ROWENA BAKIT MO AKO PINAPAHIRAPAN

2.7K 61 1
                                        

CHAPTER 4

TATLONG araw mula ng makauwi si Clinton sa Pinas ay nagpasya na rin itong dumalaw sa kanyang mga magulang maging sa kanyang mga pamangkin. Pero sa tuwing naaalala nito ang babaeng nakatalikod sa kanya'y pakiwari niya ay kilalang-kilala niya ito. Hindi niya rin maiwasang hindi isipin si Rowena ng oras na iyon habang nakatanaw sa papakayong dalaga.

"Rowena, bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito?"sa huli ay di nito maiwasang hindi maisatinig ang nararamdaman. Sa muling pagkakataon ay dinukot nito mula sa kanyang wallet ang lumang larawan nila ng dalaga. Pinagmasdan niya ito habang hindi namamalayan ang luhang nag-uunahan na sa kanyang pisngi. Iyon naman ang tagpong naabutan ni Harvey ang matalik nitong kaibigan noon pa man.

Malihim si Harvey, at tanging siya lang ang nakakaalam sa mga sekreto nito, liban nalang sa mga kamag-anak nito dahil ni minsan ay hindi ito nagkukuwento ng kung ano tungkol sa pamilya niya.

"Clint, kumusta?"agaw nito sa pansin ng binatang malalim ang iniisip.

Dagli namang napaayos ng upo si Clinton at bahagyang pinahid ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi at nakangiting humarap sa bestfriend nito.

"Hey, you're here... ano'ng ginagawa mo dito? Diba may last term ka pa sa kurso mo sa states?" Taka niyang tanong sa kararating lang na kaibigan.

"Kakapagod lang doon kaya umuwi na ako. At isa pa ay dinadalaw ko ang pinsan ko na nandirito ngayon sa ampunang ito. Ikaw? Kumusta na ang paghahanap mo doon sa sinasabi mong girlfriend mo? Nahanap mo na ba?"agad naman nitong naitanong sabay hila sa larawang nasa kamay ng kaibigan.

Nanlaki pa ang mga mata ni Harvey ng mapagsino ang nasa larawan. Kahit na kunot, niluma na o mas magandang sabihing kumupas na ang larawan ng kaibigan ay hindi naman siya maaaring magkamali sa mukha ng babaeng kanyang nakikita.

" Clint, bakit nasa iyo ang larawan ng pinsan kong si Rowena?" Nawika nito ng huli habang nakatitig sa mata ng matalik na kaibigan.

"Anong sabi mo? Pinsan mo si Rowena? Magpinsan kayo ng babaeng minahal ko sa loob ng mahabang panahon?" ang hindi makapaniwalang wika ni Clinton sa kaibigan nito. Kung nabigla si Harvey sa kanyang nakita dobleng pagkagutla naman ang siyang naramdaman ni Clinton.

All this time, he don't even know that he is with the person that could bring back to him the woman whom he loved.

"Where is she Harvey?"ang tanong bigla ni Clinton.

"Bago kita sagutin, bakit mo siya hinayaang lumayo sa iyo kung talagang mahal mo nga siya?"

"Don't ask me that? Dahil wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin lang siya. Hindi ko alam kung ano ang rason niya sa pang-iiwan niya sa akin Harvey, pero isa lang ang alam ko at tanging nalalaman ko, iyon ay naging totoo ako at tapat sa pinsan mo. Ipinaglaban ko siya sa pamilya ko simula sa simula hanggang sa huli. But suddenly she disappeard like a bubble. She never showed up again, no trace or signs of everything, no explanations left, it was all gone Harvey. For almost 10 years that we had been through in our relationship, she left me nothing but hanging for nothing."

Sa narinig ay biglang napapaisip si Harvey. Kilala niya ang pinsan niya, kilala niya ang bestfriend niya. Dahil sa buong angkan ng mga Almeron, tanging si Rowena lang ang nakakaintindi sa kanya. Hindi ito gumagawa ng hakbang na siyang walang mabigat na dahilan. Iisa lang ang biglang sumagi sa isipan niya.

"Hindi kaya, si tito na naman ang may pakana ng lahat ng ito? Alam kaya ni Clinton na may anak na siya sa pinsan ko?"ang hindi niya maiwasang hindi alalahanin at itanong sa sarili. Ilang sandali pa ay muling nagsalita si Harvey sa kaibigang seryosong seryoso habang nakatanaw sa larawan ng kanyang pinsang si Rowena.

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon