CHAPTER 10
ALALANG-ALALA na ang mga tao sa orphanage ng araw na iyon. Lalo na si Clinton,Rowena at Brent. Ang buong akala nila ay naglalaro lang ang dalawang bata sa may playground kung kaya't parehong kampante ang mga ito habang inaayos ang lahat ng kanilang mga gamit.
Palakad-lakad, hindi mapalagay, panay ang buntong hininga ng tatlo habang naghihintay ng mga balita tungkol sa pagkawala ng kanilang mga anak.
"Anong klaseng guards ba kasi yang nakuha niyo kuya? Kapag may masamang nangyari sa anak ko, hinding-hindi ko palalampasin ito, ngayon pa lang paghanapin mo na ng bagong trabaho ang mga nagbabantay sa ampunang ito."hindi na makapagpigil si Brent. Iba ang kutob niya eh, pakiramdam niya ay may kung sinong kumuha sa mga anak nila.
"Holy shit! Hindi ko kayang tumunganga at umupo lang dito habang ang mga bata ay nawawala."angil na naman nitong muli.
"Huminahon ka muna puwede? Walang mangyayari kung puro ka nalang ngawa diyan. Sa tingin mo ba ay matutulungan natin ang isa't isa kung ikaw mismo ang nauunang ngumangawa?"ang saway naman ni Clinton sa kapatid.
"How can I do that?! Huminahon ba kamo? Come on kuya, pamangkin ko at pamangkin mo ang nawawala, sige nga paano ako hihinahon? Paano kung may masamang nangyari sa anak ko? Paano kung nakidnap na pala sila ng hindi natin nalalaman?"balik nito sa kapatid niya.
"Damn it Brent, aren't you gonna stop murmuring? Kung nag-aalala ka sa anak mong si Norelle, ganoon din ako sa anak ko at pamangkin ko, naiintindihan mo?"balik sigaw naman ng kapatid nito sabay pabagsak na naupo sa malambot na sofa.
"Anong sinabi mo? Anak ni Brent si Norelle?"biglang naitanong naman ni Rowena.
"Kung gano'n ikaw ang ama ni Norelle at hindi si Clinton?"pero sa halip na sagutin siya ng mga ito ay naipikit na lamang nila ang kanilang mga mata.
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko."ang wika naman ni Brent.
Sa pagkakataong iyon ay taimtim naman na nagdarasal si Rowena na sana ay okay lang ang kanyang anak. Kung kailan okay na ang lahat at nalaman na ni Clinton ang buong katotohanan, doon pa sila nagkaroon ng malakihang problema. Kung alam niya lang na aabot sa ganito sana ay pumayag na lang ito na kuhanin ng binata ang kanyang anak.
"Isa lang ang iniisip ko na siyang may pakana nito,"ang biglang naisatinig naman ni Clinton habang nakatingin ito sa dalagang halos hindi na magawang tumingin sa kanya.
"No! Walang alam si dad na may anak ako. He don't even know that I was here,"ang sagot naman ni Rowena.
"Pwede bang huwag kang pakampanti, hindi mo ba alam na nandito ang mga tauhan ng iyong ama kamakailan lang. Tsk, nga naman, kailan ka ba naging aware sa lahat ng mga nangyayari, ni hindi mo nga alam na palabas ko lang ang lahat para paniwalain kang may asawa na ang kapatid ko diba?"
"Brent!"saway ni Clint.
"Tsk! Your woman doens't even know what her fathers plan to her son. I will do everything that I may do to find my son. I promise you that,"wika pa nito sa huling sandali bago tuluyang naglakad papalayo sa dalawa.
Naibagsak naman ni Clint ang mga hawak nitong folders dala ng kanyang inis sa sarili maging sa mga nangyayari. Nakatukod sa mesa ang pareho nitong mga kamay habang nakayuko ang kanyang ulo. Nag-iisip siya ng kanyang maaaring gawin, hangga't maaari ay ayaw niyang magpadalos-dalos ng disisyon ag baka mapahamak lang ang kanyang anak at pamangkin. Ilang sandali pa at biglang nagsalita si Rowena.
Nakatayo na ito sa dulo kung saan malapit sa binata habang nakatanaw sa magagandang bulaklak sa harden.
"Kung si dad nga ang kumuha sa mga bata, isa lang ang alam kong paraan para maibalik sila ng ligtas dito sa ampunan."ang walang pag-aalinlangan namang wika ng dalaga na siyang nagpaangat sa ulo ng bintang kanina lang ay nakayuko sa harap ng mesa habang nakatukod ang kanyang mga kamay.
