CHAPTER 12
ONE week after the kidnapped thingy. Gulat na napamulat ng kanyang mga mata si Brent ng makita nito ang kanyang anak kinaumagahan sa kanyang bandang paanan, nakaupo itong tinatanaw siya habang natutulog katabi ng kanyang tatlong anak.
Dali-dali siyang bumangon at agad na nilapitan si Norelle na noon ay tanaw-tanaw lang siya. Galing sa pag-iyak nito si Norelle na agad nangiti ng makita ang ama.
"Curt Norelle,"usal niya habang naluluha.
"Are you crying daddy?"tanong ng bata sabay lapit sa kanya habang tumatakbo. Pagkatapat palang ng kanyang mga paa sa tabi ng ama ay agad niya na itong niyakap. Iyong yakap na siyang minsan lang maranasan ni Brent mula sa mga bata dahil sa madalas itong wala.
"Ikaw nga anak, ikaw nga."
"Daddy stop crying please."anya sa ama.
"I just can't help it not to cry. I was worried about you and..."
"Nothing happened to me dad. Grandpa teach mo how to fish. He even teach me how to swim in his pool."wika pa ni Norelle. Sa pagkakataong iyon ay nakabitaw na ito sa ama mula sa kanyang pagkakayakap. Makikita sa mata ng bata ang lungkot na kung titingnan ay ngayon lang niya nakitaang nagkakaganyan.
"Sinaktan ka ba niya? May ginawa ba silang masama sa iyo ha?"ang hindi naman mapigilang itanong ng ama. Iba kasi ang lukot ng mukha ni Norelle. Ibang-iba sa bibong-bibo na anak niya.
"You can believe me daddy are you?"parang wala lang na tanong ng bata. Iyong mukha nito habang nakaupo sa harap ng ama at nakatalingig pa ang ulo habang nakatingin sa kanya.
"Ofcourse baby, daddy believes you, thats the way how I treated my children."ang sagot nalang nito. Lihim naman siyang napapakuyom ng kanyang kamao. Sa oras na malaman niyang may masama itong ginawa sa anak ay sisiguruhin na niyang pagbabayaran iyon ni Don Gustavo.
Napahilig naman sa kanyang bisig ang anak na hindi man lang kakikitaan ng ngiti sa labi. Hindi tulad ng dati bago ito mawala kasama ng hindi pa nito nakikilalang pinsan.
"Where is Kirk by the way?"tanong niya. Agad namang itinuro ni Norelle ang inuukupang kuwarto ng bata.
□ □ □ □
Papasok naman sa isang kuwarto si Clinton ng mapansin nito ang isang batang lalaki na nakatulog na ng mahimbing kasama ng iilan pang mga kabataang nasa loob din ng naturang silid.
Pinisil-pisil pa talaga nito ang kanyang balat upang masiguro lang na hindi panaginip ang lahat lalo na ang kanyang nakikita. Si Kirk John, ang anak niyang nawawala, ang anak niyang kinuha ng ilang linggo sa ampunang ito din mismo, ngayon ay nasa harapan na niya at mahimbing na natutulog.
Naluluha siya habang napapalapit sa bata. Iyon bang sobrang pananabik niya dito na wala na siyang pakialam pa kung magising niya ito o hindi. Agad niyang dinala sa kanyang bisig ang anak nitong mahimbing nang natutulog, mahigpit iyon na animo'y wala ng bukas. Puno man ng katanungan ang isipan kung sa papaanong paraan nakabalik ang mga bata ay hindi na muna nito ininda pa, bagkos ay pinupog na lamang nito ng halik si Kirk na siyang dahilan upang magising ito at mapahagikhik ng tawa.
"Ha! Ha! Ha! Tatay tama na po kikiliti ako. Ha! Ha! Ha! Tatay Clinton tama na po."hagikhik ng bata.
Iyon naman ang narinig ni Rowena habang mugto ang mga matang naglalakad sa hallway ng naturang ampunan.
She suddenly stopped right in front of the door. Pakiramdam niya ay namamaligno siya dahil sa kanyang naririnig. Hindi na niya namalayan na kanina pa pala tumulo ang mga luha niya. Iyong sa hindi niya inaasahan ay bigla na lamang dumaloy sa kanyang pisngi nang kusa habang hindi niya nararamdaman.
