Malayo pa nakita ko na agad ang nakahintong truck sa gilid ng daan, mga limang kilometro ang layo mula sa plantasyon namin. Humigpit ang hawak ko sa hand clutch ng motor. Inisip ko na agad kung paano bugbugin si Fernando. Iyong takbo ko papunta sa truck pagkahimpil ng motor ay katulad ng isang marinong handang sumagupa sa kalaban, kaya ganoon na lamang ang galit ko nang wala akong makitang tao sa loob ng sasakyan. Sinilip ko pa ang ilalim nito sa pagbabakasakaling nagtago sila roon, pero wala akong nakita ni anino nila. Kinakabahan na ako kanina pa at na-triple iyon nang mapagtanto kong tinangay ng unggoy na Fernando si Ella.
"I found the truck but I couldn't find them," kabado kong sabi sa mga kuya ko sa phone.
"Come home. We already found a lead," sagot naman ni Kuya Marius na ikinakunot ng noo ko. Found a lead? Lead lang? Pag may nangyari kay Ella lintik lang ang walang ganti!
Nagdahan-dahan ang pagpapatakbo ko ng motor nang makita ko ang pamilyar na sasakyan sa harap ng mansyon. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Pagkakita ko kay Daddy, napalunok ako nang ilang beses. Hinanda ko na ang tainga sa mga sermon niya. May kutob akong sinabi na ng mga kuya ko kung bakit lumayo ang loob ni Ella sa akin kaya nagawa niyang magtiwala kay Fernando na ikinapahamak niya.
"Matias!" nasambit agad ni Dad. Dali-dali siyang lumapit sa akin. Bigla akong napaatras. Nilagay ko na ang braso sa ulo sakaling batukan niya ako, pero nabigla ako nang basta na lang niya ako hinila at niyakap. "Are you all right?" tanong pa niya. Siyempre, nagulat ako. Bakit mukha siyang worried para sa akin? Si Ella naman ang nawawala.
"Dad found out Fernando is not just an ordinary guy. He's a mercenary working for high profile businessmen and politician in the US and Mexico. He's ready to kill anyone for money. Ang kasalukuyan niyang kliyente ay isang bigating negosyante from New York na naglalayon na pabagsakin ang negosyo natin. Collateral damage lang si Ella. Hindi siya parte ng plano pero alam ng mga nag-utos sa kanya na malapit siya sa pamilya kaya natitiyak nilang labis tayong maapektuhan."
"Kung gano'n may dahilan kung bakit mabigat na ang loob ko sa gunggong na iyon. Kayong dalawa kasi, e. Pinagkatiwalaan n'yo pa ang unggoy na iyon. Kita n'yo na? Pati si Ella'y nagtiwala rin, kasi pinakita n'yong buo ang tiwala n'yo sa hinayupak na iyon!" galit kong sagot kay Markus. Inawat ako ni Dad. Huwag ko na raw silang sisihin.
Natigil ang diskusyon namin nang biglang may dumating na mga bisita. Kapwa sila armado, pero hindi naman mukhang pulis o sundalo. Sinabihan nila si Dad na may lead na raw ang mga tao nila tungkol sa whereabouts ni Fernando pero si Ella'y hindi pa rin nate-trace.
"That's bullshit!" sigaw ko agad. Pesteng-peste na ako sa lead na iyan. Puro na lang lead!
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha sa tindi ng pag-aalala ko kay Ella. Masuyo akong inakbayan ni Dad. Tumigil lang ako sa kamumura nang makita kong bumaba ng hagdan si Mom. She looked so worried.
"O, natagpuan na ba si Ella?" tanong kaagad nito sa amin.
Tumalikod ako. Ayaw kong makita niya ang namamasa kong mata. Baka lalo siyang mag-alala.
**********
"Matias! Nasa'n ka na?" iyak ko habang palinga-linga sa madilim na paligid.
Hindi ko alam kung saan nila ako dinala. At hindi ko rin alam kung bakit nila ako kinidnap. Napagkamalan kaya akong anak ng mga San Diego? Ipapa-ransom kaya nila ako? Naisip ko sina Mama't Papa. No'n ko napagtanto na tama nga sila. Hindi ko dapat sinundan si Matias sa Napa Valley. Dapat nag-concentrate ako sa pag-rereview ko para sa board.
Tumahimik ako sa kakangawa nang maramdamang may paparating na mga yabag. Nanginig ang buo kong katawan nang makitang dumami sila. Kung kanina'y dalawang malalaking itim na lalaki lang ngayo'y nagdala pa sila ng tatlo pa. Ang dalawang itim ay tila mga higanteng may malalaking tiyan. Ang kasama naman nilang puting lalaki ay tila serial killer na takas sa bilangguan sa dami ng tattoo sa katawan.
BINABASA MO ANG
MASTER M (MATIAS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
HumorSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangarap na ni Ella na maging asawa si Matias ngunit binasted siya agad ng kababata pagka-confess niya ng f...