CHAPTER 5
HAPON na nang makarating ang quadruplets kasama ni Brent sa orphanage. Papasok pa lang ang mga ito sa malaking tarangkahan ng ampunan ay sila na agad ang pinagtitinginan ng lahat. Bibo ang apat na bata at kahit sino ay makukuha agad ang kanilang atensiyon.
Nangunguna si Zhack Luiz na sinundan ni Curt Norelle, habang ang dalawang babae naman ay panay parin ang subo sa chocolates na kinuha nila sa loob ng laggage bag ng daddy nila. Hindi nagtagal at sinalubong sila ng mga madre kasama na rin ang mother superior ng ampunan.
"Brent hijo, kumusta ka na? Teka, sila na ba ang mga anak mo?"ang natutuwang tanong ng mother superior.
"Yes! And sorry mother, dapat mag-isa lang akong mamamalagi dito eh kaso ang mga makukulit na iyan ay ayaw magpaiwan."
"Naku, Brent. Ok lang na nandirito ang mga batang iyan ng sa ganun ay mag-enjoy naman ang mga 'yan."ang wika ng mother superior.
Iyon naman ang oras na pinakahinihintay ni Brent ang makausap ng sarilinan ang namamahala sa kabuoan ng ampunan. Alam niya mismo sa sarili niya na alam ng mother superior kung sino sa mga libu-libong kabataan ang anak ni Rowena sa kuya niya.
"Mother, alam ko pong wala akong karapatang kuwestyunin kayo but, I really need an answer came from you,"hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa. Nang mga sandaling iyon ay agad na niya itong kinausap. Hindi man sigurado kung magtatapat ang superiora pero bukas parin naman ang isip niya para tinatawag na pag-asa.
Nagpalingon-lingon ito sa kabuoan ng ampunan at iisa lang ang gusto niyang makita at malaman. Sa hindi sinasadya ay nadako naman ang tanaw nito sa maliit na kuwarto sa dulo ng ampunan.
Kung hindi siya nagkakamali diyan malamang natutulog ang dalaga.
Who knows na pwede palang pagtaguan ng isang taong nawawala ang isang malawak at malaking ampunan na pinagmamay-arian pa talaga ng kanyang kapatid.
Kung sa kapatid niya ay may sa hangin siya, sa kasintahan naman ng kapatid ay may sa stalker siyang pag-uugali.
Napabalik lang sa kanyang katinuan ang binata ng sa muling pagkakataon ay magsalita na naman ang mother superior.
"Ano iyon Brent?"nakangiti pa ring sagot nito sa binata.
"Pwede bang huwag tayong mag-usap dito mother?"baling nito sa kausap pero sa pagkakataong iyon ay seryoso na ang mukha nito.
□ □ □ □
"So what is it Brent?" Ang tanong ng mother superior nang makapasok na silang dalawa sa mismong opisina nito.
Sa una ay tinitigan nito ang kaharap, titig na nagtatanong ng kasagutan sa nais nitong malaman. Binuksan ni Brent ng huli ang bitbit nitong laptop bag at binuksan iyon sa harapan ng mother superior ng mismong orphanage.
Nagtataka man ay wala ng nagawa pa ang matanda kundi ang magpatianod na lamang sa kagustuhan ng binata. Bigla namang nanlaki ang mga mata ng mother superiora ng iharap ni Brent ang monitor sa kanya habang nakalantad sa kanyang harapan ang larawan ng dalawang babaeng magkaiba ang ayos pero magkapareho ang mukha.
"Isn't that woman beautiful right?"anya sabay tapon ng tingin sa kaharap nito.
"Who is she? I know that you know her a lot mother superior,"agad nitong tanong sa medyo may kaedaran ng babae. Gulat at pinaghalong kaba naman ang siyang naramdaman nito sa biglaang tanong ng binata sa kanya.
Paano ba naman na hindi ito kabahan, si Brent na mismo ang nagtatanong sa kanya ng personal. Ang binatang isang tingin lang sa mata ay makakakuha na agad ng impormasyon na gusto niyang malaman. Kaya ito tinaguriang hari ng ahensiya nila dahil sa galing nito sa pag-iimbestiga.