CHAPTER SEVENTEEN

38.1K 1.3K 135
                                    

Hindi ako mapakali. Alam ko kasing nasa kina Mang Andoy na sina Mom and Dad at pinag-uusapan nila ang nangyari sa amin ni Ella. Gusto ko nga sanang sumama kanina pero ang sabi sa akin nila Kuya Marius mas mabuti pa raw munang huwag akong magpakita kay Mang Andoy dahil naha-hig blood daw iyon kapag nakikita niya anino ko.

"Stop laughing!" galit kong asik kay Markus. Kanina pa kaasi siya bungisngis nang bungisngis. Hindi na nga mapakali ang tao, pinagtatawanan pa.

"Because you're making me laugh, asshole! Why don't you just sit down? Stop walking around! Nahihilo na ako sa iyo, e."

Sinipa ko ang gilid ng kama niya sa inis. Nakalimutan kong may built-in cabinet pala ro'n na yari sa kahoy. I felt like the wood hit me back. Napatalon-talon tuloy ako sa sobrang sakit. Nang hubarin ko ang medyas, nakita kong namula ang mga toenails ko.

"You see? Sa kaaarte mo, sinaktan mo lang ang sarili mo. Magdadala ka pa yata ng mga patay na kuko sa Napa Valley."

Tinapunan ko muna siya ng masamang tingin bago binagsak ang katawan sa kama niya. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang huwag isipin si Ella. Pero kung kailan kailangan kong huwag muna siyang sumagi sa alaala ko, siya namang pagsusumiksik niya roon. Nakakairita! Kahit kailan, pasaway talaga ang babaeng iyon!

Nakapasok na ang kalahati kong paa sa dreamworld nang biglang tumunog ang home phone ni Markus na nasa bedside table niya lang. Gulat na gulat ako sa lakas ng kuriring. Bigla akong napadilat. Magmumura na sana ako nang marinig ko siyang nagsabi ng, "Yes, Ma. Narito po."

Bumangon ako agad at nakinig nang mabuti sa kanya. Mayamaya pa'y pinasa na niya ang telepono sa akin. Awtomatikong dumagundong sa kaba ang puso ko. Mapipikot na ba ako? Gosh! Kahit mahal ko si Ella hindi ko pa yata kayang malagay na sa tahimik. Ang dami ko pang pangarap sa buhay at ang dami pang magagandang chicks sa paligid na naghihintay sa akin.

"What are you waiting for? Naghihintay si Mama, ano ba?"

I gave Markus another glare before I took the phone from him.

"You need to apologize to Mang Andoy, Matty. When I say apologize, you have to mean it," sabi agad ni Mom.

Pinakiramdaman ko ang tono ng boses niya. Mukhang wala namang urgency sa tinig. It sounded so casual. Hindi naman siguro ganoon ang pananalita ng ina ng isang mapipikot.

"What your mom meant to say was you need to promise Mang Andoy that you are not going to treat Ella like the other girls you dated. In other words, no lip-lock, no necking and petting, no hugging in private---in short, you have to put your sword in place!"

"Ano ba? Akin na nga iyan!" narinig kong sabi ni Mom at inagaw nga nito kay Dad ang phone. Nag-advice pa ito kung paano ko suyuin si Mang Andoy pero wala man lang silang binanggit tungkol do'n sa pamimikot. Ako na ang nagtanong.

"Hindi ba---wala bang sinabi sina Mang Andoy at Aling Nene na kailangan kong pakasalan ang anak nila dahil sa nangyari?"

"Wala naman," halos ay sabay na sagot nilang dalawa at nagpaalam na.

I should feel relieved but I felt an indescribable sense of disappointment. Binagsak ko na naman ang katawan sa kama at napatitig sa kisame.

"Hey, you better go home now. May bisita akong darating mamaya. Hindi ka pwedeng matulog rito sa condo ko."

I ignored Markus and curled into a fetal position.

**********

"Maliwanag ang sinabi ng Papa mo, ha? Huwag mo sana kaming bibiguin," paalala ni Mama habang nagbibihis ako papuntang review center.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon