CHAPTER TEN

40.8K 1.4K 59
                                    

A/N: Ito na po ang totoong update ng story ni Matias. Sensya sa pagkakamali noong isang araw.

**********

Patapos na ang routine ko sa Foxes' Haven nang gabing iyon nang bigla kong mamataan ang isang pamilyar na mukha sa audience. Matiim siyang nakatitig sa akin. Hindi gaya ng ibang mga matrona cool lang siya habang nakamasid sa akin. Pinanlamigan agad ako nang magtama ang mga mata namin at bigla akong natigil sa kagigiling. From the corner of my eye, nakita kong sumesenyas si Dexter sa gilid ng stage na ituloy ko raw ang pagsayaw. I tried moving but her penetrating gaze made me head back to the backstage. Napa-ad lib na naman si Dexter para kalmahin ang nadismayang audience.

"What the hell was that for?"

Siniko ako ng isang kasamahang Brazilian at sinenyas na kinakausap ako ni Dexter. Imbes na harapin ang emcee con manager namin, tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ang pagbibihis. Nang maayos na uli ang hitsura ko kaagad akong tumakbo sa exit.

"Matias!" sigaw ni Dexter pero hindi na ako nagpapigil pa. I had a one-track mind that evening. Kailangan kong makaalis agad doon bago pa ako mabuking.

Nakalabas na sa parking lot ng Foxes' Haven ang kotse ko nang mamataan ko ang paglabas ni Mom at ni Aling Mameng sa club. Nakita ko silang nagpalinga-linga. Kahit pula pa ang traffic light pinaharurot ko na ang kotse palayo. Pagdating ko sa bahay hindi na ako naligo. Nagbihis na lang agad ako ng pantulog at humilata sa kama. Ilang minuto pa ang nakalipas, naramdaman kong may pumasok sa kuwarto.

"Mukhang himbing na himbing siya, ma'am," anas ni Aling Mameng.

Hindi ko narinig ang sagot ni Mommy pero gumalaw ang kama. Kahit kinakabahan na'y sinikap ko pa ring maging kalmado para hindi mahalata na nagtutulug-tulugan lang ako.

"Matias. Alam kong gising ka. Magsabi ka nang totoo. Ba't ka pumayag maging stripper sa club na iyon? Kulang pa ba ang binibigay naming allowance sa iyo?"

Kunwari napabalikwas ako sabay kamot sa pisngi. Tinalikuran ko siya. Niyugyog naman niya ang balikat ko.

"Pinapag-aral ka naming mabuti. Binibigyan ka nang sapat na pera para hindi ka na humantong sa ganito. What have you been doing with your life?" sabi pa ni Mom. She sounded so hurt. I felt so guilty. Na-tempt akong i-comfort siya pero natatakot naman akong umamin. Natitiyak ko kasing sasabunin ako ni Dad. Hindi lang iyon baka kanselahin na naman niya ang credit card ko o di kaya hindi na ako bigyan ng allowance. Patay ang plano ko sa buhay kapag nagkataon.

"Ma'am, mukhang kanina pa natutulog si Matty. Alam mo namang tulog mantika ang batang iyan. Hirap gisingin. Magpahinga na po kayo."

Gumalaw uli ang kama.

"Hindi pa tayo tapos, Matias. Alam kong nakikinig ka. Mag-isip ka na nang magandang paliwanag para sa daddy mo."

Napalunok ako. Sinasabi ko na nga ba! Ganunpaman, natuwa ako kay Aling Mameng. Nang masiguro kong wala na sila sa kuwarto ko saka lang ako nagpakawala nang buntong-hininga. Naisip ko agad si Ella. Patay talaga ang babaeng iyon sa akin. Sino pa ba ang magsusumbong kay Mommy kundi siya?

**********

"Anak, gumising ka na riyan at nandito si Matias."

Napabalikwas agad ako sa kama. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Alas siyete pa lang nang umaga. Nangunot kaagad ang noo ko. Knowing Matias, alam kong may emergency. Kadalasan kasi'y tanghali na ito kung magising.

Nagsuklay lang ako ng buhok, nagsuot nang maluwang na t-shirt at jogging pants bago lumabas ng kuwarto. Nakaupo nga ang loko sa sofa namin at mukhang pasan ang daigdig.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon