A/N: Dedicated to the first voter.
**********
Malungkot kong sinundan ng tingin ang papalayong si Ella. Pakiramdam ko parang may pumiga ng puso ko. I've never felt so forsaken. Matamlay akong bumalik sa puwesto ko. Sa ubas ko na lang binunton ang lahat ng sama ng loob.
"Iho, dahan-dahan. Nalalasog masyado ang mga ubas. Magagalit mamaya si Ramon niyan," sabi sa akin ng isang Pinay na kasama ko sa pagpipitas. Basta ko na lang kasi binabagsak sa basket ang mga nakuha ko.
No'n naman lumitaw si Anelie. Kagaya ng ibang mamimitas ng ubas, naka-long sleeves siya at nakapusod ang buhok, pero imbes na maluwang na pants ang suot sa ibaba, naka-pantalong maong siya na hapit na hapit sa katawan. Napatingin tuloy kaming mga lalaki sa umbok ng kanyang pang-upo. I have to admit, lumipad na naman kung saan ang utak ko.
"Hi, Matias," nakangiti niyang bati sa akin. "Ramon told me you'll show me how to pick grapes," sabi pa nito sabay lapit.
A part of me wanted to tell her no, but another part said, "Yeah, sure," while checking her out. Napatingin uli ako sa kung saan ko huling nakita si Ella at ako'y napabuntong-hininga.
**********
"Are you okay, hija?" tanong ng Pinoy na katiwala ng mansyon nang makita niya akong matamlay na pumasok. Ngumiti ako sa kanya nang pilit, pero hindi ko na siya sinagot pa.
"Si Matias ba ang problema mo?"
Hindi pa rin ako umimik.
"A word of advice, hija. Minsan, kailangan din natin ipaglaban kung ano ang atin. Hindi pupwedeng hayaan na lang natin ang kung sinong mang-aagaw na makuha nang buong-buo ang kung ano ang atin," sabi pa uli nito bago tumalikod at tumungo sa kusina.
"Ang lapad po ng mata ni Matias! Kainis!" bigla ko na lang nasabi na ikinalingon uli ni Aling Marta. Napangiti na siya sa akin.
"Iyong Anelie ba? Huwag mong intindihin iyon. She's not a keeper."
Natigilan ako. Ganoon ba ako ka obvious? Kung sa bagay, ang liit ng ginagalawan naming lahat para hindi kami magkaalaman ng sekreto. Mukha pa namang tsismoso't tsismosa ang lahat sa paligid.
Tumalikod ako bigla nang makita kong papasok ng mansyon si Kuya Marius. Dali-dali akong umakyat sa kuwarto ko. Ayaw ko munang pag-usapan namin si Matias hangga't maaari. Kumukulo pa rin kasi ang dugo ko sa kanya. Hindi ko pa rin makalimutan ang nadatnan ko sa unang araw ko sa Napa Valley.
Saglit pa lang ako sa kuwarto nang marinig ko siyang kumakatok. Hindi ko sana siya papansinin pero halos kinakalabog na niya ang pinto.
"Okay ka lang ba?" tanong nito agad sa akin. Mukhang labis na nag-alala.
"Opo, Kuya Marius."
"Are you sure?" may pagdududang tanong nito.
"Opo. Okay lang po."
"May nakapagsabi sa akin na gumawa ng eksena si Matias sa plantasyon. Hindi raw natuloy ang pag-tour sa iyo ni Fernando ro'n. Totoo ba iyon? Makakatikim sa akin mamaya ang gunggong na iyon! Makikita niya."
"Ay, wala ho iyon, Kuya. Kaunting misunderstanding lang. O-okay na po kami ni Matias," pagsisinungaling ko.
Pinaningkitan niya ako ng mata. Hindi siya kumbinsido.
"Don't worry about me, Kuya Marius. Sige po. Magpapahinga na po muna ako."
"Huwag kang mahiya magsabi sa amin ng Kuya Markus mo kung binibigyan ka ng problema ni Matias, okay?"
Tumangu-tango ako.
**********
Nahihirapan na ako sa kasusuyo kay Ella. Sa tuwing lalapitan ko, bigla na lang umaalis. Pakiramdam ko tuloy mayroon akong nakahahawang sakit. Pambihira!
BINABASA MO ANG
MASTER M (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
HumorSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangarap na ni Ella na maging asawa si Matias ngunit binasted siya agad ng kababata pagka-confess niya ng f...