PROLOGUE

139K 2.8K 101
                                    

Uploaded September 25, 2016

A/N:  Inspired by the movie MAGIC MIKE starring Channing Tatum.

Dedicated to the very first liker.

Today, October 2, 2016 MM reached 1K reads! Salamat po!

Today, July 17, 2017 MM reached 200K reads! Salamat po!

Today, September 6, 2017 MM reached 300K reads! Salamat po!

Today November 2, 2017 MM reached 400K reads! Salamat po!

**********

Nabingi ako sa loob. Hindi na magkamayaw sa kasisigaw ang mga babae't bading. Wala na halos umuupo sa kani-kanilang mesa. Nakatayo na ang lahat.

"C'mon, Ella! Dali!" excited na sigaw ni Grace sabay hila sa akin papunta sa crowd. Nakipagsiksikan kami sa mga naghihiyawang audience. Nang tumambad sa paningin ko ang subject of their attention, muntik na akong himatayin sa hiya. Timing na timing kasi nang bigla na lang punitin ng stripper ang kanyang overall. Natira ang kakarampot na telang tumatakip sa kanyang harapan. Naging wild na ang mga manonood. Nagliparan ang mga isang libong papel sa entablado. Pa-slide na lumuhod ang lalaki papunta sa pinaka-dulo ng stage at may hinablot ito sa crowd. Isang matrona na tila hayok na hayok sa lalaki. Pinahiga nito ang babae sa stage at tinapat ang ano niya sa mukha ng ale. Pagkatapos ay umindayog ito na tila nakikipag-anuhan. Iniwas ko na ang mga mata. Sobra akong naeskandalo. Natawa naman sa akin si Grace at pinaharap niya ako sa entablado. Sanayan lang naman daw iyon. Sayang raw kasi kung hindi ko panoorin. Iyon ang star stripper. Ang dahilan kung bakit limang libo ang bayad sa entrance.

Nang akmang hahawakan na ng ginang ang nakaumbok na harapan ng guy, biglang tumayo ang lalaki at nag-backdive ito papunta sa gitna ng stage sabay bigay-todong nagpakawala ng kung ilang pumping acts sa mga manonood. Nagwala na ang mga bading. Pati ang mga kolehiyala ay nawalan na rin ng poise sa kakasigaw sa excitement. Nagliparan na naman ang mga mukha nina Jose Abad Santos, Vicente Lim, and Josefa Llnes Escoda.

"Let's go home, Grace. Ang sagwa rito," bulong ko sa kaibigan.

"Saglit lang. Hindi pa tapos si Master M."

Ilang sandali pa, tumigil ang tugtog at tumayo sa gitna ng entablado ang naka-eye masquerade na stripper. Nang tamaan ito ng umiikot na ilaw, napansin ko ang kakaiba niyang peklat sa tagiliran na hugis kidlat. Hindi ako maaring magkamali. Matias?!

**********

Buti na lang nakasuot ako ng eye mask. Siguro kung hindi, kitang-kita ng lahat na biglang lumaki ang mga mata ko na tila palanggana pagkakita sa isa sa mga babaeng manonood. What in the hell is she doing here? Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapansin ko ang pangungunot ng kanyang noo. Nataon kasing tinamaan ng ilaw ang kanyang mukha. Shit! Nakilala niya ako! Hindi ko na hinintay ang iba pa naming mga kasama. Sana magsisilabasan pa sila at sabay-sabay kaming haharap sa manonood at yuyuko bago bumalik sa backstage. Nagtaka nga si Dexter, ang emcee namin, sa ginawa ko.

"What the fvck was that? You were supposed to wait for the other guys so you can bow together before you leave the stage," sita pa ni Dexter. Hindi ko na siya pinansin. Dali-dali akong nagbihis. Kailangang unahan ko siya sa kanila para kunwari'y nandoon lang ako at nakikigulo kina Alden at Kuya Marius habang nag-i-inventory sila ng kita ng restaurant for the day.

Kaso nga lang, pag minamalas ka, talagang minamalas ka! Paglabas ko ng club, no'n din sila lumitaw ng kaibigan niya. Dali-dali pa sana akong naglakad papunta sa parking area, pero mukhang nakita na niya ako.

"Matias!" sigaw niya sa akin.

Nagbingi-bingihan ako, pero tumakbo sila at naabutan nila akong nagbubukas ng pinto ng kotse ko. I acted shocked.

"Hey!" bati ko sa kanya. Kunwari'y gulat na gulat. "What are you doing here?"

Sinimangutan niya ako.

"I saw you," sabi niya sa mahinang boses. I looked at her friend who was a few feet away from us. Medyo kabado ako kasi inaalala ko kung naririnig niya kami.

"What are you talking about?" pagmamaang-maangan ko pa.

"Nakita kita sa loob! Sumasayaw!" sabi niya. Mahina pa rin ang boses niya pero may diin na ito.

Ide-deny ko pa sana iyon at sasabihing nagwe-waiter lang ako sa katabing high-end restaurant ng Foxes' Haven, ang club namin, pero nakita kong nakasara na pala ito. Nabuking na ako kaya hinila ko siya palayo sa kaibigan niya.

"Can we keep this between us? My appeal is in the mystery I project. Once na malaman nila kung sino ang lalaki behind the mask, bababa ang rate ko, mababawasan ako ng audience."

"Why are you doing this?" May lungkot sa kanyang mga mata. I felt so bad. Hindi ako nakasagot. Hindi ko naman kasi alam kung kaya niya akong intindihin.

"Mayaman naman kayo. Hindi mo na kailangan ang pera. You can easily ask your dad for some money if you need some. Bakit kailangan mong mag-ganito?" sabi pa niya.

She's judging me!

"Kahit i-esplika ko sa iyo, you'll never understand."

Lalo siyang nalungkot.

"I'm so disappointed in you, Matias," halos ay pabulong niyang sabi bago tumalikod para balikan ang kaibigan.

Tumagos sa puso ko ang sinabi niya. Hindi agad ako nakakilos. I just watched her as she walked to her friend's car. I've never felt so low.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon