CHAPTER TWENTY-FIVE

44.6K 1.5K 117
                                    


A/N: This is the last chapter. Epilogue na po ang kasunod nito. Maraming salamat sa nagbabasa nito, nagse-share sa SNS, bumuboto, at nag-iiwan ng comments. Mwah!

Dedicated to the first commenter.

**********

"Matty! Long time no see, bro! What's up?" tuwang-tuwa na bati ni Dexter, ang emcee ng mga strip shows na kinabilangan ko sa Foxes Haven pagkakita niya sa aking pumasok sa backstage. Niyakap pa ako nito at tinapik-tapik sa balikat. Nag-hand salute sa akin ang mga dating kasamahan at ang mga bago nama'y napatingin lang. Pinakilala ako sa kanila ni Dexter bilang the one and only star stripper daw ng Foxes Haven, Master M. Napangiwi ako. I don't feel honored or thrilled anymore.

"Are you telling us you're joining us again?" excited na tanong ni Dexter. Abot-tainga ang ngiti nito. "That would be pretty awesome! The matronas and the gay community will be thrilled! They've been bugging us about you since you've left us."

"I actually came to see you guys for the last time to say goodbye."

"What?! Are you out of your mind, dude?" Si Dexter uli. "You're the only stripper here I allowed to be on an indefinite leave and you're telling us you're quitting for good?!"

"It's not fun anymore."

"Not fun?" panggagagad ni Dexter at tumangu-tango. Mukha na itong iritado. "If you think we'll give you the five-million-peso-bonus for completing your one-year contract, you're out of your mind. Yes, you've completed the minimum length of service but there was a clause on that contract---you need to return for at least another year."

"I didn't come here for the bonus," kalmado kong sagot although I felt like punching his face. Ano'ng akala niya sa akin? Mukhang pera at masisilaw sa limang milyong bonus? "I just want to see this place one last time and say goodbye to everyone."

"Yeah." At nag-smirk na si Dexter. Tinalikuran pa ako sabay bulong ng, "As*hole."

No'n lumapit ang mga dati kong kasamahan at tinapik-tapik ako sa balikat. Nagkumustahan kami at umalis na rin ako ro'n. Dahil lagi naman akong naka-mask dati sa tuwing nagpe-perform, walang nakakilala sa akin kahit no'ng makihalubilo na ako sa audience. I watched their show and I have to admit I felt the urge to dance when I heard Genuwine's Pony, but I remained on my table. May lumapit pa sa aking bading. Inisip na gano'n din ako dahil siguro lahat halos ng lalaking manonood ay tulad niya. Hindi ko siya pinansin. Hinila ko lang pababa ang suut-suot kong baseball cap nang mamataan sa hindi kalayuan ang dati naming dekano sa St. John's. Napailing-iling ako. He hadn't changed a bit. Tulad pa rin siya ng dati. Wild na wild kapag naghubad na ang mga stripper. Siya pa rin ang kauna-unahang nagpasabog ng iilang libong perang papel sa stage. Nang tumingin pa ako sa gilid ko, nakita kong wala halos bagong mukha sa crowd. Sila-sila pa rin. Ang iba sa kanila'y mga kaibigan at kasamahan pa ni Mom sa charity organization na pinamamahalaan niya. Mga kapita-pitagang ginang sa umaga pero mga hayok sa laman sa pagsapit ng dilim. Hindi mo iisipin na asawa sila ng respetadong politiko at businessman ng Pilipinas. Napailing-iling uli ako.

Inubos ko ang dalawang bote ng overpriced beer, tumingin sa bawat sulok ng paligid, at lumabas na ng Foxes Haven. Iyon na ang kahuli-hulihang gabi na magagawi pa ako roon. Nalungkot din ako kahit paano. Pakiramdam ko kasi I was saying goodbye to my younger and carefree days. It was the end of an era.

**********

Kahit nakapaligo na't nakapaglagay ng foundation at concealer, halata pa ring namumugto ang mga mata ko. Tama si Grace. Hindi na namin dapat sinundan si Matty kagabi. Tuloy ay napag-alaman ko pang nagpunta na naman siya sa Foxes Haven. Inakala ko na ang mahigit isang taong pamamalagi niya sa Napa Valley ay makakadulot ng kabutihan. Na uuwi siya sa Pilipinas na mas mature, mas responsable, at mas disente. Iyon pala, wala pa ring pagbabago. Ang masakit pa, nagpa-take out pa siya sa isang bading! Ba't gano'n? Mas inuna pa niyang bisitahin ang Foxes Haven kaysa sa akin? Oo, cool off pa rin kami, pero may pinagsamahan naman kami bilang magkaibigan. Kahit man lang sana sa ngalan ng pagiging BFF namin noon. Kahit iyon man lang sana ang isinaalang-alang niya. Pero hindi, e. Kinalimutan na niya akong talaga. Buwisit siya! Ako namang si tanga ay palagi pa ring nandito. Naghihintay! Nakakainis!

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon