DON'T WORRY KUYA!

1.8K 43 1
                                        

CHAPTER 19

PAPASOK na sana sa kanyang sasakyan si April ng biglang may humila sa kanya na kung sino ay hindi niya alam.

Sisigaw na sana siya para makahingi ng tulong pero naramdaman na lamang nito na animo'y may matigas na bagay ang siyang nakadikit at nakatama sa kanyang tagiliran.

Takot? Yeah she is. Takot lang niyang matigok ng wala sa oras so that she'd never tried to do some things that might gonna put to her at rest. She would risk for her life. Ayaw niyang matapos na lamang sa wala ang buhay niya.

Marami pa siyang gusto gawin sa buhay niya na hindi pa niya nagagawa. Nanginginig man sa takot ay hindi na niya inisip pa.

"Pasok sa loob,"utos ng hindi niya nakikilalang tao dahil sa may mga suot itong maskara. As in natatakpan ang buong mukha na tanging mga mata na lamang ng mga ito ang nakikita.

"Sino ba kasi kayo at ako pa talaga ang balak ninyong kidnapin? Hello, wala ako ni sentimo."aniyang pinataas pa talaga ang kanyang boses para lang maipadama sa mga kalalakihan ang kanyang inis.

"Bakit? Sino ba sa tingin mo ang nagsabi sa iyo na kidnapping ang magaganap sa iyo?"naisatinig ng isang lalaki.

Agad namang kinabahan si April dahil sa kanyang narinig.

"Kung hindi niyo ako kikidnapin, e, ano'ng ginagawa niyong ito sa akin ngayon?"

Kahit takot ay hindi niya pa rin naiwasang hindi magtanong. She's chilling in fear and no one knows it.

"Tsk! Kailangan mo pa bang itanong? Puwede mo ring paganahin ang utak mo kung papaanong pinapagana mo ito sa kalaswaan mo."

Bumunghalit naman ng tawa ang isang lalaki. Kung alam lang sana ni April kung sino ang mga kidnapper daw kuno niya, malamang hindi na ito kakabahan.

"Malamang! Magtatanong ba ako kung alam ko? Antipatiko 'to." Naisatinig niya.

"Aba, kung katawan ko ang hanap niyo ngayon mismo ipapaubaya ko sa inyo isa-isa. Anong gusto niyo dito niyo ako sisimulan?"hamon niya sa mga kalalakihan.

Napaangat naman ang magkabilaang kilay ni Sherwin. Kung hindi lang masama eh kanina niya pa ito pinitik ng malakas at nang matauhan.

"Kung katawan mo lang rin naman ang pagsasawaan ko, huwag nalang baka matitano ang jumboo hotdog na nakalaan para sa babaeng mahal ko. Imported pa naman ito at para kay misis lang."deretsahang wika ni Sherwin.

"Huh,"pagak na napatawa si April habang nakanganga.

First time in her whole life na may tumanggi sa kanya ha? At kidnapper pa talaga ang tumanggi. Tiningnan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa.

Maganda ang pangagatawan nito. Matcho kung iyong titignan. And that makes her think of who this man is.

"Ang lakas din naman ng apog mo ano? Kapal ng mukha. Mukha mo lang naman siguro mukhang kabayo. Bweset!"anya.

"Saan niyo ba ako dadalhin mga unggoy kayo!"

"Tumahimik ka nga riyan kung hindi uuwi kang hindi humihinga."

Natakot naman si April sa kanyang narinig.

Ilang saglit pa at bigla silang huminto sa malapit sa may bangin. Alam niya iyon na masiyadong malalim ang bangin na ito at malalag lang ito ay tiyak mawawalan na ito ng buhay.

Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ng takot si April. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda sa kanya.

"Ano ang ibig sabihin nito? Ipapagamit ko katawan ko sa inyo huwag niyo lang akong patayin."muli niyang wika.

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon