CHAPTER 14
HINDI na nakaya pang pigilan ng don ang kanyang emosiyon. Iyon bang pananabik niya ng sobra-sobra sa mga bata ay agad na niyang naramdaman. Hindi niya maikakaila sa lahat, maging sa sarili niya na nami-miss niya na ng sobra ang dalawa.
Iyong nakita palang nito ang dalawang pares ng maliliit na mga paang unti-unting umaapak sa lapag ay samot-saring emosiyon na agad ang kanyang nararamdaman. How could he forget the two children if he have hourly and minute to minute think of them. Playing his mind that sometimes makes him think he has an insomia.
Habang papalapit ang dalawang bata sa kanya'y pakiramdam niya ay bumabagal ang mundo niya. Ang isang uri ng pakiramdam na kahit minsan ay hindi niya naramdaman at ang pananabik at pagmamahal na minsan ay hindi niya nagawang ipakita sa kanyang anak na si Rowena.
"Lolo ko!"sigaw ni Kirk habang tumatakbong nakangiti sa tinatawag nitong lolo.
"Grandpa!"sigaw naman ni Curt Norelle na noon ay nadapa dahil sa ginawang pagtakbo. Agad namang tinakbo ng don ang batang nadapa sa pagmamadali na siyang tinulungan ni Kirk na makatayo.
"We missed you so much grandpa. Please come with us,"anas ni Norelle habang nakayakap silang pareho kay Don Gustavo.
Sa pagkakataong iyon ay lumapit na si Clinton sa matanda. Siguro nga ay matagal nang panahon ang nakararaan ng siya ay tangkain nitong patayin dahil lang sa natuklasan nitong nagkaroon siya ng relasyon sa bugtong nitong anak na babae. Masakit pa rin naman para sa kanya ang isipin iyon ng paulit-ulit. Pero ano ang magagawa niya kung dahil sa galit nito sa ama ay pati siya nadamay na?
Tumikhim ang binata para agawin ang atensiyon ng tatlo na ngayon ay pareho nang nagyayakapan.
"Iiwanan ko muna sa iyo ang mga bata ng dalawang oras Don Gustavo. Umaasa ako na wala kang masamang gagawin sa kanilang dalawa, pagkakatiwalaan kita na tulad ng gustong ipahiwatig ng dalawang bata sa nagiging epekto mo sa kanila. Two hours are just enough for you to enjoy they're company."anito na hindi man lang kinakitaan ng ngiti habang nagsasalita. Tumalikod na si Clinton at nagsimulang humakbang papalayo sa matanda ng bigla siya nitong tawagin.
"Clinton sandali,"simula ng don.
"Tungkol sa nangyari noon. Gusto ko sanang.."
"Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan yan Don Gustavo. Isa pa, ayaw kong marinig ni Kirk John at Norelle ang ginawa mo noon. Hayaan mong ilayo ang mga bata sa pag-iisip ng hindi maganda tungkol sa iyo. Balang araw, hindi man ngayon,pero sa isang araw, o susunod pang mga araw na kapag maayos na ang lahat saka ko na sasabihin ang dahilan ko kung bakit pinapahintulutan kitang makasama ang dalawang bata. Pero, sa ngayon ay hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa 'yo ang pakay ko. Kusa mo lang itong mararamdaman Don Gustavo. Kusa mo lang mararamdaman."
Ang mahabang palaisipang iniwan ni Clinton sa matanda. Bagkos napapaisip man ay isinantabi na muna nito iyon at agad na nilapitan sa muling pagkakataon ang mga bata at buong higpit na niyakap ang mga ito.
Sa ganoong tagpo nakita ng mga mata ni Clinton ang kaganapan ng sa muli ay nilingon niya ang mga ito bago tuluyang iniwan.
"Balang araw, ako mismo ang magpapakilala sa iyo kay Kirk John bilang lolo niya at tunay mong apo Don Gustavo. Sa ngayon ay hindi pa ganoon kabuo ang tiwala ko sa iyo. Pero hindi ko naman pinagsasarhan ang puso at isipan kong maging bukas sa anumang pagbabagong nakikita ko sa iyo."sa muli ay usal ng isipan niya.
□ □ □ □
"Grandpa, I want to buy ice cream in the ice cream vendor."wika ni Norelle na ngayon ay hinihila-hila ang kamay ng lolo.
"Ganon ba apo? Ikaw Kirk, ano naman ang gusto mo?"baling nito kay Kirk John na dagli pang nag-isip ng gustong kainin.
"Cake lolo tapos Donnut."sagot naman nito sa matanda.
