CHAPTER TWO

63K 1.5K 49
                                    


Nasa loob ng bakuran ang motorsiklo ni Kuya Marius. Sinasabi ko na nga ba na dito ko siya matatagpuan. Hay, salamat naman at may mahihiraman ako ng pera. Nakakainis kasi ang Greta na iyon. Hindi ko sukat akalain na ang lakas lumamon. Napasubo tuloy ako sa Italiani's. Naubos ko tuloy ang kahuli-hulihan kong cash.

Tutuloy na sana ako sa loob ng bahay dahil nakabukas ang pintuan pero natigilan ako sa bungad pa lang. May diwata kasing bumaba sa lupa. Para akong naengkanto sa indayog ng kanyang balakang at hindi ko maalis-alis ang mga mata sa dalawang malulusog na papaya, este ano pala. Iyong ano. You know what I mean. Sa kada galaw kasi niya'y tumatalbog-talbog din ang mga ito. Naiinggit tuloy ako sa kamiseta. Buti pa siya at nayakap niya ang mga iyon nang buong-buo.

"Matias! Kanina ka pa ba riyan?!"

Parang naalimpungatan ako sa sigaw ni Ella. Pinatay nito ang stereo. Natigil din si si Olivia Newton-John sa kakangawa ng Let's Get Physical. Naputol din ang masasayang sandali ko.

"Hindi ko alam na marunong ka rin palang sumayaw," nakangiti kong sagot sabay hagod sa kabuuan niya. Naka-shorts siya nang maikli pero umabot pa rin sa kalagitnaan ng hita. Ngayon ko nalaman na wala siyang tinatagong peklat at ang pagsuut-suot niya ng mahahabang saya ay dahil lang sa kanyang kahibangan.

"Kanina ka pa riyan, ano?" ulit niya. Lalong naningkit ang tsinita niyang mga mata. Saglit na inalis niya sa harapan ng dibdib ang isang kamay at pinanghawi sa ilang hibla ng buhok na nakawala sa pagkakatali niya.

"Long enough to see you twerk."

"Anong twerk-twerk ka riyan? Nag-e-ehersisyo ako, ano!"

"Hindi ba exercise ang twerk? Tsaka ang galing mo naman, e. Mas mahusay ka pa kay Miley!"

"Ang bastos mo! Bwisit ka!"

"O, ano'ng bastos sa sinabi ko?"

"Kung pumunta ka rito para mang-asar, lumayas ka na!"

Saka ko lang naalala ang pakay. Kailangan ko nang makita si Kuya Marius. I need some cash.

"Ang Kuya Marius pala?"

"May pinuntahan sila ni Kuya Alden."

"You mean he's not here? Nasa labas lang ang motorsiklo niya, a."

"Nagkotse sila paalis rito. May lalakarin daw silang permit."

"Oh, man!" at napasuntok-suntok ako sa gilid ng pintuan nila. Nagtaas siya ng kilay.

"I need some cash. Wala nang gasolina ang kotse ko. May pera ka ba riyan? Pahiram naman, o."

"San Diego, manghihiram?"

"E wala ngang pera. I came here because I thought Kuya Marius is here."

Pumasok siya sa kuwarto niya na ilang hakbang lang mula sa sala nila. Sinundan ko siya. Pinagsarhan niya ako ng pintuan. Ang lakas! Natulig ako. Nang pihitin ko ang seradura, hindi naman naka-lock kaya binuksan ko uli. Naabutan ko siyang nagtatanggal ng basa sa pawis na kamiseta. Bigla niyang nilagay ito sa harapan nang makita ako. But I saw her bare back first. What a sight! Nakakapanghina ng tuhod. Bigla akong nag-init.

"Lumabas ka rito, gunggong!"

"I thought you want me to come in that's why you didn't lock the door," nakangisi kong sagot. Lalong lumiit ang mga mata niya. Nakikita ko na rin ang usok sa kanyang bumbunan. Nang lumapit siya sa kama, nalaman ko agad kung ano ang gagawin niya kaya mabilis akong lumabas ng pintuan. May narinig akong kalabog sa loob kasabay ng mahinang pagmura.

Paglabas niya ng kuwarto nakasaya na naman siya. Iyong katulad din ng isinusuot ni Aling Nene. Napailing-iling ako.

"Pambihira ka talaga. Minsan lang kitang nakitang naka-shorts nang nababagay sa edad mo pinalitan mo agad. Why do you like to wear your mom's skirts? Hindi ka ba naiinitan diyan?"

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon