SHOCKED

1.8K 54 1
                                    

CHAPTER 13

HINDI makapaniwala si Don Romulo ng makatanggap ito ng tawag mula sa kanyang mga anak na nagsasabing naibalik na ng ligtas ang dalawang bata sa ampunan.

Ang buong akala nito ay hindi na nito muling masisilayan pa si Norelle at Kirk. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Gustavo sa kanya.

"60 percent of the Olivars shares kapalit ang buhay ng isang bata."

Sino ba naman ang hindi matatakot sa sinabi nito sa kanya. Isang bata lang ang pwedeng maililigtas kapalit ng kanilang shares sa kumpanya, samantalang ang isa ang hindi nito masisigurado ang kaligtasan.

Tatlong oras na ang makalipas buhat ng magkausap ang mag-ama sa telepono'y hindi makahuma ang don dahil sa balitang kanyang natanggap. Iniisip niya tuloy kung ano ang naging dahilan kung bakit bigla na lamang nagbago ang isip ni Gustavo.

"Ano'ng binabalak mo Gustavo? May masama ka na naman bang binabalak?"sa isip nito. Wala talaga siyang ideya tungkol sa kanyang naiisip. Ang alam lang niya ay maaaring may binabalak na naman itong masama sa pamilya nila. Kung hindi nito kinuha ang mga hiningi niya sa kanya, marahil ay may dahilan sa likod nito.

Nasa ganoon siyang alalahanin ng biglang sumagi sa isipan nito ang kanyang kumpadre na si Gregory Acosta.

Kinuha nito ang mini notebook nito na may mga contact numbers at agad na idinial ang numero ng kumpadre nito. Ilang saglit lang at biglang nagring ang telepono. Sa hindi katagalan ay may sumagot sa linya at iyon na nga ang sadya niya. Tumikhim muna ito ng makailang ulit bago magsimulang magsalita.

"Hello Gregory."simula niya sa kanyang kumpadre.

"Oh, kumpadre bakit napatawag ka?" Tanong niya.

"Mero'n lang akong hihilingin sa iyo. Sana pagbogyan mo ako dito."

"Kailan ba ako humindi kumpadre? Basta ba't may maitutulong lang ako ay walang problema sa akin."anya sa kausap.

"Puwede mo bang i-merge ang kumpanya ni Gustavo sa iyo? Alam kung kilala mo ito at alam ko namang hindi lingid sa iyo ang alitan naming pareho."simula nito.

"Ha?! Teka, hindi ba siya iyong kumidnap sa dalawa mong apo? Kumpadre, seryoso ka ba sa sinasabi mong merging? Alam mo na, baka gamitin lang niya tayo."

"Alam ko iyon Gregory. At alam ko naman na hindi lingid sa iyong kaalaman ang alitan sa pagitan naming dalawa kahit noon pa man. Pero may dahilan ako bakit ko ito hinihingi sa iyo. Sana lang ay magawa mo akong tulungan."ang wika pa nito.

"Sige, ngayon din mismo ay magpapadala ako ng tauhan ko doon upang ialok sa kanya ang pagsasanib ng kumpanya natin."

"Sandali, sana ay hindi mo na babanggitin pa sa kanya ang pangalang Olivar." Habol nito sa kausap.

"Makakaasa ka."

Matapos makipag-usap ay agad na ibinaba ni Don Romulo ang kanyang telepono. Nag-aalala man siya sa maaaring kalalabasan ng plano niya ay ipinapasa-Diyos na lamang niya. Simple lang naman ang gusto niya, at iyon ay matulungan ang dating matalik nitong kaibigan na siyang binago dahil lang sa kabiguan.

Napatingin siyang muli sa papeles na kanyang hawak. The rate sales of the Almeron's company is dead to be called. Wala nang buhay, wala ng liwanag pa. Alam niyang imposible, pero alam niyang matutulungan pa rin nito ang kaibigan na maiahon sa kalugmukan ang kanyang pinaghirapan.

"Even though you have forgotten me as your best of friends, I won't forget that sometimes, you and me have become friends." Naisatinig pa nito sa muling pagkakataon.

□ □ □ □

"KIRK, hindi ka pa kumakain, may masakit ba sa iyo?" Di napigilan ni Rowena ang sariling itanong sa bata kung bakit nawala ang gana nito sa pagkain.

Nasa hapag kainan na kasi ang mga paborito nitong ulam at pagkain pero hindi man lang nito iyon nagawang galawin.

Umiling naman si Kirk bilang kasagutan sa kanyang naging kayanungan. Naisip niyang bigla. Baka may masamang nararamdaman ang anak kung kaya't ayaw nitong kumain.

"Gusto mo ba ipagluto kita ng iba pang pagkain?" Tanong nitong muli sa anak.

"Ayaw,"anito sabay yuko ng ulo habang sambakol naman ang mukha.

"Kung gano'n ano ang gusto mo?"tanong nitong muli kay Kirk John.

Habang si Brent naman ay natatahimik lang ng makita ang anak nitong si Curt Norelle na ngayon ay hindi kumikilos upang pumunta sa kanilang hapag kainan.

Nilapitan niya ang anak niya para lang mainis dahil sa kanyang nakikita.

"I've told you to come at the table, why aren't you moving?"sigaw ni Brent. Buong buhay niya ay hindi nito nagawang sigawan ang anak. Pero ngayon, matapos ang abduction na nangyari sa kanyang anak at pamangkin ay marami na ang nagbago.

"I don't like,"mahinang wika ni Norelle sa ama na animo'y hindi nakikita ang galit na galit na nitong ama.

"Eat or else I will punish you,"anito sa kanyang anak na unti-unting naiiyak.

"I want grandpa daddy, please daddy, I want grandpa."ang wika ni Norelle. Sa pagkakkataing iyon ay naluluha na ang bata habang hinihiling nito ang makita sa muling pagkakataon ang kanyang grandpa.

"No! You are not in line of his blood. He is not ypur grandfather Norelle."

"But he said that, he loves me the way I do."mahinang bigkas ni Norelle sa ama.

"Nakita mo na ang ginawa ng iyong ama sa anak ko Rowena? Nilason niya na ang utak ng mga anak natin. Nilason niya ang utak ng dalawang bata, kahit kailan talaga ay wala na siyang ibang ginawang matino."

"You don't exactly know what the truth really is. Kaya huwag mong sasabihin sa akin 'yan Brent. Yes! Dad made mistakes, You! Even make mistakes. Pero hindi sapat iyon para sabihin mong may kasalanan si dad sa mga bata. Why don't you ask your childs experienced in there,"

"Asking Norelle would not be my pleasure. Para sa ano? Para sa sagot na gusto mong marinig? Mga bata lang sila at wala pang alam sa kung ano ang tama sa mali Rowena. Parang ikaw lang, ang itago sa lahat ang anak mo ay malaking kabaliwan!"

Sigaw ni Brent.

"ENOUGH!"siya namang sita ni Clinton sa kapatida at nobya. Alam niyang mali ang kampihan ang sino man sa dalawa pero iisa lang ang nakikita niyang dahilan. Maaaring kabaliktaran ng mga iniisip nila ang siyang ipinakita ng don sa mga anak nila kung kaya't nagkakaganito iyon.

"Kirk, Norelle. I would let visit your grandpa in just 2 hours in one condition."simula niya sa dalawang batang namumugto na ang mata dahil sa pag-iyak.

Biglang umaliwalas ang mukha ng dalawang bata kasabay ng pagkaguhit ng ngiti sa bawag labi ng mga ito.

"Kuya?!"angil naman ni Brent.

"Trust me,"

□ □ □ □

Araw ng linggo at nagtungo sa simbahan ang don. Gulat ang lahat ng makita siya ng mga ito na pumasok sa muling pagkakataon sa loob ng simbahan. Kung tutuusin ay mahabang panahon na ang nakararaan buhat ng hindi na ito muli pang nagtungo sa simbahan.

Nang matapos ang misa'y agad na rin itong umuwi sa mansiyon ng mga Almeron. Nasa bungad pa lamang ito ng kanilang gate ng biglang may humarang sa kanyang sasakyan at nakitang niyang may bumababa at lumabas mula sa loob ng kotse na isang lalaki.

It was Clinton. He immediately came closer to him and said,

"They loved you, so that I bring them to you."anito sabay lapit na namang muli sa sariling sasakyan at pinagbuksan ang dalawang bisita ni Don Gustavo.

Shocked. Syempre, galing kaya sa mga Olivar ang bisita niya.

Lumuluha?

Oo, dahil siya ay nagagalak sa tuwa habang pinagmamasdan ang mga bisita niyang unti-unti ng nakakalapit sa kanyang sasakyan.

Itutuloy...

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon