CHAPTER 16:
TUMAGAL ng isang oras ang ginawang pagkausap ni Rowena at Clinton kay Kirk John. Sinabi nila sa bata ang buong katotohanan mula sa simula. Nang mga sandaling iyon ay maraming haka-haka ang siyang nabuo sa isipan ni Clinton. Lalo pa at sobrang naging tahimik si Kirk John pagkatapos.
"Anak, patawarin mo si Daddy kung hindi mo naranasan ang magkaroon ng ama sa loob ng walong taon. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo dahil alam kong matalino ka. Si Norelle, siya ay pinsan mo. Tito mo si tito Brent mo at mommy mo si pretty lady. Pangako ni daddy, ibibigay at ipaparanas ko sa iyo ang hindi mo naranasan sa loob ng maraming taon." Anito sa kanya na sobra ang pangamba.
"Daddy?"
"Yes, my son. I am your daddy, and pretty lady is your mom."sagot ni Clinton.
"Bakit hindi kayo magkasundo na dalawa? Bakit hindi kayo magkasama?"magkasunod-sunod na naitanong ng bata sa kanya.
Nagkatinginan si Clinton at Rowena. Bawat isa ay tila nangangapa ng maaaring isagot sa anak nila lalo pa at panay ang mga katanungang ibinabato nito sa kanila ngayon.
Dapat ba nilang sabihin dito na hindi na sila magkasundo ng kanyang ina? Dapat ba nilang makipagplastikan na dalawa sa tuwing sila ay magkakaharap? Alam nilang matalino si Kirk John. Wala silang maitatago dito na hindi lilitaw sa huli.
"Anak, may mga pangyayari sa mundo na hindi lahat naiintindihan ng tao. Tulad mo, may mga nangyayari ngayon na hindi mo pa maiintindihan."pagkausap pa nito sa kanyang anak.
"Daddy, may lolo din po ba ako like Norelle?"
Ngumiti muna si Clinton bago sinagod ang kanyang anak. Bawat katagang sinasambit ng anak niya sa kanya ay nagbibigay dito ng ibayong saya na ni minsan ay hindi pa niya naramdaman. Iyong pananabik niyang matawag na daddy ng kanyang anak.
"Oo anak, may lolo ka rin. Ang lolo ni Norelle ay lolo mo rin. Mamaya ay makikilala mo na rin siya,"
"Ano po ang pangalan ng lolo ko?"
"Siya si lolo Romulo."sagot ni Clinton. Nakatingin pa ito kay Rowena na bahagyang tumalikod upang itago ang kanyang lihim na pagluha.
Nandoon na eh, gusto niya nang sabihin sa anak na ganito ganyan, may lolo ka pa na ngayon ay mag-isa lang. Na lolo nito ang ama niya. Na lolo nito ang matandang itinuturing na niyang lolo na siyang kumidnap sa kanila ng pinsan niya. Pero papaano niya iyon gagawin kong ito naman ay hindi pa gustong ipakilala ni Clinton sa kanya.
Masakit isipin na kailangan muna niyang itago sa anak ang katauhan ng kanyang ama. Na kailangan munang sutain kung talagang maaari na nilang pagkatiwalaan sa muling pagkakataon ang kanyang ama. Tiningnan niya ang binata na matamang yumuko ng magtama ang kanilang mga mata. Kapagdaka'y ibinaling nito sa anak ang kanyang tingin na noo'y matamis nang nakangiti dahil sa narinig nito buhat sa ama.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Kirk John. Iyong ngiti ng batang naghahanap ng isang lolo.
"Daddy, mommy puntahan ko po muna si Norelle."paalam niya sa ama at ina.
"Sige anak."sagot naman ni Rowena.
□ □ □ □
Nang mapagsolo ang dating magkasintahan ay saka pa lamang napakawalan ni Rowena ang kanyang emosyon. Ang luha nitong impit niyang pinipigilan kanina lang habang nakaharap sa kanyang anak. Iyong luha na gustong gusto nang kumuwala dala ng bigat sa kanyang loob.
"Why?"anito sa binata ng silang dalawa na lang ang nasa loob.
"This is not the right time to talk about it Rowena."ang mabilis pa sa alapaap na sagot ng binata sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/84757995-288-k610511.jpg)