RESCUE

1.6K 36 1
                                    

Chapter 26

MUGTO ang mga mata ni Rowena ng mga sandaling iyon. Ang pakiramdam niya ay ibinabaon siya ng buhay dahil sa rebelasyong kanyang narinig.

Ang buong akala niya ay ok na ang lahat, na buo na ang kanyang pamilya pero hindi eh, nagkakamali siya. Mahigit ilang taon ding itinago sa kanya ang katotohanan na may kapatid pa pala si Kirk. Iisa lang ang siyang gumugulo sa kanyang isipan ng mga oras na iyon. At iyon ay kilalanin kung sino ang kanyang anak.

Napatayo siya at napalapit sa mother superior ng ampunan at doon ay walang alinlangang hinarap ang matanda.

"Bakit ako? Mother bakit ako?"palahaw ni Rowena.

Ngunit, wala ni ano mang salita ang siyang namutawi sa labi ng matanda. She wanted to tell Rowena the real story but she was afraid to start it.

"I'm really sorry. Masiyado lang akong naguluhan noon."sagot nito sa kanya.

"Naguluhan? Yan lang ba ang isasagot mo sa akin? All this time ay itinago mo ang anak ko na parang wala lang sa iyo? Bakit mo ba iyon ginawa ha?"napasigaw na ang dalaga.

Sa pagkakataong iyon ay napalapit na rin si Clinton sa kanilang dalawa at sinimulang awatin ang kanyang fiance. Namumula na rin ang mga mata nito at kahit aminin niya man sa hindi alam niyang nahihirapan na rin siyang itago at pigilan ang kanyang nararamdaman.

"Tama na!" Pigil ni Clinton.

Isa-isang napatingin ang mga ito sa binata kalakip ang dalawang mga bata na sina Norelle at Kirk John. Parehong nakatayo ang mga ito sa bungad ng pintuan habang panay ang tingin sa mga magulang nilang nagkakasagutan.

"Tama na?! Huh, ganun na lang ba yun Clint? Anak natin ang itinago niya sa atin tapos ganyan lang ang sasabihin mo?" ang hindi mapigilang hindi maisatinig ng galit na galit nang si Rowena.

"Hindi ko kailangan ang ipakita sa iyo na masaya ako. Hindi ko rin kailangang ipakita sa iyo na nalulungkot ako. Tulad mo ay disappointed na rin ako Rowena. Kung ano man ang nakikita mo ngayon sa reaksiyon ko, huwag mong bigyan ng kahulugan dahil hangga't nakakapagtimpi pa ako, gusto kong ayusin ito sa mahinahong paraan."

"Stupid! That's bullsh*t Clint. Ang gusto ko lang naman malaman ay kung sino ang anak ko na itinago niya sa atin ng matagal na panahon. Now tell me, masisisi mo ba ako kung ganito ang iniisip ko sa kanya?"wika nito sabay harap na nang muli sa matanda.

Iyon bang tipo ng tingin na siyang nagpapahirap sa pakiramdam ng mother superior nila. Iyong uri ng tingin na minsan lang niya napapakawalan at iyon ay kapag galit na ito.

Sa hindi malaman na dahilan ay napalapit ito sa mother superior at biglang nagmamakaawa habang nakaluhod pa mismo sa harap nito. Bagay na siyang ikinabigla ng lahat lalo na ng binata.

"Rowena..." ang natatangi namang bigkas ng matanda sa kaharap nitong dalaga na ngayon ay nakaluhod pa rin sa kanyang harapan.

"Nakikiusap ako mother.. sabihin mo sa amin kung saan at sino ang anak ko. Sabihin mo sa akin kung saan mo dinala ang anak ko. Sino ang kapatid ni Kirk? Nasaan ang anak ko!"ang naging palahaw na lamang ni Rowena.

Ngunit sa halip na magsalita ang mother superior ay tiningnan pa nito ang batang si Kirk.

"Wala siya dito Rowena. Ipinaampon ko na siya."

"Pina...pinaampon? Ang anak ko pinaampon mo?"balong ng luha ang mukha ng dalaga habang nakatanaw sa matandang hindi magawa ang tingnan siya.

"Huwag mong sabihing si..."

"Oo Clinton. Si Jan Joseph ang anak ninyo ni Rowena. Ang batang madalas na kalaro ni Kirk at madalas mong sinasalubungan sa tuwing umuuwi ka galing Canada."

Pagkarinig ng binata sa sinabi ng mother superior, saka pa lamang nito napakawalan ang kanyang luha. Iyong galit nitong nag-uumapaw na pilit niyang pinipigilan ay kusa nang lumabas.

"Mapapatay kita!"ang galit na sigaw ni Clinton ng maalala nito ang batang pinaampon nang hindi man lang ipinaalam sa kanya.

"Patawad Clinton. Hindi ko naman nais na.."

"Huwag mong sasabihin iyan. Dahil kahit ni minsan ay hindi ko inisip na ipaampon ang anak ko o kahit na sino man sa mga batang nasa ampunan. Pinatawad kita mother, pero ang ipamigay ang anak ko ay hindi ko na kayang tanggapin. Starting today mother superior, ikaw ay tinatanggalan ko na ng karapatang tumuntong sa ampunan. Umalis ka na,"

"Clinton pakinggan mo muna ako."

"ALIS!"sigaw nito sabay turo sa maluwang na pintuan ng mansiyon.

***

HINDI pa man natatapos ang buong araw ng magsidatingan naman ang mga kaibigan ni Clinton sa FBI. Tinawagan niya ang mga ito upang mas mapadali pa lalo ang paghahanap sa mga umampon kay Joseph. Bago tuluyang magsalita ang binata'y tumikhim muna ito upang kalmahin ang sarili at makapagsalita ng diretso.

"Tinawagan ko kayong lahat dahil sa iisang dahilan."simula ng binata. "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, pero isa lang ang naisip ko. I need you men. I need your full cooperation and help to find someone."anito sa kanyang mga tauhan na pilit ang huwag mapanghinaan ng loob. Sa iisipin pa lang niya na napagkaitan ng karangyaan ang isa sa kanyang anak ay tila pinagpira-piraso na ang kanyang puso.

Noon pa man ay hindi na niya inisip kung anak ba niya si Joseph o hindi, ang alam lang niya ay malapit ang loob niya sa bata na kahit hindi man ito nakakapagsalita ay okay lang parin sa kanya. He wants to give his fullfiling love to the one he loved. At ngayong alam niya na kung bakit ganoon na lamang siya ka-intimate sa bata ay saka pa ito nawala.

"Bro, ano man ang problema mo, nakahanda kaming tumulong sa iyo."ang agarang sagot ng isa sa kanyang kaibigan.

"You've never fail to give us help before Clinton. And now that we had this opportunity to give you back the honor of fulfilling your needs. We'll be willing to follow orders from the one who made us fully well."sigunda naman ng isa pa.

"Maaasahan niyo rin ako diyan bro. Kung hindi dahil sa iyo noon, hindi makukulong ang kapatid ko. Malamang hanggang ngayon, kalbaryo pa rin ang inaabot ko sa kanya."

Sa mga narinig ay agad na nabuhayan ng loob ang binata. Hindi niya inakala na ganito ang gagawin ng kanyang mga kaibigan para sa kanya.

"Hindi ako lumalapit sa inyong lahat dahil lang sa mga nagawa ko sa inyo noon. Ang akin lang gusto ko lang maibalik ang anak kong si Joseph sa pangangalaga ko."malungkot na wika ni Clinton.

"Anak mo si John Joseph? Ang deaf na batang madalas mong isama sa opisina?"hindi maiwasang tanong ni Keven.

"Yeah, you heard the right thing. John Joseph is my son. He came to my flesh and he is my blood line. The DNA flows to his veins was came to mine."he said.

"Many things had happened this past few weeks ago. I was thought that everything sets to be fine well but I was wrong, kaya pala hindi ako napapalagay sa tuwing hindi ko siya nakikitang masaya. Kaya pala sa tuwing nagkakasakit siya noon pakiramdam ko ay may pagkukulang ako. Iyon pala, ako ang ama ng batang itinuring ko nang anak ko't dugot laman ko. Wala man lang akong nagawa para sa kanya."tuluyan na ngang bumadha ang luha sa mga mata ng binata. Luha na punong-puno ng pag-aalala at pagmamalasakit.

ITUTULOY

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon