CHAPTER 8
ILANG minuto ding nagtagal na wala ni isa man lang sa kanilang dalawa ang nagsasalita. Parehong tikom ang mga bibig at pareho ding walang mahapuhap na salita. Sa pagkakataong iyon ay alam ni Rowena na galit pa rin ang binata. Hindi man ito ang tipo ng lalaki na nagwawala pero tiyak namang mararamdaman ng kahit na sino ang galit nito.
Una nang bumawi sa katahimikan ang binata at nilapitan siya nito. Tila hangin na lamang siyang binabaliwala at nilalampasan ng binata. Pakiwari nito ay wala na siyang halaga para dito. Nilalampasan na animo'y hindi siya nito nakikita.
Naisip niya, bakit gano'n? Kung saan magkaharap na silang dalawa ay nawala naman ang dating atensiyon na ipinupukol sa kanya ng kasintahan. Nawala ang dating pananabik nito sa kanya, dahilan ba ito ng pagkakamaling naidulot niya sa mahabang panahon?
Hindi na alintana ni Rowena ang biglang paglandasan ng kanyang luha. Luha ng pasakit na siyang idinudulot ng tuwirang pambabaliwala ng lalaki sa kanya. Hahawakan niya na sana ito sa balikat nang tumalikod sa kanya ang binata pero hindi na niya naituloy pa. Ang totoo, nasasaktan siya sa kanyang nakikita. Hindi niya alam kung papaano niya ipapaliwanag sa binata ang dahilan nito. Mahal niya si Clinton noon at ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman nito para sa dito.
Nagulat na lang siya ng bigla itong humarap sa kanya. Nagkatitigan silang pareho at aminin man niya sa hindi nananabik siyang mahalikan at mahagkan sa muling pagkakataon ang kasintahan, pero ang tanong papaano kung parang hangin na lamang siya kung ituring nito.
Seryoso ang mukha ng binata, walang emosyon at ng sa muli itong magsalita ay ramdam nito ang bawat katagang binibitawan nito sa kanya.
"I want my child Rowena, gusto kong makita at makilala ang anak ko. Pakiusap, sabihin mo sa akin kung saan mo siya itinatago."nagsusumamo ang boses na wika nito sa kanya habang matamang nakatitig sa mga mata niya.
"Kung wala ka nang nararamdaman pa para sa akin, kahit ang anak ko na lang ay huwag mo nang ipagkait pa na makilala ako. Alam kong nagbunga ang kapusukan nating pareho Rowena, alam kong nagkaanak ako sa iyo."
Mas lalong napaluha ang dalaga. Paano na ang anak nito sa asawa niya kung sasabihin nito dito na may anak din sila. Bata pa si Curt Norelle, at alam niyang hindi tama ang manghimasok sa isang pamilyang nabuo na habang wala siya sa piling ng binata. Ayaw niyang magkaroon ng kaagaw ang anak nito sa asawa niya. Hanggat kaya niyang itago dito ang tungkol kay Kirk John ay gagawin niya huwag lang siyang makakasira ng ibang pamilya na siyang nagsisimula pa lang mula sa simula.
Napayuko si Rowena. Pilit iniiwas ang sariling mga mata mula sa taimtim na pagkakatitig sa kanya ng binata. Hanggat maaari ay hindi na nito dapat pang malaman ang totoo.
"Wala kang makukuha sa akin Clint, isa pa ayaw kong magkaroon ng kaagaw sa iyong atensiyon ang anak mo. Bata pa si Curt Norelle at alam kong masaya siya dahil ikaw ang ama niya, kaya dapat lang na huwag mo nang alamin ang tungkol sa anak ko. Dahil ayaw ko siyang kilalanin ng ibang tao habang lumalaki at taguriang bastardo."
Mahabang paliwanag ni Rowena.Napakunot noo naman ang binata dahil sa kanyang narinig. Kung siguro radio lang ang kaharap kanina pa niya iyon ni-rewind ng ni-rewind para naman marinig niya ng malinaw.
Pero, hindi naman siguro napuno ng copra ang tenga niya diba? Ang sabi'y anak daw nitong si Curt Norelle? Ayaw daw nitong makasira ng pamilya? At ayaw niyang magkaroon ng kaagaw ang anak niya sa kanyang asawa sa atensiyon niya? Napakunot noo lalo ang binata, naisip niyang bigla, nagkaanak ba siya dito sa pinas habang wala siya? Asawa daw? Kung gano'n ikinasal siya ng hindi niya nalalaman? How it comes to happened?
"Sinong may sabi sa iyo na may anak na ako at asawa?"tanong nito.
"Brent told me the truth. And yes, I had delivered our child safe and handsome. He's a boy. Pero kalimutan mo na siya,"sagot pa ni Rowena.