AALAMIN KO KUNG SINO ANG ANAK MO

2.5K 67 1
                                        

CHAPTER 3

UMAGA pa lang ay inayos na ni Clinton ang kanyang mga kagamitan pabalik ng kanilang mansiyon. Ito ang araw na uuwi siya sa kanila upang surpresahin ang pamilya. Hindi kasi nito ipinaalam sa mga ito na nakabalik na siya galing Canada at dumeretso lang sa ampunan na siyang ipinatayo niya mismo.

Nang matapos sa kanyang pagliligpit ay tamang tama namang lumabas siya at nagtungo sa kung saan playground na para sa mga batang nasa ampunan. Habang nawiwili ang kanyang mga mata sa pagtingin-tingin sa kung saang parti ng ampunan ay hindi niya naman maiwasan ang hindi mapangiti. Ilang taon din niyang pinag-ipunan ang lahat at ginugol ang oras sa pagpapatayo ng kahit isang maliit lang na bahay ampunan para sa mga batang nangangailangan.

Ang dami na ring nabago buhat ng siya ay umalis at nagtungong Canada. Ang playground na noon ay hanggang sa sampung mga kabataan lang ang kaya ngayon ay hanggang singkwenta ka kabataan na ang pwede. Nagtuloy-tuloy ang binata sa isang sulok ng ampunan at nang tuluyang makalapit sa isang pintuan, katabi noon ay glass window, biglan siyang pinangunutan ng noo dala ng kanyang nakita.

Si Geraldine ang babaeng pretty Lady na tinutukoy ni Kirk John. Lalapitan niya na sana iyon pero sa muling pagkakataon ay tinawag na siya ng Mother Superior.

"Clinton, pwede ka bang makausap hijo?"anang Mother Superior.

Agad namang tumango ang binata pero bago ito sumunod sa babae ay nilingon nitong muli ang dalagang kanyang nakita.

□ □ □ □

"Clinton, ilang taon ka na bang naghahanap kay Rowena?"

Tanong ng Mother Superior sa binata ng maupo na ito sa harap niya.

"Five years is the exact word for the answer,"anyang kababakasan ng lungkot ang mukha.

"Hindi ka ba napapatanong kung nagkaanak ba kayong dalawa?"

Sa narinig ay napaupo ng ayos ang binata. Natahimik ito saka muling naalala ang nangyari sa kanila ni Rowena bago pa man siya nito iwanan.

Posible nga ba kayang nagbunga ang isang beses lang nilang pagsasanib na dalawa? Paano nga kaya kung mero'n silang anak? Saan naman kaya niya iyon hahanapin?

Ang mga katanungang siyang pilit na hinahanapan nito ng kasagutan.

Dala ng kanyang iniisip ay di nito namalayan ang naging katanungan ng mother superior.

"Clinton?"

"Po mother? May sinasabi po ba kayo?"anya.

"Mukhang nagulo ko ata ang isipan mo hijo. Pero, paano kung nasa malapitan lang ang babaeng hinahanap mo ng matagal? Kaya mo kaya siyang pakinggan o intindihin man lang kung bakit niya nagawang pagtaguan ka?"

"Hindi ko po alam mother, pero kung ano man ang dahilan niya sa paglayo niya sa akin, iyon ang gusto kong alamin at malaman. Pinagmukha niya akong tanga, pero kahit gano'n pa man ang nangyari, hindi ko siya nagawang kalimutan na katulad ng ginawa niyang paglimot na lamang ng basta sa matagal ko ng pinag-ingatang relasyon naming dalawa." May halong panlulumo sa boses ng binata habang sinasabi niya iyon.

Lingid sa kanyang kaalaman ay kanina pa pala sila naririnig ni Geraldine. Lihim itong umiiyak habang naririnig ang mga sinasabi ng lalaking magpahanggang sa natapos ang limang taon ay siya paring nag-iisa at natatanging lalaking minahal niya.

"Paano kung magkikita kayong muli Clinton?"

Sa katanungang iyon ng mother superior sa binata pakiwari ni Geraldine sa kanyang sarili'y tila isang upos na kandila. Iisang kasagutan lang ang gusto niyang marinig buhat sa lalaki ngunit, hindi niya kayang marinig dahil sa ito ay guilty sa kanyang nagawa.

CLINTON Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon