A/N: To the first voter and commenter. :)
**********
"Walanghiya ka! Tama nga ang kutob ko saiyo!" umiiyak na sigaw ni Ella sa akin.
Dinama ko ang pisnging tinamaan ng kamay niya. Shit, ang sakit! Ang hinhin niya pero ang tindi niyang manampal.
"Sino siya?"galit pang tanong niya sa nanginginig na boses.
Napasulyap ako kay Anelie na ngayo'y hindi na magkandatuto sa pagsuot ng bra at blusa.
"Nagtatrabaho siya rito," sagot ko sa mahinang tinig. I was so embarrassed that she caught us in a situation like this. Kung alam niya lang ang laman ng puso't isipan ko during the ultimate hour... Kaso nga lang mahirap ipaliwanag. Sabihin ko man, mahirap paniwalaan lalung-lalo na't nakita niyang hinawakan ni Anelie ang ano ko.
Tila nanlisik ang mga mata ni Ella sa narinig. "Nagtatrabaho siya rito?" panggagagad niya. "So, pati ikaw tinrabaho rin niya?!"
"What is she talking about? And who is she?" sunud-sunod na tanong naman ni Anelie. Tinapunan pa niya ng mapanuring tingin si Ella. I didn't like it. But then, she was the least of my concern. Nag-concentrate ako sa kung paano paliwanagan si Ella.
"Namali ka ng interpretasyon sa nakita mo, Ella. Mukha lang kaming nag-aanuhan, pero wala iyon. Nothing happened."
"Nothing happened dahil dumating ako! Nothing happened dahil nakita ko kayo agad!" At napahagulgol na siya nang tuluyan. Nilapitan ko siya at inalo pero siniko niya ako. Nang tangkain ko uling kalamayin ang kalooban niya, tinulak niya ako.
"Tingnan mo ang sarili mo. Nakakahiya ka!" At napatakbo siya palabas ng bar. Hahabulin ko sana siya pero nakita kong paparating sina Kuya Marius at Markus. Nagulat sila nang makitang tumatakbong umiiyak si Ella. Hinarangan siya ng dalawa at tila tinanong. Hindi ko na hinintay pa kung ano ang susunod nilang gawin, dali-dali na akong bumalik sa loob at nagbihis.
"You need to hide," sabi ko agad kay Anelie
"Why? What's going on? Are you married?" tanong uli niya. Tila hindi man lang nababahala sa nangyari. Nainis na ako.
"I said, hide!" galit kong singhal sa kanya.
Binuka lang nito ang dalawang kamay na tila walang pakialam at namaywang pa. Kung hindi lang siya babae, ang sarap kutusan.
Napapitlag ako nang bigla na lang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang galit na galit na mukha ng mga kapatid ko. Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Anelie at sinita nila ako agad. Ano na naman daw kahayupan ang ginawa ko? Hindi kaagad ako nakasagot. Nakita ko naman si Anelie na napatingin sa kanila nang may interes.
"Ito ba ang pinalit mo kay Ella?" galit na tanong ni Kuya Marius sa tinig na tila nagpipigil.
"Akala ko nagbago ka na?" Si Markus naman. Mas kalmado ang boses niya.
Nang hindi ako sumagot, nilapita ako ni Kuya Marius at pinitik niya ang sentido ko. Pumagitna agad si Markus at pinigilan niya ang kakambal. Para kasing bibigwasan na ako ni Kuya.
"Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang naging hirap ni Ella makapunta lang dito para mabisita kang baboy ka?!" sigaw pa ni Kuya Marius sa akin.
"Can somebody explain to me what's going on?" singit ni Anelie. Tila nababagot na siya at nawawalan na rin ng pasensya.
Naningkit lalo ang mga mata ni Kuya Marius, lalo pa't pinutol nito ang sasabihin pa sana niya. Tinapunan niya ng masamang tingin si Anelie. Hindi na ito nagsalita pa. Natakot din siguro.
"Siya pala ang dahilan kung bakit busy ka lately," komento naman ni Markus habang nirerendahan si Kuya Marius. Napailing-iling pa ito. Parang masyadong dismayado.
BINABASA MO ANG
MASTER M (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
HumorSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangarap na ni Ella na maging asawa si Matias ngunit binasted siya agad ng kababata pagka-confess niya ng f...