HANEP UMARTE

1.7K 52 4
                                    

CHAPTER 20

"MOMMY!"ang sigaw ni Kirk John sabay katok ng malakas sa pintuan ng kanyang ina. Alam nitong tulog pa ang mommy niya pero gusto niyang dalhin ito sa harden ng mansiyon kung saan iniutos ito ng kanyang daddy Clinton.

After what had happened, tuluyan na ngang dinala ni Clinton sa mansiyon ng mga Olivar ang kanyang mag-ina. Although he has his own house and resorts pero pinili pa rin nitong sa mansiyon na ng mga Olivar dalhin ang kanyang nobya. Ang ina ng kanyang anak.

Pupunga-pungasing nagising si Rowena at agad na nagbihis. Bago siya tuluyang lumabas ay may nakita pa siyang sulat sa kama. Hindi man niya nakita kung sino ang nag-iwan nito pero alam niyang galing iyon kay Clinton.

She openned the door and saw her son while smiling at her.

"May problema ba anak?"she asked her son.

"Nothing mom. I just wanna say good morning."sagot ni Kirk sabay ginagap ang kamay ng ina at hinila pababa ng hagdan.

"Mommy, come quick!"

"Wait honey, mommy feel so dizzy."ika niya sa anak na halatang inaantok pa.

"Mommy come on. Come quick!"anito sa ina sabay ngumuso.

"Kirk, later na si mommy baba ok? Hindi lang maganda ang pakiramdam ni mommy today."wika pa niya sa anak. Hindi niya alam kung naiintindihan ba siya nito o sadyang nangungulit lang ang kanyang anak.

"Mommy tara na."anya sa kanyang ina pero nabigo si Kirk John na madala ang ina sa harden na tulad ng pinag-usapan nila ng kanyang ama at tito Brent.
Bumalik naman sa kama si Rowena na sobrang mabigat ang pakiramdam at kapagdakang napatakbo sa toilet at agad na naduduwal.
Nagtataka man si Kirk ay agad niyang nilapitan ang mommy niya saka niyakap ng mahigpit.

"Why mommy?" Tanong ni Kirk sa kanyang ina ng makalapit na ito ng tuluyan.

"Mommy's not feeling well anak. Rest lang ako ha?"anya sa anak habang napapatango-tango naman si Norelle sa kanyang ina.

Bumaba ito at patakbong tinungo ang kanyang daddy.

"Daddy!"sigaw niya habang nagtatatakbo. Papalapit na sana ito sa kanyang ama ng bigla siyang matisod at madapa dahilan upang pagtawanan ito ni Norelle at ng iba pa niyang mga pinsan.

"Kirk, diving on a grass."Norelle shouted. Pero sa halip na magalit si Kirk ay napahalakhak na rin ito. Parang wala lang nangyari. As if hindi siya nasaktan.

"Dahan-dahan anak."wika ng ama saka siya kinarga. "Where is your mom?"

"She's not feeling well daw po daddy."wika ni Kirk.

"Nagsuka po si mommy tapos natulog ulit."

Sa natinig ay napatulala si Clinton.

"Hindi kaya buntis si Rowena?"ang agad namang sinabi ni Brent.

"Kuya paano ba yan, hindi siya nadala dito sa harden. Eh di next plan na, to the hospital."anito sa kapatid.

"Ok ingatan mo lang siya, dahil kung tunay man na buntis siya baka kung ano mangyari sa anak ko."

"Oo na ako ang bahala. Pumunta ka na sa hospital and bring the maniquin."anito sa kapatid.

□ □ □ □

Nasa kalagitnaan ng tulog nito si Rowena ng biglang pumasok si Brent sa loob ng kanyang kuwarto. Gulat man ay wala na siyang ibang magagawa dahil nagising na rin naman siya.

"Ate Rowena."hiningal na wika ni Brent.

Nagtataka man ng una ay nagawa pa rin niya itong tanungin.

"May problema ka ba Brent?"mahinahon niyang wika sa kapatid ng lalaking mahal niya.

"Kasi... kasi..." pabulol na wika ni Brent. Iyon bang kaba na nakikita nito sa mukha ng binata na animo'y may masamang nangyari dito.

Sa oras na iyon din mismo ay nakaramdam ng takot si Rowena. Bigla siyang napatayo at napalapit sa binatang pawisan at kinakapos ng hininga. Iyon bang hindi mo maimagine ang pagiging seryoso ng mukha nito.

"A-anong nangyari Brent?"pabulol na naisatinig ni Rowena.

Siya namang pagpasok ni Kirk na basang-basa na ng luha. Umiiyak na akala mo ay inaway o sinaktan. Napadako ang mata ni Rowena sa kanyang anak na ngayon ay balong na ng luha.

"What is happening?"mahinahon at mahinang tanong ng dalaga sa kanyang mga kaharap.

Pero imbes na sagutin siya ng mga ito ay tanging iyak na lamang ang naisusukli ng mga ito.

"What is this all about Brent? Why is my son crying?"anya sa binata "Answer me!"napasigaw na si Rowena sa pagkakataon iyon. Masama ang kutob niya ng mga sandaling iyon. May hindi tamang nangyayari, alam niyang may hindi magandang nangyayari.

"Huwag ka sanang mabibigla ate Rowena but...but.."

"Sabihin mo na kasi. Ano ang nangyari?"anito kay Brent.

"Kuya was beaten up and he is under surgery. Sabi ng mga doctors na nagha-handle sa kanya ay baka hindi na daw niya kayanin."ang masamang balitang natanggap ni Rowena.

"Oh no!"bulalas naman ni Rowena. Hindi na rin nito napigilan ang hindi umiyak. Napatakip na ito sa kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay. Iyong luha nitong hindi na maampat dahil sa sakit na dulot ng kanyang mga naririnig.

"Thats not true. Where is he? Dalhin mo ako sa kanya."nasambit na lamang nito ng huli.

□ □ □ □

"Ano?!"

Magkapanabayang reaksiyong natanggap ng dalawang don. Si Don Romulo at Don Gustavo. Hindi makapaniwala ang dalawang mayanda dahil sa balitang kanilang natanggap.

"Where is my son?"ang agarang naitanong ni Don Romulo sa tumawag sa kaniya.

"He's in the hospital and under surgery. Dad. Fifty fifty na po si Kuya."ang dugtong naman ni Brent. Gustuhin man niyang matawa pero hindi niya pwedeng ibuko ang kanilang plano.

What matters most for him is his brothers happiness with the one that he loved and live for the rest of his life.

"Saang hospital siya Brent?"

"Makati Medical Center po dad."ang walang kagatol-gatol nitong sagot.

□ □ □ □

Nang maibaba na ang telepono.

"Hanep umarte Kirk ah. Ang galing napaniwala mo silang lahat na umiyak ka."

"Paanong hindi iiyak ng ganyang yang pamangkin mo. Itapat ba sa mata ang hiniwang sibuyas. Ayan, akala mo eh umiyak na."si Adeline habang tumatawa.

Si Kirk naman ay kahit nakangiti panay parin ang pagluluha. Sibuyas ba naman ilagay sa mata eh di iiyak talaga.

Itutuloy...

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon