CHAPTER TWENTY-THREE

42.1K 1.4K 128
                                    


A/N: Brace yourself for the last two chapters and Epilogue. Sana suportahan n'yo ito till the end. Salamat sa mga taong laging nakakaalalang mag-iwan ng komento. Mwah!

Dedicated to the first voter.

**********

Papasok pa lang kami ng plantasyon ay tanaw na namin si Daddy sa harap ng mansiyon. Naka suot siya ng kulay asul na bathrobe na ipinatong sa mas mapusyaw na kulay bughaw na pajamas. Nagkatinginan ang mga kuya ko. Napahigpit naman ang hawak ko sa kamay ni Ella and absent-mindedly I kissed her temple. Bahagya siyang dumilat.

"Nasa'n na tayo?" tanong niya sa inaantok na boses.

"Nandito na tayo sa amin," masuyo kong sagot. Pilit kong iwinawaglit sa isipan ang kaba at takot sa maaaring isalubong sa amin ni Dad. Sigurado akong mababatukan na niya kami sa ginawa naming pagtakas para sagipin si Ella. Ilang beses na kasi niyang sinabi na huwag na kaming makialam dahil may inutusan na siyang gumawa no'n para sa amin.

Naunang bumaba ng kotse si Markus. Imbes na dumeretso agad sa kinaroroonan ni Dad hinintay niyang makababa rin si Kuya Marius. I could sense their apprehension. Maging ako ma'y gano'n din ang nararamdaman.

Napalingon ako kay Ella nang bigla siyang tumigil sa paglalakad.

"What's wrong?" tanong ko sa kanya.

"Siguradong sasabunin tayo ni Tito Magnus," natatakot niyang sagot. Bahagyang pumiyok pa ang boses niya. She looked at me with misty eyes. Hinila ko siya at hinagkan sa noo.

"Sigurado iyon, pero labas ka na ro'n. Hindi ka niya idadamay. 'Lika na."

Nang makita kami ni Daddy nakita ko siyang parang huminga nang malalim. Ang mga kuya ko nama'y saglit na natigilan nang ilang hakbang na lang ang layo nila kay Dad. Si Kuya Marius ang unang lumapit. Nagmano siya. Sumunod din sa kanya si Markus. Tapos kami ni Ella.

"How many times did I tell you---,"

"Nandiyan na ba sila? Nakarating na sila?" sunud-sunod na tanong ni Mom mula sa loob. Mayamaya nga'y lumitaw ito. Naka-suot na rin marahil ng pantulog na tinakpan lang ng hanggang tuhod na kulay rosas na bathrobe na gawa sa sutla. Nang makita ni Mom ang mga kuya ko, napasigaw ito ng, "Marius! Markus! Thank God!" Niyakap niya nang mahigpit ang mga ito habang umiiyak. Binitawan niya lang ang dalawa nang mahagip kami ng kanyang paningin. Inabot niya ang mukha ko kaya't ako'y yumuko. She gave me a kiss on the eyes before she hugged me tightly.

"I'm sorry, Mom. I'm sorry," bulong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Iyak lang nang iyak. Narinig kong napahinga uli nang malalim si Dad.

Pagkatapos kaming yakaping tatlo, saka niya lang binalingan si Ella. She cupped Ella's cheeks and kissed her on the forehead.

"Ikinagagalak kong ligtas ka na, hija. We were so worried," sabi pa niya bago niyakap si Ella. Humingi rin ng dispensa sa kanya si Ella. Umiling-iling naman si Mom. Wala raw dapat ihingi ng paumanhin si Ella. Walang may kasalanan sa aming apat.

Walang nagawa si Dad kundi'y tapikin kami sa balikat at yakapin na rin. Nagawa pa niya akong i-congratulate for a job well done. Pero sa uulitin daw huwag na huwag na naming gawin iyon dahil baka hindi kakayanin ng pamilya kung isa man sa ami'y mawala dahil sa katangahan namin.

"Akala ko sabi mo we're born winners? Hindi mangyayari iyon!" may himig pagbibiro ko nang sagot sa kanya. Ngingiti-ngiti sa tabi ang dalawa kong kuya while Mom rolled her eyes. Hinawakan niya si Ella sa kamay at sinabihan na kaming pumasok na sa loob.

**********

Dahil sa nangyari, nagkaroon ng regular na police presence ang mansiyon. Naging sentro ako ng imbestigasyon. Nang malaman ko ang criminal record ni Fernando naiyak akong bigla sa harap ng mga imbestigador. No'n ko lubos na na-realize kung gaano ka delikado ang sinuong ng magkakapatid para iligtas ako. Lalo akong na-guilty. Kung pinagkatiwalaan ko lang sana nang lubusan si Matias disin sana'y walang ganitong pangyayari. Naramdamamn ko tuloy na hindi ko deserved ang pagmamahal na inaalay niya sa akin. What he did in the past seemed to pale in comparison to what I have done or could've done.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon