Nangunot ang noo ko nang makita ang hindi pamilyar na kotse sa bakuran nila Ella.
"Nandito na naman pala si Sakang. Hindi yata natakot sa atin," narinig kong komento ni Kuya Marius sa harapan ng kotse. Nakangisi siya kay Kuya Alden.
"Sinong Sakang?" tanong ko sa kanila mula sa backseat. Ipinasok muna ni Kuya Alden ang sasakyan sa loob ng bakuran nila bago ako sinagot. Bigla akong natigilan. May manililigaw na si Ella? Bakit hindi ko man lang nalaman? Nauna pa ang dalawang ito sa akin.
Nagtatawanan sina Ella at ang bisita niya nang madatnan namin sa sala nila. Nakaramdam ako ng kakaibang inis nang makita ko ang lalaki. At the same time, I felt alarmed. Sa tantiya ko'y hindi nagkakalayo ang pangangatawan namin. Basi sa haba ng kanyang mga binti't hita habang nakaupo sa tabi ng kababata ko, palagay ko'y matangkad din siya tulad ko. Napatingin siya sa amin nang pumasok kaming tatlo. Tumayo naman si Ella para salubungin kami. Humalik siya sa Kuya Alden at bahagyang yumakap kay Kuya Marius pero dinedma lang ako.
"Hindi ba't sinabi ko sa iyo noon na huwag mo nang papuntahin iyan dito?" anas sa kanya ng kuya niya. Hindi siya sumagot. Bumalik lang sa tabi ng bisita niya. Lalo akong nabwisit. Gusto ko na ngang bigyan ng upper cut ang mukhang hambog na kulugo. Ni hindi man lang natinag nang pinagtitinginan naming tatlo.
Dumating si Aling Nene na may dala-dalang dalawang baso ng orange juice. Sinalubong ko siya agad.
"Hay salamat, Aling Nene! Kanina pa ako uhaw na uhaw, e," sabi ko sabay dampot sa isang baso ng juice. Inisang tungga ko lang ito. From the corner of my eye, nakita kong napasimangot sa akin si Ella. Si Aling Nene nama'y parang nagulat. Siniko naman ako ni Kuya Marius at sinabihan na hindi sana para sa amin ang juice. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at sumalampak na ako sa tabi ni Ella na nakaupo sa mahaba nilang couch.
"O, heto'ng juice Marvin. Uminom ka muna," sabi ni Aling Nene sa bisita sabay lapag ng inumin sa harapan nito. "Ikukuha na lang kita ng panibago, anak."
Bago makuha ng tinawag na Marvin ang orange juice dinampot ko ito at binigay kay Ella.
"Uminom ka muna at mukha kang uhaw na uhaw," sabi ko pa.
"What are you doing?" anas niya sa akin. Magkasalubong na ang kanyang mga kilay.
"Pinapainom ka ng juice," nakangisi kong sagot. Nahagip ng tingin ko ang pag-iling-iling ni Aling Nene bago bumalik sa kusina. Si Kuya Marius nama'y sumenyas sa akin na sumama na sa kanila sa kuwarto ni Kuya Alden. Hindi ko siya pinansin.
"You must be Matias," sabi ng lalaki nang kaming tatlo na lang ang nasa sala. "Ella has told me about you. Presko ka nga," ang sabi pa nito sa tonong parang nagkukomento lang tungkol sa panahon. He seemed so sure of himself. Awtomatiko namang nagpanting ang tainga ko. Binaba ko ang baso ng juice sa center table at napaupo nang matuwid paharap sa kanya. Nasa left side siya ni Ella nakaupo.
"Hindi kita masyadong narinig. Paikulit. Ano'ng sinabi mo?"
"Ang sabi ko, may pagka-presko ka nga," kalmado nitong ulit.
Napatayo agad ako at nilapitan ko siya. Kukwelyuhan ko na sana ang kulugo nang pumagitna sa amin si Ella. Galit na ito.
"Ano ka ba? Umalis ka nga rito," singhal niya sa akin. I saw the guy's eyes gleam in pleasure. Lalo akong nabwisit.
"Pinagtatanggol mo pa ang lalaking ito?"
"Bisita ko nga siya. Ano ka ba?" asik pa niya sa akin sabay tulak sa akin nang bahagya. Nakita kong prenteng-prente na inabot ng lalaki ang juice sa mesa at sumipsip dito. Natukso akong sipain ang baso sa kamay niya, pero nagpigil ako. Nakita ko kasing nagagalit na si Ella.
BINABASA MO ANG
MASTER M (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
HumorSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangarap na ni Ella na maging asawa si Matias ngunit binasted siya agad ng kababata pagka-confess niya ng f...