CHAPTER TWENTY-ONE

38.4K 1.2K 72
                                    


A/N: For sure mabibitin na naman kayo rito. If I were you, hintayin nyo na lang ang next chapter at sabay basahin para hindi kayo troubled kung ano ang kasunod na pangyayari.

Dedicated to the first voter.

**********

Medyo nananakit ang katawan ko nang magising. Tinatamad pa sana akong bumangon pero nang makita ko sa wall clock na alas diyes na nang umaga, bigla akong napaupo. Shit! Kakalbuhin na ako ni Kuya Marius nito! Tumakbo agad ako sa banyo at nagsipilyo. Hindi na ako nag-shower. Sa halip naghilamos lang at punas-punas ng katawan. Pagbaba ko ng kumedor, walang katao-tao ro'n. Maging si Aling Marta ay MIA. Uminom na lang ako ng gatas at dali-daling tumakbo sa plantasyon hoping nobody would notice me. Mukhang wala ngang nakapansin sa akin dahil aligaga ang lahat sa hindi ko maintindihang rason.

"What's going on?" tanong ko sa isang Pinoy na katrabaho.

"May nanabotahe na naman sa wine production natin. Galit na galit ang mga kapatid mo. Ang dami na namang nasayang na vino."

Naisip ko agad si Anelie. Malilintikan na sa akin ang babaeng iyon. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala ni anino niya. Napagtanto kong siya nga ang may kagagawan no'n. Kapag may nangyayaring ganoon ay hindi siya nagpapakita sa plantasyon. Initsa ko ang dala-dalang basket sa lupa at bumalik sa mansyon. I need to find her.

"O, ba't bumalik ka na sa trabaho?" salubong ni Aling Marta sa akin. "Ang sabi ng mga kuya mo papaghingahin ka lang muna ngayon dahil baka mabinat ka."

"Okay lang po ako, Aling Marta. Nakita n'yo po si Anelie?"

Nag-iba ang tingin ni Aling Marta. Napailing-iling pa siya. I knew what she was thinking right away, but before I could correct her she strutted towards me in her one-piece body hugging red dress. Laglag ang panga ko nang makita kong lumitaw ang halos kalahati ng boobies niya. Naisip ko agad na kaunting tuwad lang niya'y makikita ko na panties niya.

"Looking for me, Matty?" pa-sweet nitong tanong. Tumikhim ako para itaboy ang malalaswang larawan sa isipan ko. I need to be strong.

"You were not in your post today," kaswal kong sagot.

"Oh. Did you miss me?" At napahagikhik pa siya. Si Aling Marta nama'y napailing-iling uli at iniwan na kami. Ako nama'y napangisi lang nang nakaloloko. Pinasadahan ko ulit ang kabuuan ni Anelie at napasipol pa kunwari. Lalong naging malandi ang tawa niya. Lumapit siya sa akin at humawak sa braso ko. Ikiniskis pa niya ro'n ang isang bahagi ng dibdib niya. Inamoy-amoy ko ang gilid ng kanyang leeg, teasing her, and she purred like a kitten. Natawa ako. She's so predictable, naisip ko. I can easily make her confess.

**********

"Did you check all the workers?" galit na tanong ni Kuya Marius kay Ramon. Namumula na ang pisngi nito. Ang sabi sa akin ni Aling Marta may nasayang na naman daw kasing kung ilang bariles ng vino. Ilang milyong dolyar na raw ang nilugi ng San Diego winery dahil doon.

"Yes, Mr. San Diego and we haven't got a single clue."

"Bullshit!" Napasabunot na si Kuya Marius sa buhok sa tindi ng frustration at galit. Walang imik lang si Kuya Markus sa tabi niya, pero mababanaag din sa mukha ang pag-aalala.

"Look at the rooster of new workers in the plantation and check their every move!" mando nito sa natataranta nang katiwala. Hinawakan siya sa braso ni Kuya Markus at parang may ibinulong dito. Nag-anasan silang magkapatid. Si Ramon nama'y dali-daling lumabas ng mansyon at nagsisigaw na rin sa mga nakasalubong na kalahi in their native tongue. Hindi na ako lumapit sa dalawa. Palagay ko hindi na naman matutuloy ang pagpunta namin ng San Francisco dahil sa kinakaharap nilang problema. Sayang. Looking forward pa naman sana akong makita ang pamosong Golden Gate Bridge.

MASTER M  (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon