CHAPTER SIXTEEN

39.8K 1.3K 109
                                    

Natatawa na ako kay Mommy. Parang ayaw pa rin nitong iwan sa harap ng altar si Kuya Marius. Ilang beses na niyang inayos-ayos ang tuxedo ni Kuya, naging tabingi na ito tuloy. I couldn't understand her. Kagabi pa siya iyak nang iyak. Ano naman ang gusto niyang gawin ng anak niya? Magpari? Maburo buong buhay niya? He's already twenty seven years old for crying out loud! Ang iba nga riyan nag-aasawa nang mas maaga.

"It seemed like yesterday when I took you to St. John's Academy for your first day in kindergarten and now, you're getting married!" narinig ko pang sabi ni Mom.

"I remember that day, too, Mama. It's one of the most memorable day of my life because that's when I met the most beautiful girl in the world," madamdamin namang sagot ni Kuya Marius. Masuyo niyang hinagkan si Mom at pinahiran pa ang mga luha nito.

"It's more than two decades ago, isn't it? Gano'n na pala tayo katanda?" may himig pagbibiro namang sabi ni Dad, kay Mom siya nakatingin. Humilig lang si Mommy sa dibdib niya.

"Thank you, Papa, for giving us the opportunity to study at St. John's. I would never have met her if not for you and Grandma."

Napangiti si Dad kay Kuya at umiling-iling.

"You were the one who made everything possible, son. I'm so proud of you."

Hay naku, isa pa 'to si Dad. Kaya hindi matigil-tigil sa pagsinok si Mom kanina pa kasi'y kahit siya na padre de pamilya ay pinamumulahan din ng mata. Kung anu-ano pa'ng sinasabi. Ang drama! Nakakahiya na sa mga bisita. Kitang-kita pa naman kami dahil halos nasa harapan lang kami ng altar at binibigyan ng moral support si Kuya Marius habang naghihintay sa pagdating ang bride niya.

Nang mapasulyap ako kay Markus na nasa pinakasulok ng simbahan, malapit sa side door, I felt a pang of sadness. Nakasandal kasi siya sa dingding habang nakapikit. It looked like he was crying silently. Naintindihan ko siya. Siguro gano'n talaga. Kakambal niya ang ikakasal, e. He had been with him almost all his life. Katunayan, kamakailan lang sila nagbukod ng tirahan. Kahit sino man sa lugar niya'y malulungkot din. Pero ang pagdadrama ng dalawang tipaklong sa tabi nila Grandpa at Grandma sa unang hanay ng mga upuan para sa groom's guest ay hindi expected! Ba't emosyonal rin ang mga nerds na ito? Parang gusto ko na tuloy pumunta sa gitna, agawin ang mikropono sa wedding planner at pagsabihan ang buo kong pamilya na tumigil na sa kaiiyak. Kasal ni Kuya Marius ang pinuntahan namin hindi burol! Pambihira!

Ganunpaman, napangisi ako kay Moses nang nagpapahid na siya ng umaagos niyang luha sa mukha dahil ang weird tingnan ng malaking tao na iyakin. Idagdag pa ro'n si Morris na sumisinok-sinok din sa gilid nito. They both looked ridiculous. I couldn't contain my amusement, natawa ako nang mahina. Bigla na lang napatingin sa akin si Dad at binigyan ako ng what-the-fvck-are-you-smiling-at look. Napatayo ako nang matuwid at pinilit kong magmukhang pormal. Kaso biglang lumitaw sa pinakabukana ng simbahan si Ella kasama ang iba pang bridesmaid at mukhang siya lang ang nalilito kung saan pupwesto. Sa kalilipat-lipat niya ng side natapilok siya at nabali ang stiletto heels ng kanyang sapatos. Napabungisngis ako sa hitsura niya. Lalo akong pinaningkitan ng mata ni Dad. Tinalikuran ko sila at nilapitan si Markus. Hindi niya ako pinansin.

"Sir, mag-uumpisa na po ang wedding march. Pinapapunta na po lahat ng grooms' men sa entrance ng simbahan," sabi sa akin ng isa sa mga bading na organizers.

"Susunod na ako."

Tinapik ko sa balikat si Markus. Hindi siya tuminag. Kung sa bagay, hindi naman niya kailangang sumali sa mga magmamartsa dahil siya ang best man. Kahit mamaya na siya lumapit sa harapan ng altar.

"Okay ka lang ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Hindi na rin ako nagsalita pa. Sa halip sumunod na lang ako sa bading na hindi na magkandaugaga sa pag-aayos ng wedding entourage.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon