I TRUST YOU BRENT

1.7K 43 1
                                        


CHAPTER 28

"SO this is what the place that Norelle have told us earlier."wika ni Max. Sabay gala ng kanyang mga mata sa paligid bago tuluyang pumasok sa loob ng malaking mansiyon ng mga Almeron.

"Wala namang ibang kalapit na gusali ang bahay na ito ni Don Gustavo eh, ito lang."sigunda naman ni Keven. At katulad ng ginawa ni Max, naging malikot din ang kanyang mga mata.

Hindi pa man sila tuluyang nakapasok sa loob ay isang boses na agad ang kanilang narinig.

"That building was owned by the late president of Herdavel Shipping Company."singit ni Don Gustavo sa usapan ng dalawa.

"Si Faustino Herdavel, siya ang pinakamayamang negosyante noong araw. Kinasasakupan niya ang nakapalibot na mga lupaing inyong nakikita. Mayroon siyang nag-iisang anak, si Vince Herdavel. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang nagmana ng mga ari-arian ng kanyang yumaong ama."patuloy pa nito.

"We owned the company now Don Gustavo. Bininta iyon sa amin ni Don Faustino noong siya'y nabubuhay pa. Ang hindi ko lang maintindihan, paanong nagkaroon ng maraming bata ang lumang gusali na iyan na katulad ng sinasabi ni Norelle?"ang hindi maiwasang wika ni Clinton.

May kung ano sa kanyang isipan ang sa ngayo'y gumugulo na naman sa kanya. Hindi siya iyong tipong agad-agad na sumusugod ng walang tamang impormasyon na pinanghahawakan. Kaya bago pa man sila pumunta sa mansiyon ni Don Gustavo ay pinatiktikan na muna niya ito.

Maya't maya pa ay may natanggap itong tawag sa kung sino. Agad siyang tumungo sa labas upang makausap ng maayos ang nasa kabilang linya. Nang marinig nito ang ibinalita ng nasa kabilang linya'y agad itong napamulagat ng mata.

"Kung ganoon ay tama nga ang mga sinabi ni Norelle."sa isipan niya.

"Nasaan ka ngayon?"tanong nito sa kanyang tauhan.

"Pinapapunta ako ni Brent sa may Roxas. Mukhang may sinusundan ang bunso mong kapatid sir Clint."sagot pa nito.

"Okay. Pero, sigurado ka ba na nandoon pa rin ang lahat ng mga batang sinasabi ni Norelle?"muli ay tanong nito.

"Hindi ako maaring magkamali sir Clinton. Sigurado po ako dahil ako mismo ang nakapasok sa loob at nakita ko kung papaanong pinanlilimos ang mga batang nasa lima hanggang walong taong gulang. Sir Clinton, handa ko pong isugal ang buhay ko alang-alang sa ipinaglalaban mo at hinahanap mo."wika pa nito sa kaibigan.

"Cloyd, alam ko kung papaano kang kumilos. Pero hindi ko naman gugustuhing mapahamak ka dahil lang sa trabahong ibinigay ko sa iyo."hindi maitatanggi ng binata ang hindi mag-alala sa matalik na kaibigan.

"Sir Clinton. Trabaho ko po ang malagay sa alangang lugar na tulad ngayon. I am not gonna disappoint you. This is the right time to give it back to you what you deserve to have. At kung ang anak mo ang pinakamagandang pangyayari sa iyong buhay, iyon ang pagsisikapan kong ibalik sa iyo."sagot pa nito sa binata.

"Salamat Cloyd. Sige na, mag-iingat ka diyan. Balitaan mo nalang ako kapag nagkita na kayo ni Brent."

"Makakaasa po kayo. Tatawagan ko po agad kayo kapag nakarating na po ako ng Roxas."assurance nito sa binatang kausap.

Matapos putulin ang usapan ay agad na bumalik si Clinton sa kanyang mga kasamahang FBI kung saan pinag-uusapan na ng mga ito kung sa papaanong paraan sila lulusob.

Nang makalapit ito sa mga kasamahan ay saka pa lamang ito nagsalita.

"Positive, nasa loob nga ng gusaling iyan ang mga batang tinutukoy ni Norelle. Iyon nga lang..."putol niya sa kanyang sinasabi habang napapapikit at napapayuko ang ulo. "Hindi nasiguro ni Cloyd na nandoon nga si John Joseph."biglang nalukot ang maamong mukha ng binata ng pangamba.

CLINTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon