CHAPTER 24
ARAW ng sabado at panay ang ring ng telepono ni Rowena. Tinatamad man na damputin ang naturang phone ay pilit naman niya itong inabot. Nakapikit ang mga matang kinapa-kapa niya sa side table ang kanyang telephone saka ng mahagilap niya iyon ay patamad niya itong sinagot.
"It's four o'clock in the morning, why its too early for you to make a noise?"
"Grabe ka naman, hindi ka na ba pwedeng gisingin ng madaling araw?"
"Couz? Oh my gosh where are you?"anitong biglang nabuhayan.
"Outside your house."anitong hindi nagpaligoy-ligoy ng sagot.
"What?! Ok wait, huwag kang aalis diyan at pupuntahan kita."
Agad ngang bumangon si Rowena at nagsuot lamang ito ng robe upang puntahan ang kanyang pinsan na ngayon ay nasa labas ng mansiyon.
Pagkabukas pa lamang nito ng gate ay nakangising pinsan niya na agad ang siyang sumalubong sa kanya.
"Ikaw nga. Akala ko ba nasa states ka pa?"
"May namimis kasi ako eh,"ang sagot ng binata.
"Don't tell me, you're still inlove with Adeline. Come on couz, Adeline's already married to my fiance's brother."ang diretsahang sagot ni Rowena.
Sa halip na sagutin ang dalaga ay malakas na tawa ang siyang agad na pinakawalan ng binata dito.
"What's so funny then?"
"You! You are so funny Rowena. Who said that I came back for Adeline? Of course its not her. Alam kong naging inlove ako sa kanya, but.. have you remember the girl you met?"
"You mean... Daizy?"
"Exactly! I think I'm inlove with her."simula naman ng lalaki.
"Akala ko noon, hindi ko siya magugustuhan. But I was wrong, I left her after she said na may gusto siya sa akin. I turned around and walked into a distance without turning her back. Alam ko, during that day, Daizy's crying."malungkot na wika ng binata sa pinsan nito.
"Ano na ang balak mo sa kaibigan ko ngayon? Alam mo naman siguro na kapatid ni Adeline si Daizy diba? Although hindi sila totally magkadugo but Adeline treated her as her bloodline."
"Yeah I know that. I made mistakes and I want that mistakes to be right then. Would you mind if I ask you for a help?"anitong hinawakan pa ang kamay ng dalaga.
"Yeah, I can do that. But first, I wanna tell you something, me and dad are now in good terms."
"Woow! Really? Buti naman at nabagok ka na."anitong parang hindi na nagulat sa balita.
Paano namang hindi niya malalaman eh, nandoon kaya siya noong araw ng proposal ni Clinton sa pinsan niya. He knows everything at walang hindi niya malalaman lalo pa at katuwang niya ang dalawang Olivar sa naging plano. Siya lang naman ang naging sponsor ng maala-Clinton Olivar na Maniquin.
"Is that all? No shocking revelation? Even what?! Huh?! Really?! ganyan ka ba ka-inlove kay Daizy?"maktol ni Rowena.
"Eh paano naman ako magugulat kung nasaksihan ko naman lahat,"
Napaawang ang bibig ni Rowena ng mga sandaling iyon.
"Oh! Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo. Iisa lang ang isasagot ko."
"Grabe, pinsan ba talaga kita?"
"Eh sa gusto ko lang suportahan ang bestfriend ko eh. Siya nga pala bago ko makalimutan, bitbitin mo sa Golden Garden si Daizy mamayang tanghali gusto ko sanang double wedding kung maaari eh."nakangiting wika ng binata sa pinsan nito.