Kirk John, naiisip niya rin kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanyang anak gayong ang kanyang ama ay may anak na pala sa iba. Nagsisisi siya kung bakit siya umalis ng mga araw na iyon. Pero paano kung hindi naman siya umalis? Paano kung nagpatuloy pa rin siya sa sinisigaw ng kanyang puso? Mababago pa kaya nito ang tadhanang nakapatong sa kanilang relasyon gayong alam niyang hindi sila tuluyang magiging masaya ng lalaking minamahal niya?

Tama ang ama niya nang sabihin nito ang mga kataga nito sa kanya.

"Walang pagmamahal na inaabot ng matagalan. Walang pag-ibig na siyang kayang panghawakan ng dalawang taong nagmamahalan kahit pa na ito ay dekada na ang dinaanan,"

Dahil sa pagmamahalan nila ng binata'y kamuntikan na itong mawala at bawian ng buhay, iyong habang nakikita niya itong nakaratay sa hospital bed habang habol-habol nito ang kanyang paghinga, pakiramdam niya ay katapusan na rin ng buhay niya.

Ayaw niyang ikapahamak ni Clinton ang lahat. Mas nanaisin pa niyang siya ang mahirapan at maghirap kaysa makitang nasasaktan at pinipersonal ng kanyang ama ang lalaking kanyang minamahal. Pero kahit na lumayo man siya sa binata, hindi naman nagawang palisin ng panahon ang kanyang pagmamahal para sa lalaking bukod tangi niya lang minahal.

"Kahit anong mangyari Clinton, magkaanak ka man sa iba, wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ay ang sumaya ka sa piling ng babaeng ina ng iyong anak."wika niya saka mapait na ngumiti.

"Mahal kita. Minahal kita at patuloy na mamahalin hanggang sa aking huling hininga."dagdag pa niya.

Kasalukuyan kasi siyang nasasaktan habang kinakausap ang lalaki sa larawang kanyang hawak. Ilang sandali pa at tumunog ang kanyang telepono. Tiningnan muna niya ito bago sinagot.

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon