A/N: Ito na po ang past part ng kuwento nila Matias at Ella. Maraming salamat sa lahat ng mga sumubaybay nito.
Dedicated to the first commenter.
**********
Nalaglag ang panga ko nang makita ko na siyang naglalakad sa Rizal Boulevard. She was wearing a black Adidas jogging pants and a loose-fitting white t-shirt. Simpleng get up pero it made her look breathtakingly beautiful. Tama nga ako. Mas maganda siya kapag walang bahid ng make up at nakalugay ang buhok. Lutang na lutang ang ganda ng kutis niya at ang kanyang pagka-tsinita.
Palinga-linga siya sa paligid. As usual. Mukhang nalilito na naman kung saan ang north at south. Klaro at maayos ang pinadala kong mapa kung saan ako naghihintay sa kanya, pero tila naliligaw na naman ang manang. Nagkubli muna ako sa isang puno at hinintay siyang makalapit bago dahan-dahang pumunta sa kanyang likuran.
"Oy!" sabi ko sabay hawak sa baywang niya. Nagulat siya. Awtomatiko ang pag-igkas ng kamay niya at nasapak ako. "Ouch!" sigaw ko.
"Kasalanan mo! Nanggugulat ka, bwisit ka!" asik niya sa akin. Nakahalukipkip na siya ngayon habang nakasimangot. Pero kaagad na nangunot ang kanyang noo. Pinasadahan niya ako ng tingin. Tapos parang tiningnan ang kanyang get up. "I thought we're going to jog together?"
"Ikaw lang ang magja-jog at papanoorin kita," nakangisi kong biro sabay akbay sa kanya. Tinabig niya ang kamay ko at pinaningkitan ako. "I was just kidding. Tsaka wala akong sinabing magja-jog tayo."
"But you made me come here. Ano naman ang gagawin natin sa Rizal Boulevard kung hindi naman tayo magja-jog?" naiinis niyang sagot.
"Relax, Ella. Let's just enjoy the sunset, okay?"
"Nakakainis ka! Pinagmukha mo na naman akong alalay nito, e. Bihis na bihis ka samantalang halos naka-pambahay lang ako." And she pouted.
"This is just me, okay? Ganito talaga ako. Kahit pambahay pinagmumukha kong trendy. Hindi ka na nasanay," biro ko ulit sa kanya. Lalo niya akong sinimangutan.
"Alin ang pambahay diyan sa get up mo? For the first time, walang butas-butas iyang jeans mo tsaka naka-polo shirt ka pa. Teka---," bumaba ang tingin niya sa sapatos ko, "tingnan mo, naka-boat shoes ka pa. Ngayon ka lang hindi nag-rubber shoes tapos sasabihin mong nakapambahay ka lang? Kainis ka! Gusto mo talaga akong magmukhang gusgusin kapag kasama ka!" At siniko niya ako. Nauna na siyang maglakad.
"I promised Shelby I'll wear her new collection today. From this polo-shirt down to my shoes, disenyo niya ito."
Napalitan ng pagkamangha ang ekspresyon sa mukha niya. Dahan-dahan umaliwalas iyon.
"Bongga na si Shelby, ha? Ang ganda ng taste niya."
Nang matanaw ko na ang sasakyan naming mini-yatch ay hinawakan ko na siya sa kamay.
"Where are we going?" nagtatakang tanong niya nang inaalalayan ko na siyang pumanhik sa yate. Sa kalilingon niya sa akin, muntik na siyang ma-off balance.
"Careful! Kahit kailan wala ka talagang finesse," sabi ko.
Aangilan pa sana niya ako pero natigil siya nang sinalubong ni Morris.
"Welcome aboard, Ate Ella." Sumulpot din si Moses sa likuran nito. They were both wearing faded maong jeans na naka-roll up hanggang sa ilalim ng tuhod. Topless si Moses pero si Morris ay naka-suot ng puting shirt na sa baba lang binutones. Pinitik ko ang mga sentido nila.
"Sasapawan n'yo pa ako?" sabi ko sa kanila.
"Aw, kuya!" angal nila at umalis na sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
MASTER M (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
HumorSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangarap na ni Ella na maging asawa si Matias ngunit binasted siya agad ng kababata pagka-confess niya ng f...