CHAPTER 15
"Akala ko ba malinaw ang naging usapan natin na 2 hours lang ang gagawin niyong pamamasyal ng mga bata Don Gustavo?"ang hindi mapigilang isatinig ni Clinton sa don ng makarating ang mga ito sa mansiyon nito.
"Hindi ko iyon, ikakaila na nagkaroon tayo ng usapan iho. Hindi ko lang talaga namalayan ang oras. Pero, makakaasa kang hindi ko sila ilalayo o itatakas man lang sa inyo,"Ang sagot ni Don Gustavo sa binata.
Nakatingin na naman ito sa dalawang mga bata. Iyon bang nandoon na lahat ng emosyon niya na siyang pilit niyang pinipigilang huwag kumawala sa kanya.
Tila napansin naman ni Clinton ang biglang pananahimik ng Don. Iyon bang dating isang mabangis na leon ngayon ay tila lumambot at naging isang maamong tupa na akalain ng makakakita ay hindi makagagawa ng masama. Lumapit pa siya ng kaunti sa Don saka tiningnan ang mga batang sobrang bagsak dahil sa pagod galing sa pamamasyal.
Naisip niya tuloy. Sana noon pa lang ay dumating na ang mga bata sa buhay ni Don Gustavo. Kung nangyari kaya iyon ay mababago din kaya ng mga ito ang isang mabangis na leon na handang pumatay para lang sa kanyang kagustuhan? Kung napaaga kaya ang pagdating ng dalawang mga bata sa buhay nito ay mangyayari pa kaya sa kanila ni Rowena ang dinanas nilang pareho sa kalupitan nito?
Sa muli ay hinarap nito ang Don. May kung ano sa kanya na nagsasabing bigyan ito ng pagkakataon. Pero may bandang parti sa kanya ang nagsasabi na huwag.
"Iiwan ko sa iyo ang mga bata bukas, pero sa ngayon kailangan niyo na po munang magpaalam sa kanila. Alam ko kasing naghihintay na ang mga magulang nila."untag ni Clinton sa matanda.
Sa narinig ay biglang lumiwanag ang mukha ng don. Hindi maikakaila sa mukha nito ang saya na kanyang nakikita habang pinagmamasdan niya ito.
Iyong kaunting agam-agam na siyang naiiwan sa isipan ng binata ay tila nalulusaw na at napapalitan na paunti-unti ng tiwala.
Ngunit, paano kung nagkukunwari lang pala itong mabait? Paano kung isang araw ay bumalik ito sa dati nitong pag-uugali ang don? Ayaw din niyang mapahamak ang dalawang bata dahil lang doon. Lalo pa at anak nito si Kirk John.
Kinarga na ni Clinton ang mga bata at siyang agad na inilipat sa dala nitong MBW. Tulog ang mga bata at sobrang pagod dala ng kanilang pamamasyal kasama si Don Gustavo. Nang mailipat nito ang mga bata...
"Clinton Olivar," tawag niya dito ng pumasok na ang binata sa loob.
Natigil naman sa ere ang pag-pasok nito sa loob ng kanyang MBW at agad na lumingon sa lalaking tumawag sa kanya.
"May kailangan po ba kayo?"anya.
"Thank you Clinton. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa iyo noon.
Hindi ko lang nakayanang tanggapin na naging kayo ng anak ko. Naging makasarili ako at naging mapanghusga agad. Pero simula ng makilala ko ang dalawang bata, sobra ang naging kahilingan ko na sana isa sa kanila ay apo ko."Ewan ba ng binata pero nakita nito ang luha sa mga mata ng don. Ang sensiridad nito sa kanyang mga sinasabi. Hindi niya masisisi ang matanda kung bakit pati sa kanya ay nagalit ito. Pero hindi din siya nito masisisi kung hindi pa man niya magawang ipakilala sa don ang tunay niyang apo.
"Kung ano man po ang nangyari sa ating pamilya Don Gustavo. Labas na doon ang mga bata. Kung minahal ka nila nang ganoon lang kadali, may ibig sabihin yun."
Napatitig sa kanya ang don. Gustuhin man nitong itanong sa binata kung bakit siya nito pinapakitaan ng maganda ay hindi naman niya magawang isatinig. Siguro dahil nasa dugo na talaga nila ang mapagkumbaba at mapagmahal na tao.
"Tama nga ang anak ko na ikaw ang napili niya Clinton Olivar. Malaki ang naging pagkakamali ko sa iyo, lalong lalo na sa pamilya mo. Alam ko rin na nasa poder mo ngayon ang anak ko at iisa lang ang maipapangako ko sa iyo. Kailan man ay hindi na ako mangingialam."anya sa binata.
![](https://img.wattpad.com/cover/84757995-288-k610511.jpg)