ISA KANG AGENT

1.7K 46 1
                                    

CHAPTER 29

DALAWANG oras na ang makalipas buhat ng maitanim ang bomba sa loob ng bahay ampunan. Gayun pa man ay nandoon pa rin ang pangamba ng binata sa posibilidad na sumabog ito nang hindi naililigtas ang mga batang naroroon.

Lakad-tayo at upo ang ginagawa nito nang mga sandaling iyon. Siya namang pagpasok ni Vince sa loob ng kuwarto kung nasaan naroon siya.

"May problema ba Brendon?"bungad nito sa kanya at tila binabasa ang kung ano man ang nasa kanyang isipan.

Bago tuluyang nagsalita ang binata ay napangisi muna ito.

"Ang tulad ko kailan ma'y hindi pa nagkakaproblema lalo na sa gawaing ganito."anitong kumpiyansa sa kanyang sarili.

"Good to hear. Anyways... may inuman mamayang gabi, gusto kong naroon ka upang makipagsiyahan sa amin."paanyaya ni Vince sa kanya.

"Walang problema. Makakaasa kang magiging maganda at kapana-panabik ang handaang yan boss."sagot ng binata.

Habang sa may hindi kalayuan sa kinatatayuan ni Vince ay ang isa pang lalaki na sobrang talas ang tingin sa kapapasok pa lamang na tauhan ni Vince Dela Viega.

"Ang angas mo ah, alalahanin mo, baguhan ka pa lamang dito."hindi nakapagtimping wika nito mula sa likuran ng kanilang boss.

"Drew! Easy ka lang. Walang masama kung tulad ko pagkatiwalaan mo rin ang karilyebo mo tama?"

Sa halip na sang-ayunan ang sinabi ng kanyang boss ay mapang-uyam itong natawa.

"Boss, baguhan pa lang yan, at higit sa lahat wala pang napapatunayan sa ating lahat."anitong napapakuyom. Tiimbagang hinarap naman ni Brendon ang lalaking tila hindi siya nagugustuhan.

"Mukhang ayaw mo ata sa akin sa tema pa lamang ng pananalita mo Mr. Drew. Huwag kang mag-alala, kapag ang hintuturo ng orasang iyan ay natutok na sa mismong numero kuwatro, pwede ka nang magpa-party sa sementeryo."mapang-uyam din na balik sagot ni Brendon.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman. Gusto ko lang sabihin sa iyo na, pwedeng pakibawas-bawasan ang kape?"anitong nag-smirk pa bago tuluyang dinaanan at binangga ng kanyang balikat ang kaharap. Akmang susugurin na sana siya ng lalaki sa inis ngunit agad namang humarang si Vince.

"Tama na yan. Brendon, pakitingnan mo nga si April sa kabilang kuwarto, baka gising na iyon."utos ni Vince sa kanya.

Sa narinig na pangalan ay agad namang naningkit ang mga mata ng binata.

April daw? Hindi naman siguro siya namamaligno sa narinig diba? Pero ano naman ang ginagawa ng April na iyon dito sa compound ng mga sindikato?

Biglang napaisip si Brendon dahil sa kanyang narinig. Kung totoo man na ang April na kilala niya at ang April na kinalolokohan ni Vince ay iisa, maaaring ginagamit nito ang pakikipaglapit nito noon kay Clinton dahil sa mga pinaplano nila bagay naman na siyang hindi nila napagtagumpayan.

"Kung tama man ang hinala ko, makikipaglaro ako sa inyo."siya namang wika ng kanyang isipan saka muling nilingon ang dalawa bago muling magsalita.

"Masusunod po boss."anya at agad nang pinuntahan ang tinutukoy nitong kuwarto.

□ □ □ □

Sa AMPUNAN...

"Tama nga ang hinala mo Clinton, may bomba ngang nakatanim sa loob ng ampunan. Hindi lang namin matukoy kung ilang bomba ang naitanim sa loob pero nasa amin na ang dalawa. Clinton, sampung minuto nalang ang natitira, hindi naman namin ito agad agad na mapipigilan lalo pa at magkakaiba ang kable na siyang nakapalibot sa loob at ang wiring na ginamit ay hindi katulad ng pangkaraniwang bomba lamang. Malakas ang impact nito kapag nagkataon at maaaring walang makaligtas."balita ni Max sa kanyang kaibigan.

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon