CHAPTER 31
TUTOK sa araw ang batang si Joseph habang naghihintay ng taong maaawa at magbibigay ng limos sa kanya. Habang sa may hindi kalayuan naman ay ang kotse ni Daizy na hindi parin umaalis tulad ng habilin ni Clinton.
Nais man niyang ilapit ang kotse nito sa kinapupuwestuhan ni Joseph pero hindi niya magawa dahil sa apat na kalalakihang umaali-aligid sa may hindi rin kalayuan sa bata.
"Anak, Daizy. Bakit hindi nalang natin babaan ang bata at ilayo na dito."suhestiyon ng nanay ng dalaga.
"Nay, even if I want too, I can't.. we simply can't."sagot ng dalaga.
"Hindi ko maintindihan anak. Ano ba ang meron sa batang iyan na ayaw mong iwanan natin?"
Nang sandaling iyon, ay nabaling ang atensiyon ni Daizy sa kanyang inang napupuno na ng katanungan, maging ang kanyang ama na nanghihina pa rin.
"That's John Joseph. One of the Olivar's siblings."sagot nito.
"Ano? Bakit... bakit nandiyan..."nasindak sa takot ang ina ng dalaga. Tila nalilinawan na ito sa nais ipahiwatig ng anak sa kanya.
"He was in trouble. Nay, hindi natin pwedeng iwanan si Joseph dito. Pagkakataon na ito para mabawi ang anak ni Rowena sa kamay ng mga garapal sa pera."wika pa niya.
Pinanlakihan naman ng mata nito si Daizy ng makita kung sa papaanong paraan nasasaktan ang bata kapag walang nadidelihensiya. She saw the man, kicking the lad at the sidewalk. Gusto man niyang lapitan at babaan ngunit natatakot naman siya sa maaaring mangyari. There's nothing that she can do, but to cry while looking outside her car.
Tila may sariling isip naman ang mga kamay ni Daizy na agad kinuhanan ng video ang pananakit na ginagawa ng may kalakihang lalaki sa isang batang walang magawa kundi ang umiyak na lamang, lalo pa at hindi ito makapagsalita.
"Joseph sorry, I can do nothing but to wait for your father to come in here."umiiyak na wika ni Daizy.
Ngunit, hindi na kinaya pa ng dalaga ang kanyang nakikita, pinaandar nito ang kanyang kotse at huminto sa harap mismo ng lalaking nananakit kay John Joseph.
"Stop hurting him!"sigaw ni Daizy nang ito ay makalabas na ng sariling sasakyan.
Taas ang kilay na napalingon ito at tila uhaw na uhaw ang lalaki sa nakikitang ayos ng dalaga. Nakalantad ang mamilog-milog nitong hita habang nakatayo sa labas ng kanyang sasakyan.
"Dinidisiplina ko lang siya miss."anitong ang tanaw ay nasa kabuuan ng dalaga.
"You really an impossible but coward black sheep. That was a child, he can't fought you back but instead of crying while receiving to your punch."
"Alam mo miss, umalis ka nalang nang sa gayon ay hindi ka masaktan at madamay. Ikaw rin, baka pagsisihan mo ang pangingialam mo."wika ng lalaki. Agad namang tumakbo si Joseph sa dalaga at napayakap ito sa kanya.
"Are you hurt honey? Come quickly, we need to get out in this planet of hell."anya sa bata at inunang ipasok si Joseph sa loob ng kotse. Pero bago pa man siya makapasok sa kanyang sasakyan ay agad na siyang hinila ng lalaki sa buhok papalapit.
"Ako okay lang kausap, pero ang hindi okay sa akin, ay patakasin kayong pareho ng bata. Lalo na at hindi ko natitikman ang gusto kong matikman."anas ng lalaki.
"Drew! Tumawag si Boss, ni-raid tayo sa pasay iwanan mo na yan,"
"Hindi puwede! Tanga ka ba? Paano kung magsumbong ang babaeng ito? Eh di mas lalong tiklo tayo, kapag pinatakas pa natin ito, takas pati ang bata at may posibility na magsumbong ang mga ito sa pulis,"wika naman ni Drew.
