CHAPTER SIX

44.9K 1.4K 103
                                    

A/N: Pasensya na at ang tagal lagi ng UD. Sobrang busy lang talaga.

**********

Nakita kong nasa garahe pa ang kotse ni Alden pero walang katao-tao ang sala. Bukas naman ang pintuan. Kinatok ko ang kuwarto ni Ella na ilang hakbang lang ang layo mula sa pinaka-living room nila pero wala namang sumasagot. Tinext ko siya kung nasaan.

"I'm with Grace. We're doing our take home exam in accounting.," sagot naman niya agad.

Napahinga ako nang malalim. Nakakainis kasi. Kung kailan suot ko ang bago kong polo shirt at Nike shoes saka naman wala sa bahay ang manang na iyon. Si Alden na lang ang hinanap ko. For sure he's just around the corner. I need some bucks. Wala akong panggasolina.

May narinig akong anasan na nanggagaling sa kusina. Nang silipin ko nakita ko si Aling Nene at Mang Andoy na seryosong nag-uusap.

"Ano raw ba ang sabi ng doktor?" nag-aalalang tanong ni Aling Nene.

"Iyon nga. Kailangan ng operasyon. Bypass sargeri nga raw."

Huh? Bypass surgery? Para kanino?

Nangilid ang mga luha ni Aling Nene. Kaagad namang tumayo si Mang Andoy at inalu-alo ito.

"Ano ka ba? Malakas pa itong asawa mo kaysa kalabaw," at tumawa-tawa si Mang Andoy. No'n ko lang napagtanto na si Mang Andoy ang nangangailangan ng bypass surgery. Kinabahan ako bigla. Hindi ko iyon inaasahan. Ang lakas-lakas kasi ni Mang Andoy.

"Wala tayong masyadong ipon. Ang perang natira do'n sa pinagbilhan natin ng bahay at lupa ay napahiram ko na kay Alden," sabi uli ni Aling Nene.

"Huwag mong sabihan ang mga bata. Mag-aalala lang sila. Tsaka nakakahiya kay Marius. Baka pati iyon ay mamroblema at mag-offer pang ipahiram sa atin ang naipampuhunan ni Alden sa negosyo nila. Sobrang nakakahiya na. Fifty-fifty na nga ang hatian nila sa tubo gayong malaki ang naiambag niya tapos magpapabigat pa tayo."

Naawa ako sa mag-asawa. Hindi ko napigilan ang paghugot nang malalim na hininga. Kapwa sila napatingin sa direksiyon ng pinagkukublian ko.

"Sino iyan?" tanong ni Mang Andoy, medyo kabado.

Hinawi ko na ang kurtina at nagpakita na lang sa kanila. Napakamot-kamot ako sa ulo na parang batang nahuling naninilip.

"Kanina ka pa ba riyan?" nag-aalalang tanong ni Mang Andoy.

"M-medyo po."

Si Mang Andoy naman ngayon ang napakamot sa ulo. Napabuntong-hininga naman si Aling Nene. Nilapitan niya ako.

"Narinig mo kami?"

Tumangu-tango ako.

Nagkatinginan silang mag-asawa.

"Hindi pa alam nila Ella at Alden ang tungkol sa kalagayan ko kaya nakikiusap ako sa iyo, iho, huwag na huwag mong mabanggit-banggit kay Ella o kay Alden ang narinig mo, okay?"

"Makakaasa po kayo, Mang Andoy."

"Mabuti naman kung gano'n. Kung si Ella pala ang hanap mo, nakaalis na siya."

"Alam ko po. Nag-text po siya sa akin. Sige po. Hahanapin ko muna si Alden."

"Nakaalis na rin siya, iho. Dinaanan siya rito ng Kuya Marius mo."

Patay! Kanino ako manghihiram ng pang-gasolina?

"May problema ba, Matias?" Si Aling Nene naman.

Nahihiya man akong umamin dahil narinig ko ngang namomroblema sila sa pera, wala rin akong magawa. Ayaw kong maglakad at ang init-init sa labas.

Napailing-iling si Aling Nene nang malaman niya ang sadya ko. Napangisi naman ako nang mag-abot na siya ng limandaang piso. Aalis na sana ako nang tinawag niya ako uli.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon