CHAPTER ELEVEN

41.8K 1.4K 120
                                    


Sabi ni Mang Andoy kung balak kong maging kami ng prinsesa niya dapat daw ay tigil-tigilan ko na ang katitingin sa ibang babae. Hindi naman talaga ako palatingin sa kanila. Ang problema sila ang tingin nang tingin sa akin. Gentleman lang ako.

"Matias," tawag sa akin ni Constance, ang cheerleader ng isa sa mga eksklusibong kolehiyo ng bansa. Nakilala ko siya sa isang party ng kaibigan. Simula no'n ay lagi na lang siyang nakabuntot sa tuwing sumasali ako sa motocross. Kagaya ngayon, sinundan pa ako sa California.

"Break a leg, Matty!" sabi pa niya.

Kumaway ako sa kanya. Nang binigyan niya ako ng flying kiss hindi ko rin napigil ang sariling saluhin kamo iyon at bigyan rin siya ng isa. Siniko ako ni Markus sabay iling-iling bago siya lumapit sa motor niya at nagsuot ng helmet.

"I was just trying to be a gentleman," nakangisi kong sabi sa kanya sa mahinang tinig. He rolled his eyes. Bumubuka-buka ang bibig niya pero dahil nakahelmet na hindi ko na siya masyadong naintindihan.

"Is that his girlfriend?" tanong ng isang magandang blonde sa kasama niya.

"I think so. They seemed close."

Nang marinig ko iyon lalo akong napangisi. Hmn, it looks like I'll have a fun-filled vacation!

Pagkakita ko kay Kuya Marius at Vina sa hanay ng mga manonood, kumaway agad ako sa kanila at isinuot na rin ang helmet. Magkatabi kami ni Markus sa race track pero hindi na kami nagkibuan. Alam kong seryoso siya sa karerang ito dahil ilang beses ko na siyang nilampaso sa Pilipinas pa lang. I know he wouldn't let me win this time, but I'm confident I can still beat him. Ayaw ko ngang magparaya.

Habang inaanunsiyo ng emcee ang mga pangalan naming manlalahok ginala ko muna ang mga mata sa naggagandahang mga chikas sa tabi na halos lumuwa na ang mga kambal na papaya sa sikip at lalim ng ukab ng kani-kanilang crop top. Ang suot naman nilang cut-off jeans na either short-shorts style o hanggang tuhod were all hanging just above their bikini line. The effort that some girls have to do to gain attention... Napailing ako at natawa na rin. Buti na lang at nag-skinny jeans lang si Constance ng high waist at nag-tshirt ng hapit na hapit na kulay puti. Medyo malalim ang ukab ng t-shirt niya at may kanipisan ito pero nagmukha pa rin siyang disenteng-disente roon. Hindi nakakahiyang mapagkamalang girlfriend.

Dahil kung anu-ano ang iniisip, delayed reaction ako nang ihudyat ang simula ng karera. For the first two minutes ako ang pinakakulelat sa grupo. Milya-milya ang layo sa akin ni Markus. Kahit ang pandak na Amerikanong puti ay nauna pa sa akin. Hindi pupwede ito. I tried my best to make up for my slow start pero sadyang minalas-malas ako ngayon. Sumemplang ako agad sa unang obstacle. Sabay ng pagbagsak ko, may sumigaw ng, "Matty!" Kung kanina it made me feel good, ngayo'y nabwisit na ako. Siya yata ang malas e! Dali-dali akong bumangon para makahabol. Maraming sumisigaw ng encouragement pero boses ni Kuya Marius lang ang narinig ko nang klaro.

"Take it easy! Kaya mo iyan!"

It was enough to give me the adrenaline I needed and I gained some momentum, but it wasn't enough to win. Muntik na akong mangulelat. Nakakainis! Ganunpaman, natuwa ako nang itinaas ng opisyal ng race ang kanang kamay ng kapatid ko. He finally won the race.

**********

"Ma, nasa'n na ang pansit?" sigaw ni Kuya Alden mula sa kusina. Nanonood kami ni Mama ng balita sa TV sa sala nang mga oras na iyon.

"Nasa ref. Iyong natatakpan ng aluminum foil," pasigaw na sagot ni Mama.

"Ma, ang konti nito!"

"Aba'y ilang batalyon ba ang pakakainin mo? Sina Marius at Markus lang naman, di ba?"

Tumayo na si Mama at nagtungo sa kusina.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon