ROAMING AROUND , I THINK

2K 54 1
                                        

CHAPTER 11

"DADDY! Where's Norelle? I haven't seen him since yesterday."ang tanong ni Zhack Luiz sa kanyang ama dahil hindi nito nakikita ang kapatid. Sa kanilang lahat kasi si Norelle ang pinakamagulo at maingay, iyong tipong kapag may hindi ito nagustuhang tao ay agad itong manununtok at mang-aaway. Pero sa huli ito rin ang nakikipagkaibigan.

"Roaming around I think."sagot na lamang ni Brent sa anak. Kapagdaka'y lumapit naman si Fara Jane sa kanya at agad na umupo sa lap ng ama.

"I heard you guys yelling with each other last night, your talking about Kirk and Norelle daddy."ang biglang sabat naman ni Fara Jane. Tumingala pa talaga ito upang tingnan ang mukha ng ama. Bata man ang mga anak nito'y matatalino naman at hindi ganoon kadaling malinlang. Isang katangiang namana at nakuha ng mga ito sa Olivar.

"No baby, tito and I are not yelling with each other. We were just...just talking about candy crush,"

Pilit ang ngiting sagot nito sa mga anak.

"Daddy sabi mo bad ang sinungaling why are you boasting?"si Krizle Anne na sumabat na rin.

Napabuga nalang ng hangin ang ama ng mga ito dahil sa nararamdamang pressure, dagdagan pa ng nag-uumpukang kaba sa kanyang dibdib. Gusto niyang sumigaw lalo pa at hindi pa niya nati-trace kung nasaan na ang kanyang anak.

Gusto niyang sugurin ang mga guwardiya pero iniiwasan naman nito ang makasakit ng kapwa. Sa bandang huli ay tumayo si Brent. Anong oras na pero wala pa rin silang natatanggap na balita mula sa kung sino mang walang awang tao ang kumuha sa kanyang anak at maging sa kanyang pamangkin.

Dagdagan pa na hindi pa rin siya tinatawagan ni Sherwin to notify him if they have all the informations that personally he asked for.

"Sana lang nasa maayos kang kalagayan Norelle, sana ay walang masamang mangyari sa iyo. Sana lang ay hindi ka sinasaktan ng taong kumuha sa iyo, dahil kapag nalaman kong dumantay ang kamay nila sa iyo, ni daplis sa buhok mo ay hindi ko palalampasin kapag natunton ko ang mga taong kumuha sa inyo, makakapatay ako ng tao. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataong may masamamg mangyari sa inyo."usal pa ng kanyang isipan.

"Adeline... I'm really sorry, naging pabaya akong ama sa anak natin, but I have to keep it as a secret as of now dahil hindi ko hahayaang mag-alala ka ng sobra."anang isipan pa nito.

□ □ □ □

"Sir, positive po. Nasa kanya ang dalawang bata."

"Kung gano'n hindi nga ako nagkamali ng hinala. Salamat Sherwin, ano pa ang alam mo?"tanong ng binata.

"Bumabagsak na po ang negosyo nito ngayon at hindi lang po iyon. Nakatanggap ng tawag si Don Romulo mula sa kanya nang araw din mismo na nawala ang mga bata."

"Ano?! Si papa? Sa tingin mo, alam na kaya niya na apo niya ang isang bata?"hindi makapaniwala ang binata. Wala man lang silang kaide-ideya na nalusutan na sila ng panganib. Napahugot ng malalim na hininga nito ang lalaki saka nagsalita na namang muli.

"What does he want?"tanong nito ng huli habang napapaupo sa kanyang kama.

Dagling tumahimik sa kabilang linya ng ilang sigundo. Saka narinig nitong napahugot ng malalim na hininga ang nasa kabilang linya bago muling nagpatuloy sa pagbibigay ng impirmasyon sa binata.

"Hinihiling nito si Rowena kapalit ang kaligtasan ng isa at..."

"At ano?"hindi mapalagay na tanong ni Clinton. Sa pagkakataong iyon ay napatayo na ito sa mula sa kanyang kinauupuan.

"At maging ang 60% shares , property and investors ng Olivars Company kapalit naman ni Norelle. Sa ngayon po ay nagpapatawag na ng abogado ang iyong ama para maibigay sa lalong madaling panahon ang lahat ng hinihiling nito sa kanya. One of the children will be safe at nakadepende iyon sa kanya kung sino sa mga bata ang palalayain niya,"

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon