NO,NO YOU DON'T

2K 56 1
                                        

CHAPTER 7

PALAKADLAKAD,

Nakabantay sa orasan, pasilip-silip sa malaking tarangkahan ng ampunan. Ganyan ang nagagawa ng kaba na dulot ng kapatid niya sa kanya ngayon. Kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili ay hindi niya magawa dahil sa kakaisip sa maaaring kahinatnan ng lahat. Noon din ay pabagsak na inihiga ng binata ang kanyang pagal na katawan sa malambot nitong higaan habang tulog na tulog naman ang kanyang mga anak na noo'y nasa iisang kama lang. Napangiti siya habang tinitingnan ang mga ito.

Habang titig na titig naman ito sa apat na anak, doon pa lang niya napansin ang katabi ni Curt Norelle. Si Kirk John na mahimbing na ring natutulog katabi ng mga anak niya. Napapakunot noo ito habang nakatitig sa bata. May kung ano dito na hindi niya maintindihan.

"Bakit parang kamukha kita?"anya sabay lapit ng kanyang mata sa mukha ng batang tulog na tulog. "Hindi kaya anak kita at dinala ka lang ni Adeline dito para itago sa akin?"nakalabi pa niyang wika sabay tumawa.

"Grabe itong si kuya, dahil sa kaba ko kung anu-ano na ang naiisip ko,"wika pa niyang muli kasabay ang pagpilig nito ng kanyang ulo. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng takot sa kapatid. Maloko man ito pero kapag galit na ito ay mahirap naman siyang paliwanagan.

Alam niya mismo sa sarili niya na sobra ang galit na siyang nararamdaman ng kuya niya. Gustuhin man niyang alamin ang katotohanan gamit ang kanyang mga pinaplano'y pumalpak naman. Bigla siyang napatingin sa hallway kung saan malapit ang opisina ng Mother Superior ng ampunan. Dali-dali siyang lumabas upang puntahan ito at bigyan ng babala sa maaaring mangyari, ngayon pa na may alam na ang kapatid niya.

Naglakad na ang binata tungo sa opisina ng mother superior ng ampunan, hangga't maaari ay gusto niyang siya ang unang madatnan ng kapatid nito sa loob ngunit, hindi pa man siya nakakalapit sa opisina nito'y tatlong magkakasunod-sunod at parehong malakas na busina ng sasakyan ang narinig niya.

"Sinasabi ko na nga ba eh,"naibuladas niya nang huli.

□ □ □ □

Nasa harap na ng malaking tarangkahan si Clinton. Mugto ang mga mata at sabog ang buhok na lumabas ng kotseng dala nito. Pilitin man niyang pakalmahin ang sarili ngunit nananaig pa rin ang inis at hinanakit niya. Hindi siya makapaniwala, hindi niya maintindihan kung bakit iyon nagawa sa kanya ng babaeng minahal niya. Wala naman siyang makitang dahilan upang paglihiman siya nito, bukod pa roon ay wala naman siyang ibang ginawa kundi ang mahalin lang ito sa loob ng mahabang panahon na kahit lumayo man ito sa kanya ay hindi pa rin siya nagtanim ng sama ng loob dito.

Kung tutuusin, sampung taon na ang ginawa niyang pagsakripisyo para sa dalaga. Sa sampung taon na iyon ay mauuwi lang sa ganito, iyong pakiramdam na malalaman niyang pinagkaisahan siya ng lahat. Iyong pakiramdam niya na nagpapakahirap siyang maghanap sa isang taong nagtatago lang pala sa ampunan na siyang pagmamay-ari niya.

He become so desperate. Waiting for so long to touch and hug Rowena once again. And now that the day have come, his long awaited years is on his hands now. Pero sobra siyang nasasaktan dahil kahit ang mother superior nila ay pinaglihiman din siya. Nang hindi pa rin siya pinagbuksan ng gate ay hindi niya tinigilan ang busina ng kanyang kotse. He don't mind whatever it looks like.

Ilang sandali pa at tumambad sa kanya ang mga guwardiya ng ampunan na pupunga-pungasing humarap sa kanya.

"Where are they?" Walang emosyong tanong nito.

"Sir, tulog na po ang lahat,"

"Where are they?" Ulit nito.

"Sir Clint kanina pa po kasi tul..."

"Wala akong pakialam. I need all the staffs including the sisters and mother superior right in front of me now,"

Seryoso pa rin ang mukha ng binata ng sinabi niya iyon sa harap ng lalaki. Kahit sino naman siguro ay ganoon ang gagawin kung malalamang pinagkaisahan ka ng lahat. Lalo na ng mga taong inaakala mong hindi makagagawa ng ganyan sa iyo. He trusted too much and now, he's undergo in healing of his own hearts broken pieces?

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon